Sa bahay nina Art ang lamay, ilang beses narin ako nakapunta dito. Nalaman ko na may brain cancer pala siya, itinago niya sa amin ito ni Cristine. Madami pa akong hindi alam kay Art kahit na siya ang bestfriend ko. Kilalang kilala ako ng magulang niya pagkat lagi pala niya ako binibida sa kanila.Kasama ko nagpunta si Michelle at Alyssa, dumiretso kami sa maliit na podium kung saan naglilista ng mga pangalan at naglalagay ng abuloy. "Grabe naman ang yaman yaman na nila naghihingi pa ng abuloy" bulong ni Michelle. Nakita ko binuksan ni Alyssa yung box at kumuha ng pera. "Hoy mahiya ka naman, bakit ka kumukuha diyan?" tanong ko. "Look di naman nila nililista kung magkano binibigay ng iba, e kailangan ko ng pera eh" sagot niya. "Ang sama ng ugali ng kapatid mo" sabi ni Michelle at nagkagirian nanaman sila.
"Grabe naman kayo wag naman dito please" hiling ko at tumahimik ang dalawa. "Bakit mo kasi sinasama pa yang babaeng yan?" tanong ni Alyssa. "Ahem...excuse me sis...girlfriend here" sagot ni Michelle at tinignan ako ni Alyssa. "Fine, kukuha parin ako no matter what you say" sabi ni Alyssa. Kinalbit ni Michelle si Alyssa at nagbulungan sila, muling dumukot si Alyssa sa box at inabot kay Michelle ang pera. "Akala ko ba angel ka sabi mo e bakit ka din kumukuha?" tanong ko at tumawa si Michelle. "Gusto ko mag mall" sabi ni Michelle at nagngitian sila ni Alyssa.
"Akin na nga mga yan at isoli natin, akin na" sabi ko at eksaktong dumating ang nanay ni Art. "Oh no Benjoe, no please, wag na ikaw iho. Wag ka magbibigay" sabi nya sa akin. "Ah tita eh..." sabi ko pero agad binawi ni Alyssa at Michelle yung mga pera. "No, Benjoe wag na, Diyos ko you have been a good friend to Art at he told me about your situation. Kung may magbibigay ng pera ako dapat magbibigay sa iyo" sabi ng nanay ni Art.
"Tita kinuha niya pera kop o tapos nilagay na niya sa loob, eto umuutang pa" sabi ni Alyssa. Binuksan ni tita ang box at tinignan si Alyssa, "Magkano ba iha ang nilagay niya?" tanong ni tita at nagpacute si Alyssa. "tita tig 1000 po kami ni Michelle" sabi ni Alyssa at napakamot na ako. "Naku Benjoe iho salamat talaga pero you don't have to do this, sige off limits ka dito Benjoe ha" sabi ni tita at binigay niya ang mga pera sa dalawa.
Umalis si Tita at masaya yung dalawa, "Tara na sis mall na tayo" sabi ni Michelle". "Hoy ano ba naman kayo, konting respeto naman, tara doon at silipin niyo naman kaibigan ko" sabi ko at sumama sila sa akin at pinuntahan namin si Art sa harapan. Di nagtagal yung dalawa at umalis na sila, nagpaiwan ako at pinagmasdan si Art.
Niligtas ako ni Art, ako dapat ang nakahiga sa loob ng kabaong o kaya nalusaw na ako ng tuluyan pero eto ako nakatayo sa harapan ng kabaong niya at pinagmamasdan ko ang walang buhay na katawan niya. Nagsisisi ako sa mga nagawa ko sa kanya mula nung malaman kong demonyo ako, huli na para humingi ng tawad.
May tumabi sa akin at nakita ko si Cristine yon at ang bagong boyfriend niya, "Iniwan na tayo ni Art" bulong niya at sumandal siya sa akin. "Benjoe si Alex pala, boyfriend ko, Alex si Benjoe, bestfriend ko" sabi ni Cristine at nagkamayan kami ng boyfriend niya. Naupo kaming tatlo at pinagmasdan ang kabaong, "Alex ok lang kung iwan mo ako dito, nandito naman si Benjoe" sabi ni Cristine at nagpaalam si Alex at umalis na.
"Benjoe, alam ko galit ka sa akin, di ko sinasadya yung sa Bora, seloso kasi yang si Alex e" sabi nya. Di ko siya sinagot at tahimik lang ako, sumandal siya sa akin at pinipilit hawakan ang aking kamay pero ayaw ko. "Benjoe, wag ka namang ganyan o, iniwan na nga tayo ni Art tapos mawawala ka pa sa akin" sabi nya. "Cristine, the moment you lied to me you already lost me" sabi ko at tinignan niya ako. "uy bakit ka nagkakaganyan, anong I lied to you?" tanong niya. "Magbabakasyon muna ako, ayaw ko muna magkarelasyon" sabi ko at huminga siya ng malalim.
"Sorry, pero...di ko alam, sorry" sabi niya. "Okay lang, its my fault naman e. I expected too much after nung break up niyo with Art. Akala ko pwede pero natauhan din lang ako so I should not be acting this way sa totoo lang" sabi ko sa kanya. "Ayan ka nanaman e dinadown mo ulit sarili mo e, hindi naman sa ganon e" sabi nya. "Really? Hindi ba ganon? Ganon e, pero sabi ko nga its okay kasi ako naman lang nag isip non. Suntok sa buwan na pangarap at nang di magkatotoo nagalit ako pero dapat hindi ako magagalit kasi umpisa palang alam ko never mangyayari" hirit ko.