Chapter 34: Saturnino Satanas

1.1K 9 0
                                    


Lahat napatigil sa paglaban at pinagmasdan ang nagbabagang nilalang, lahat tulala at nakanganga sa kanilang nakita. Kasabay ng ihip ng hangin ang buhok at suot ng nilalang ay nagwawagayway, di malaman kung ano ang itatawag nila sa kanya dahil sa itim na pakpak niya...pero siya si Saturnino Satanas...ang tagapagligtas.

Sa likod ni Basilio nagtanggalan ng suot ang tatlong babae at naglakad papunta sa harapan niya. Humarap naman si Alyssa, Trina at Michelle, bumaba sa lupa ang isang anghel at humawak sa likod ni Michelle, "Ate game na?" tanong niya. "Not yet Joyce...antayin natin yung iba" sagot ni Michelle.

Nagpunta si Tanya sa likod ni Trina, si Jana at Yammy sa likod ni Saturnino. Tumungo si Saturnino sa kampo ni Basilio at tinuro ang isang babae sa likod niya. "Halika na wag kang matakot" sabi niya at nagtanggal ng robe ang babae at mabilis nagpunta sa likod ni Alyssa. "Petina!!! Anong ibig sabihin nito?" sigaw ni Basilio.

"Fusion!!!" sabay sabay sinigaw ng mga healers at nagbagsakan ang mga katawan nila sa sahig. May mga anghel na mabilis bumaba sa lupa at kinuha ang mga healers at nilayo.

Ngumiti si Basilio at may isa pang nilalang ang sumulpot sa tabi nya, ang babaeng nakaitim na lumigtas sa kanyang buhay. "That bitch is mine!" sigaw ni Michelle at agad niya sinugod pero mabilis ito nakalayo pero naghabulan sila. "So outnumbered na ang mga girls mo Saturnino" sabi ni Basilio pero isa nanamang babae sa likod niya ang lumipat ng panig at tumabi kay Alyssa. "Serena!!! Pati ba naman ikaw?!!!" sigaw ni Basilio at nagkasuguran na ang mga babae at tanging natira ay si Basilio at Saturnino.

"Go ahead Basisiw...throw the first punch!" sigaw ni Saturnino. "Bolsyet ka hindi Basisiw ang pangalan ko!" sagot ni Basilio. "Basisiw...Basisiw...at alam mo ba ang sarap sarap ni Petina...pati si Serena at iba pang girls mo...did you know may room na panay mirrors? At oo nga pala...I enjoyed watching your brother die!!!" sigaw ni Saturnino at sa galit sumugod na si Basilio.
Tumalon si Basilio mula sa building na kinakatayuan niya papunta sa lugar kung nasan si Saturnino. Itinaas lang ng demonyong anghel at kanyang kamay at tinuro si Basilio, nanigas sa ere si Basilio at di makagalaw. "Eto lang ang kaya mo gawin?" tanong ni Basilio at tumingin sa baba si Saturnino. "Bakit marunong ka bang lumipad?" sumbat niya at binaba niya ang kamay niya at kinawayan niya si Basilio,"Magsulat ka ha" laglag ang demonyo at bumagsak sa kalsada. Ang taas ng kinabagsakan ni Basilio kaya hilong hilo siya sa daan, mabilis sumulpot sa likod niya si Saturnino at nilipad siya pabalik sa ere. Di pa makagalaw si Basilio pero pataas sila ng pataas sa mga ulap, "Saan mo ako dadalhin?" tanong niya. "Oo nga no?..malay ko" sagot ni Saturnino at binitawan niya si Basilio.

Muling bumagsak sa kalsada si Basilio at mabilis siya pinatayo ni Saturnino at binigyan niya ng isang malakas na upper cut at napalipad ng malayo ang demonyo. Bumangon si Basilio at nagbagang asul ang mga kamao niya, lumapit si Saturnino at nagbigay ng right hook pero nakailag si Basilio at nagpaatras, "Hoy napanood ko yung laban ni Pacman, di ako uto uto tulad ni Hatton, alam ko babanatan mo ako ng left look" sabi nya sabay tawa. "Ulol bakit boksingero ba tayo? Street fight ito Basisisiw, eto tanggapin mo, upper kick to the balls!!!" sumbat ni Saturnino sabay todo bwelong sipa na tumama sa ari ni Basilio. Napayuko si Basilio at napahawak sa ari nya, "Left knee to the face!!!" sigaw ni Saturnino sabay hawak sa ulo ng demonyo at tinuhod niya ang mukha. "Right knee to the face again!!!...Left...Right...Left...Right...select start....sipa ulit sa balls!!!" sigaw ni Saturnino at tumawa siya ng malakas at napahiga si Basilio sa kalsada, hilong hilo at duguan. "Damn pare ngayon naiintindihan ko na bakit lagi sinisigaw ng mga robot sa anime ang mga tira nila...ok din pala"

"Bolsyet ka...yan lang ba?" sabi ni Basilio at dahan dahan siyang bumangon at dalawang flame sabers ang lumabas sa mga kamay niya. Sa kanan itim at pulang saber at sa kaliwang kamay asul na saber. "Sige na tapusin na natin ito Saturnino...ilabas mo na ang dark gay claws mo" sabi niya.

saturninoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon