Ang naulilang ama nagbaba ng itim ang kanyang mga mata, hawak ng mahigpit ang ginting tinidor na huling sandata na gamit ng namayapa niyang anak. Sa likod niya mga demonyo na nanlilisik sa galit, sa ere ang mga anghel, lahat sila gusto makabawi, gusto makapaghiganti para sa kanilang kaibigan.
Pati ang dalawang tao na naiwan pilit binubuhat ang maso, isang kamay nila pinupunasan ang kanilang mata na napuno ng luha. Di sila makalayo pagkat agad nahawakan sila sa leeg ni Barubal, "Mga iha alam ko gusto niyo makaganti...dito nalang kayo samahan niyo mama niya...ako nalang ang gaganti para sa inyo" sabi ng demonyong higante. Pinulot niya ang higanteng maso niya at pinunasan ang mga mata niya.
Kahit sugatan sumugod parin, alam nila lahat na di nila kaya si Basilio ngunit tumatak sa isipan nila ang sinabi ni Saturnino. "Hindi natin malalaman hanggang di natin susubukan."
Sa isang gilid nandon si Jenny yakap yakap parin niya ang patay niyang anak, mga pakpak niya tinakpan silang dalawa at dinig na dinig ang malakas nyang pag iyak. Nakapalibot sa mag ina nakabantay sina Jana, Yammy, Petina, Serena at Alyssa, lahat sila di parin makapaniwala at lahat nagluluksa.
Naging madugo ang laban ngunit tawa lang ng tawa si Basilio, kahit na pinapaulanan na siya ng mga kidlat at napalibutan ng kampan ng kabutihan, tila wala umeepekto o nakakagalos sa demonyong nilalang.
Lumipas ang trenta minutos tumayo si Jenny buhat ang anak niya at nagsimulang maglakad papalapit sa lugar ni Basilio. Sinubukan siya pigilan ng mga girls ngunit sinuway niya ang mga ito gamit ang kanyang kapangyarihan.
Damang dama mga mandirigma ang nag uumapaw na aura ni Jenny, tumigil sila lahat at pati si Basilio natulala. Binigyan nila daan si Jenny upang makalapit kay Basilio, si Adolfo nagtataka kaya lumapit pero bigla siyang nanigas at di makagalaw.
Lumuhod si Jenny sa harapan ni Basilio, katawan ni Saturnino niyakap niya. "Ito ang anak ko...hindi ko nakita nakasama ng eighteen years at tignan mo Basilio...patay na siya!!! Nakikiusap ako Basilio...bigyan mo kami panahon para makapagluksa...bigyan mo kami panahon para mailibing siya ng maayos. Pagkatapos non kahit ako na ang unahin mong patayin pagkat wala narin lang ako silbi...nakikiusap ako Basilio pagbigyan mo ang kahilingan ko...alam ko kayang kaya mo kami pero please give us time...just some more time..." sabi ni Jenny at humagulgol siya sa mga paanan ni Basilio.
Nakatayo lang si Basilio at tinitignan ang mag ina, mga asul na apoy sa paligid niya humina at pinikit niya ang kanyang mga mata. "Di ko alam ano nangyayari sa akin...di ako naawa...never ako naawa sa buong buhay ko...pero nagluksa din ako nung pinatay ng asawa mo ang magulang ko...hindi ko pa siya napapatawad...pinatay ng anak mo ang kapatid ko..." sagot ni Basilio at bigla siyang tumalikod. "Ngayon alam ko na kung ano ang kapangyarihan ng puting apoy na sinaksak ni Saturnino sa aking katawan....patay na nga siya pero binabangungot parin niya ako...sige...bibigyan ko kayo ng isang lingo para magluksa...pagkatapos ng isang lingo magkita muli tayo dito sa lugar na ito...tatanggapin ko ang alok mo papatayin kita sa harapan ng asawa mo!!!"
Biglang nawala si Basilio at nakagalaw na si Adolfo. "Jenny! Bakit ka nakipag ayos ng ganon?!!" sigaw niya. "Adolfo!!! Patay na ang anak natin!!!" sumbat ng asawa nya at nanghina bigla si Adolfo at napaluhod sa lupa. "Dalhin na natin siya sa langit" sabi ni Adolfo ngunit lumapit si Lord Waps. "Paano kami makikiluksa kung doon niyo siya ipupunta at ililibing? Kaibigan din namin siya" sabi ng nilalang.
Tumakbo si Jana papalapit at inagay ang katawan ni Saturnino. "Tao siya!!! Iliibing siya sa lupa...tao parin siya!!! Kasalanan niyo lahat ito! Kayo ang sumira sa buhay niya!!!" sigaw ni Jana at niyakap niya ng mahigpit si Saturnino at humagulgol. "Nakatayo pa ang bahay namin, kahit doon nalang ang lamay" alok ni Yamika kaya lahat sila nagtungo na doon.
