Two: He's Back!
***
NAKAUPO LANG AKO dito sa waiting area habang inililibot ang paningin. Hindi ko pa naaaninag sina Ate Sabina at Papa. Napangiti ako. Mabuti naman at nakauwi na sila. These past few months ay sa ibang bansa sila namamalagi. Minsan na lang rin sila kung umuwi at kapag umuwi naman sila ay tsaka naman ako nagiging busy. Tapos kapag hindi naman na ako busy tsaka naman sila lilipad papuntang ibang bansa. Nakakainis. Geez.
Habang naghihintay ay kinuha ko mula sa bag ko ang cellphone at nagscroll sa facebook at instagram ko. Nanood ako ng video at iba pa. Nang mabagot ay naglakad-lakad muna ako. Ang tagal naman ng arrival nila Ate! Geez! Patuloy ko lang nililibot ang airport nang may makita ako. Kumurap pa ako ng ilang beses. God! Nakauwi na siya?!
Kumurap ulit ako pero nawala na siya sa paningin ko! Napahawak ako sa dibdib ko nang makaramdam ng matinding kaba. Ramdam ko rin ang pawis na namumuo sa noo ko. Hindi ako pwedeng magkamali! Nakita ko siya! May dala siyang maleta sa kanang kamay niya at may nakasabit sa likod niya na shoulder bag! Kumabog ng mabilis ang puso ko. At alam mo 'yung masakit? Parehas kami ng suot. Couple Jacket.
Kinalma ko ang sarili ko at nagsimulang hanapin siya. Hindi ako nagkakamali, eh. Alam ko. Nakita ko. Nakita mismo ng dalawang mata ko siya. I bit my lower lip to calm myself while walking towards the crowd of people, ngunit tumigil rin nang may maalala. Siguro naman namamalik-mata lang ako? Sa kakaisip ko sa kanya ay naiisip ko na rin na umuwi siya? Ganon ba 'yun? I sighed. Baka ganon nga.
Bumuntong-hininga ako at bumalik na sa waiting area. Itinukod ko sa tuhod ko ang siko ko at nasapo ko ang mukha ko. Ano ba naman yan, Lexine! Kailan ba ako makakalimot? Atsaka, engaged na yung tao! 'Wag ka ng umasa!
Itinaas ko ang ulo ko at luminga. Nagliwanag ang mukha ko nang sa hindi kalayuan ay nakita ko sina Papa at Ate Sabina! Tumayo ako at kumaway sa kanila! Agad akong nakita ni Ate Sabina at kumaway siya pabalik. Nagflying-kiss naman sa'kin si Papa! Gosh! I missed them!
"Sissy!!!" malakas na sigaw ni Ate Sabina at niyakap ako nang mahigpit nang nakarating sila sa kung nasaan ako! Mahigpit ko rin siyang niyakap pabalik.
"I missed you!" I said while hugging her tightly!
She chuckled, "I missed you more!" atsaka siya humiwalay mula sa pagkakayakap. Ngumiti naman ako sa kanya ay pumunta kay Papa upang yakapin siya.
"Namiss kita, Pa!" sabi ko. Mas lalong lumaki ang ngiti ko nang maramdaman ang braso niyang pumulupot sa likod ko, he hugged me back! Namiss ko talaga si Papa!
"Mas namiss kita, anak!" wika ni Papa habang hinahaplos ang likod at buhok ko.
"Okay, okay. Stop the drama. Nagugutom na ako. Let's eat first." wika ni Ate Sabina dahilan para matawa kami ni Papa.
Naglakad na kami papalabas ng Airport habang nag-uusap tungkol sa kahit ano. Si Sabina naman ay nagke-kwento kung gaano siya nabored makipag-usap sa mga kliyente niya. Mabuti nalang daw at nandoon si Papa para palitan siyang makipag-usap. Kinamusta rin nila ako about sa cafe at sinabi kong okay lang naman.
"How about you? How are you? Ayos lang ba mag-isa sa condo mo?" tanong ni Papa habang kumakain kami sa isang korean restaurant.
Uminom muna ako ng tubig bago tumango at sumagot, "Opo, Pa. Ayos lang naman." ngumiti ako.
Ate Sabina chuckled, "Atsaka, may kasama naman 'yan si Lexine," tumawa siya, "Se Kevin." atsaka niya ako kinindatan.
Ngumiwi ako sa kanya at umiling. Nagpatuloy nalang ako sa pagkain habang tawa ng tawa pa rin si Ate Sabina dahil inaasar niya ako kay Kevin. Hindi pa nga ako handang magmahal ng iba, diba? Kainis 'to si Sabina.
BINABASA MO ANG
Perfect Lovers (Book 2 of Perfect Haters, COMPLETED)
Aktuelle LiteraturLetting someone go is so painful. Lalo na kapag mahal mo pa. Pushing someone away is so painful, lalo na kapag alam mong hindi ka magiging masaya kapag nawala siya. Sa loob ng pitong taon na pamumuhay ni Lexine ay naging maayos siya ngunit hindi niy...