Sa ika pitong araw ng pagpanaw nagtipon ang mga nilalang ng langit at impyerno upang bigyang pugay ang kanilang namayapang tagapagligtas. Pinanood nila ipasok sa lupa ang kabaong...natabunan ng lupa.Sa harapan ng libingan nakatayo ang mga naiwan na magulang ng tagapagligtas, may kakaibang ngiti sa kanilang mukha pero di nila ito pinapahalata sa iba. Isang malakas na kidlat tumama sa malapit bilang hudyat ng paparating na laban nila. Isang iglap naka full battle gear na ang lahat, walang bahid ng takot sa itsura nilang lahat kahit na alam nila maari itong araw narin ang kawakasan ng bawat isa.
Habang nagwawarm up at nag fleflex sila ng muscle ang lahat Biglang lumiwanag ang langit at may dalawang anghel ang bumababa galing langit, may buhat silang tig tatlong mga batang anghel kaya lahat namangha hanggang sa makalapag sila sa lupa. May itim na usok mula sa lupa ang lumabas sa isang dako kaya lahat naman napatingin doon. Lumabas si Barubal mula sa lupa buhat din anim pang batang demonyo. Anim na batang demonyo at anim na batang anghel nagtipon, lahat napangiti pagkat naka formal sila lahat, mga babaeng anghel naka white dress, itim naman sa mga babaeng demon. Mga batang lalakeng anghel naka all white slacks, coat and black tie, samantala ang child demons naka all black with white tie. Lahat sila naka suot ng shades at nagmartsa palapit sa puntod ng kanilang kuya.
"Barubal maiwan ka dito para bantayan ang mga bata" utos ni Adolfo. "Chad at Louie kayo na bahala sa iba" sabi ni Jenny. Lumapit si Dada kay Jenny at kinalbit ito, "Tita...don't worry kami bahala" sabi ng bata at napangiti si Jenny. "Pero secret ha" hirit ni Dada at napatawa ang mag asawa.
Lahat ng mandirigma ng langit at impyerno biglang nawala, tumungo na sila napag usapang lugar. Lumingon lingon ang mga bata sa paligid at siniguradong wala nakakakita sa kanila. "Kuya Barbs hukayin mo na" utos ni Virgo at napakamot si Barubal. "E kung kanina pa kayo dumating sana e di hindi na siya nalibing...sus at wag niyo ako tatawaging Barbie!" reklamo ng higante. Sinimulan niya maghukay at naglaro muna ang mga bata.
Tumulong narin ang dalawang adult angels kaya after ten minutes nailabas na nila ang kabaong at lumapit na ang mga bata. "Ano ba kasi gagawin niyo?" tanong ni Barubal. Tinulak siya palayo ng mga bata, pati yung dalawang adult angels inutusan nila lumayo muna.
Lumapit ang mga babaeng bata at nilapag ang limang bulaklak sa dibdib ni Saturnino. "Help!" sigaw ng isang bata at sa malayo nakita nila si Jan Paul at Patrick na may kinakaladkad na puting espada. "Ano yan?" tanong ni Dada nang lapitan niya ang dalawa at tulungan. "Binigay ng isang matanda doon o, makakatulong daw" sabi ni Patrick. "Sinong matanda?" tanong ni Dada. "Ewan ko basta matanda e" sabi ni Jan Paul. Sa isang dako si Pluto at Virgo naman ang may kinakaladkad na itim na espada at mabilis sila tinulungan ng iba. "Binigay nung matanda na nagbebenta ng pirated DVD" sabi ni Pluto at nagtataka na sila sa timing ng mga pangyayari.
Tinabi nila ang mga espada at pinagmasdan ang natutulog nilang kuya, "Wala naman nangyayari?" sabi ni Danica. "Baka parang sleeping beauty kiss natin" sagot ni Veronika at lahat ng girls nilapitan si Saturnino at isa isa silang humalik sa labi nya. Wala parin nangyari at napasimangot ang mga bata. "Kunin natin maso ni kuya Barbs tapos masuhin natin si kuya" biro ni Sarry at tumawa siya. "Bad ka talaga" sabi ni Sanito at niyugyug niya ang ulo ng kuya nila. "Oy kuya gising na, ilang araw ka na di kumakain at nagtotoothbrush" sabi ni Mimi at nagtawanan sila.
Isang malakas na sigaw ng bata, si Veronika nanigas sa takot na may nakatayong dalawang nakaitim na berdugo ang sumulpot. "Kuya Barby!!!" sigaw ni Mimi at mabilis sumulpot si Barubal para humarap sa mga Berdugo. "Anong ginagawa niyo dito?" tanong ni Barubal. Di nagsalita ang mga berdugo pero tinuro nila ang katawan ni Saturnino. Nilabas nila ang mga higanteng espada nila, mabilis tumabi kay Barubal si Louie at Chad pero sa isang iglap naitapon sila palayo. Nanigas ang mga bata sa takot at lumapit na sa kanila ang mga Berdugo.