Thirty Three: Mood Swing
***
“Hindi mo ba nakikita na nagb-bake ako?! Napakaistorbo mo talaga kahit kailan!” inis na sigaw ko kay Cedric habang patawa-tawa naman siya sa sofa kung saan siya nakaupo.
“Woah!” He lift up his two hands as if he is giving up, “Relax! May red flag ka ba ngayon at inis na inis ka sa'kin?” tumatawang biro niya.
Inis ko siyang tiningnan, “Mama mo redflag!” sabi ko at nagmartsa palabas ng dining room.
Nandito kami ngayon sa bahay namin ni Justine at bumisita ang walang hiyang si Cedric. Wala si Justine dahil inaasikaso ang Hotel niya dahil kasalukuyan siyang nagpaparenovate nito. It's been one month since that happened and we're all good now. Except that me and my father is still not in good terms and ganon rin Justine and Mr. Cojuangco. Si Jazzi ang kinakausap ni papa at nandoon si Jazzi kay Papa ngayon.
“Sa akin na itong cake mo, ah!” sigaw ni Cedric mula sa dining room.
“Isaksak mo pa sa baga mo!” sigaw ko pabalik.
Inis akong umakyat at pumunta sa kwarto ko. Hindi ko alam pero these past few days, kapag nakikita ko ang pagmumukha ni Cedric ay inis na inis ako. Ewan ko ba, mukha siyang ewan! Nakakabanas talaga. At siguro walang hiya niya na ngayong kinakain ang cake na bi-nake ko. Ewan ko sa kanya. Magka-diabetes sana nang malintikan na.
Hindi ko namalayan na nakatulog ako. Nagising ako dahil sa vibrate ng cellphone ko at nakita doon ang text message ni Justine na pauwi na raw siya. Si Cedric ay nagtext din sa akin na umuwi na daw siya. Umirap ako. Mabuti nga at umuwi na siya at baka masapak ko lang siya kung sakaling makita ko siya sa baba.
Gabi na at kailangan ko nang magluto para sa dinner namin ni Justine. Masigla akong bumaba para pumunta sa Kitchen. Nakita ko pa doon ang ang cake na tira ni Cedric. I pouted. Sana ay inubos niya nalang, nag-abala pa siyang magtira. Nakakainis talaga ang lalaking iyon.
Nagluto nalang ako ng dinner namin. I choose to cook Sinigang kasi napag-alaman ko na favorite pala iyon ni Justine. Nang maluto ay tinikman ko ngunit napangiwi nang hindi ko matipuhan ang lasa. Nagtaas ako ng kilay. Okay at sakto naman ang ingredients na nilagay ko. Bakit iba ang lasa? I shrugged as I put the bowl of Sinigang in the table. Kahit pangit ang lasa niyan ay kakainin parin naman yan ni Justine dahil paborito niya yan.
Hindi pa rin dumadating si Justine. 6:30 na at dapat ay nandito na siya. Sumimangot ako at naglakad papunta sa living room para manood muna. Pasulyap-sulyap ako sa wrist watch ko at ilang segundo, minuto na ang lumilipas ay wala pa ring Justine.
Oh, my god! Nasaan na siya? Naiiyak ako. Wait, why am I getting emotional? Ano kayang ginagawa niya? Kanina pa siya sa akin nagtext na pauwi na siya pero hanggang ngayon ay hindi pa siya umuuwi. Pinunasan ko ang luhang lumandas sa pisngi ko at humiga nalang sa sofa. I was thinking and imagining of what Justine was doing when I suddenly feel sleepy.
Nagising ako nang maramdaman ang kamay na humahaplos sa mukha ko. I slowly open my eyes at nakita ang maaliwalas at nakangiting si Justine sa harap ko. Ngumiti ako at kaagad siyang niyakap! Damn, I missed him so much!
“I love you,” he whispered. Ngumisi ako at hindi tinanggal ang yakap ko sa kanya. Napansin ko din na nakabihis na pala siya. He's wearing a white sleeveless shirt and a sweatshort. I giggled as I hugged him.
“Hindi ka pa kumain?” he asked as he hug me back. I am now sitting on his lap.
Umiling ako, “I was waiting for you,” I pouted, “Bakit ang tagal mo?”
He kissed my forehead, “There was an accident, baby, kaya ang tagal umusad.”
Tumango ako sa kanya at mas lalong isiniksik ang sarili. Tumawa siya sa iniasta ko.

BINABASA MO ANG
Perfect Lovers (Book 2 of Perfect Haters, COMPLETED)
General FictionLetting someone go is so painful. Lalo na kapag mahal mo pa. Pushing someone away is so painful, lalo na kapag alam mong hindi ka magiging masaya kapag nawala siya. Sa loob ng pitong taon na pamumuhay ni Lexine ay naging maayos siya ngunit hindi niy...