Pagsapit ng umaga nagkita kita kami lahat sa airport, late dumating si Michelle kaya medyo mainit ang ulo ng girls. Pinakilala ko sila lahat kay Michelle, ayos naman ang lahat pero hinahanap ko si Robert. "Nauna na sila kaya lets go" sabi ni Alyssa kaya sakay na kami lahat sa eroplano.Magkatabi kami ni Michelle, napapansin kong parang nagkakainitan sila ni Alyssa. After ng plane ride, boat ride at lalong tumitindi ang mga titigan nung dalawa. Pagdating namin sa Bora diretso kami sa hotel, lahat nakakuha ng kwarto maliban ako. "E ako saan ako magkwakwarto?" tanong ko at tinignan ako ni Alyssa. "E di mamili ka kung kanino mo gusto makitabi, ganon lang kadali yon" sabi nyang pataray. "Share nalang tayo sa room ko" alok ni Michelle sabay kinindatan niya ako. Napangiti ako at napakamot. "Ah kukuha nalang ako ng room ko" sabi ko. "Sorry sir fully booked na po kami" sabi ng receptionist.
"If you decide you know where my room is" sabi ni Michelle at nagtungo na siya sa kwarto niya. "If you decide you know where my room is" ginaya ni Alyssa na parang bata. "Alyssa naman e, bakit ka ba nagkakaganyan?" tanong ko at nagsimangot siya. "I don't like her" sabi nya. "E di mo pa siya kilala e, I am sure magugustuhan mo siya" sabi ko at tinaasan niya ako ng kilay. "If you decide you know where my room is also!" sabi nya at umalis narin.
Dumiretso ako sa kwarto ni Michelle, pinapasok niya ako at medyo kinakabahan ako. "Uy nahilo ako bigla, pwede rest muna ako?" sabi nya at nahiga siya sa kama. "Okay lang, pero will you be okay?" tanong ko. "Oo, first time ko mag eroplano at magboat, medyo umaalog alog utak ko. Will you be staying with me in this room?" tanong niya at napangiti ako. "Ah di ko nakuha ko room number nila, so makikibihis lang ako sana" sabi ko at tumawa siya. "Palusot pa, I am willing to share this room with you" sabi nya at napailing ako.
"Sabi ko room hindi bed, iisa kama sa floor ka" sabi nya at natawa tuloy ako. "Nag alok ka pa" sagot ko at tumawa siya. "Di pa kita kilala masyado e....baka anong gawin mo sa akin pag nagtabi tayo sa bed" landi nya. "Harmless ako" sabi ko at tumawa siya bigla, "Ako hindi" banat niya at nagtawanan kami.
Nagbihis ako at namasyal sa labas habang si Michelle naidlip konti. Sa dinami dami pang tao makakasalubong ko si Cristine pa nakita ko kasama niya bagong boyfriend niya. Napuno nanaman ako ng galit, di ko alam bakit pero hanggang ngayon di ko makalimutan ang mga sinabi niya dati. Nakita niya ako pero di man lang kumaway, dinaanan nila ako nagkatitigan kami pero di man lang siya ngumiti. Hindi ako naka invisible, bestfriend niya ako, bakit ganon nalang ang nangyari?
Nagpunta ako sa beach at naupo sa buhangin, dinadasal ko na maging normal ako ulit pero kung ganon din lang ang babalikan ko lalo lang ako masasaktan. Nagsimulang umanbon, mga tao sa beach nagsimula nang magsialisan. Lalong lumakas ang ulan, ako nalang ang natira sa beach area. Dumilim ang langit at biglang kumulog ng malakas, lumakas lalo ang ulan tila nakikiramay sa akin.
After a few minutes may tumabi sa akin, "Saturnino tama na, nandito tayo para mag enjoy" sabi ni Alyssa. Pinunasan ko ang basang mukha ko at ngumiti, tumigil bigla ang ulan at sumilip na muli ang araw. "Sorry, ako pala may gawa non" sabi ko at sabay kami tumayo. Napatingin ako kay Alyssa, napanganga ako sa suot niyang bikini. Wet look siya at hapit na hapit ang suot niya, "Wow, how I really wish you were not my sister" sabi ko at tumawa siya.
Biglang dumating si Michelle, pati siya ang lupit ng suot na bikini. "Nandito pala kayo" sabi nya at tulala lang ako. "Wow, kahit sa floor na ako basta ganyan suot mo" biro ko at tumawa siya. Nagkatitigan muli si Alyssa at Michelle, nag head to foot titigan sila at nag irapan. "Bitch" bulong ni Alyssa. "Slut" bawi ni Michelle at mag aaway na sana sila pero pumagitna ako at hinawakan ko ang mga kamay nila. May tumalon sa likod ko at niyakap ang ulo ko. "Ako nalang kasi, hayaan mo na maglaban yang dalawang yan" sabi ni Jana. "Oo nga tara swim tayo" sabi ko.
