Chapter 32: Chosen One

1.2K 14 0
                                        


Di ako makapaniwala sa aking nabasa, parang blanko ang utak ko at di ako makapag isip. Naglaro sa isipan ko ang lahat ng aking mahal sa buhay, naiiyak na ako pero pilit ko pinipigilan. "Yang nakasaad sa librong yan...is that final?" tanong ko. "This is a special book iho, wala nakakaalam sino ang nagsulat nito. We have been reading this from time to time, we tried to manipulate some things pero the ending is always the same. Kung may binago kami sa isa mag iiba ang sitwasyon sa ending pero ang resulta pareho parin" sabi ni Bro.

"So mamatay ako...sino pang nakbasa nitong libro na ito?" tanong ko. "Kami lang dalawa...naglabas kami ng pirated copy na ang ending mamatay si Basilio para hindi mawalan ng hope ang mga kampon natin...if they know na mamatay ka at mananalo si Basilio e di wala nang gusto lumaban...that is why we gave them hope at kami ang nagkalat ng pekeng libro. We thought that if nabasa ni Basilio ito magpapanic sila at pag nagpanic sila they would commit many mistakes...indeed nakagawa sila ng madami pagkakamali at nailista agad yon sa libro pero kahit ganon meron parin paraan na magbabago sa ending...panalo parin siya" sabi ni Brod.

"E bakit niyo pa binibigay ang mga espada niyo sa akin kung ganon din lang ang ending?" tanong ko. "Don't you see iho, sa final battle mangyayari palang yon, malay mo this weapons can help...it might change everything" sabi nila. "And what if it does not help?" tanong ko. "Wag kang ganyan, think positive, look ikaw nalang ang major factor na natitira...nasa iyo na kung magbabago ang outcome ng librong ito...kasi the final battle is the last chapter...nung early chapters palang we tried many times to manipulate things pero the end is the same. So if we try one more time sa last chapter it might change...e dun sa last chapter you fight him...nasa kamay mo na talaga ang ending" sabi ni Bro.

"Akin na yang mga espada, sige itong itim gagamitin ko" sabi ko at napangiti sila. "Now tignan niyo ang libro, tell me pag nagbago" sabi ko at mabilis nila binasa ang libro at napasimangot sila. "Nakalagay dito gamit mo ang itim na espada pero..." sabi ni Brod. "Okay what if itong puti naman?" sabi ko at nakasimangot parin sila at ganon parin ang ending. Natawa talaga ako sa dalawa pagkat umaasa sila sa libro. "Ang dalawang makapangyarihan na nilalang umaasa sa libro at ikaw Bro, tinuturo ng mga alagad mo sa baba na have FAITH, bakit ikaw wala?" sabi ko at tahimik silang dalawa.

"Hindi sa wala iho, hindi ganon. Kami ni Brod hindi kami pwede makialam. Ayaw namin manalo si Basilio" sabi ni Bro. "You two are friends...I get it...pag nanalo si Basilio magagalit ang ibang anghel at pipilitin kang umaksyon. Pag gumalaw ka mapipilitan gumalaw din si Brod dahil sasabihin ng mga demonyo bakit niya hinahayaan nalang nag anon...in the end mapipilitan kayo maglaban" sabi ko.

"Oo at pag nangyari yon iho magugunaw ang buong mundo" sabi ni Brod. "Kaming dalawa hindi kami pwede makialam sa totoo, we both know that Basilio will win and ayaw namin talaga mangyari yon. Good and Evil must exist so there is balance, if only one side will remain then the world will be boring if its all good and chaotic if its all bad. Kailangan mo manalo to keep the balance iho, kami we are breaking the rules a little pero nakita mo naman na what is written seems to be final already" sabi ni Bro.

Naupo ako sa buhangin at pinagmasdan ang libro, "So I am going to die" bulong ko at nakitabi sila sa akin. "Ei Brod, sa tingin mo ba kaya mo ako dalhan dito ng libo libong mga patapon na demonyo?" tanong ko at tinignan niya ako. "Kaya ko" sabi niya. "Bro, bantayan mo ang mga kasama ko sa lupa, can you send some angels to help?" tanong ko at napaisip siya. "Di ko pwede iutos yon, di ako pwede makialam, they can go down to help on their free will or pag may nag utos na iba" sabi nya sa akin. "I see...pero sabi mo nga my friends will be fine right?" tanong ko. "Yes, they will survive the second strike" sagot niya.

"Brod send me the demons now, iwanan niyo ako dito, tawagin niyo nalang ako pag tapos na ang second strike" utos ko at sabay sila tumayo. "Mga ilang libong demonyo kailangan mo?" tanong ni Brod. "Keep em coming" sagot ko at iniwan na nila ako. Ilang saglit palang nagsulputan na ang mga demonyo, ang dami dami nila pero kung gusto ko magtagumpay kailangan ko matutunan gaano ako kalakas. Kailangan ko malaman kung hanggang saan ang kaya ko, kailangan ko ilabas lahat ng aking kapangyarihan.

saturninoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon