Twenty Six: Trouble
****
"Wait, paanong saatin itong bahay? Uh... alam kong mayaman kayo pero nakapagawa ka kaagad ng bahay?" gulat pa ring tanong ko kay Justine na nakatayo ngayon sa harap ko habang nakaupo ako sa mamahaling sofa.
Maganda ang loob ng bahay. Simple lang pero napakaelegante. Halos lahat ng bagay sa loob ay white at black katulad nalang ng puting sofa kung saan ako ngayon nakaupo at sa gitna nito ay isang itim na coffee table. Ang classy masyado ng bahay ni Justine... namin. Maski sa kusina ay black and white ang mga gamit. May iilan ding paintings at pictures at isa lang ang nakakuha ng attention ko. It was a picture of me and Jazzi while sleeping. Pinaframe niya pa iyon. I wonder kung anong itsura sa second floor.
"Matagal ko nang pinagawa ang bahay na 'to.." he said as he roamed his eyes around his house, "7 years ago.." he added.
My jaw dropped at what he said. What the! 7 years? So it means... kami pa nun... or, maybe, pagkatapos naming maghiwalay, "Ang tagal na pala.." I whispered unconsciously.
Tumango siya, "Pinagawa ko ito noong tayo pa... natapos naman noong natapos tayong dalawa..." he said, reminiscing the past.
I looked away when I suddenly feel a pain on my chest. Kahit masaya kami ni Justine ngayon ay nasasaktan pa rin ako sa nangyari sa nakaraan namin. Nakakatakot ulit masaktan. Nakakatakot bitawan iyong taong mahal mo pa.
"I was very sure that time that we will be together in the end that I even pay someone to build our house. Balak sana kitang isurpresa noon sa'ting 1st Anniversary pero.... hanggang 6th Monthsary lang tayo.." he said softly.
Nang dahil sa gulat ay napatingin ako sa kanya at wala sa sariling nahulog ang luha ko galing sa mata. I pursed my lips together to stop myself from sobbing. He smiled softly as he wiped my tears.
"Pero ngayon ay masaya na ako... dahil nandito ka na sa tabi ko. Ipapangako ko sayo na kahit anong mangyari, hindi na kita bibitawan pa at ipaglalaban kita hanggang sa dulo.." anito at masuyo akong niyakap.
I hugged him back at doon ko pinakawalan ang hikbi ko. Hinagod niya ang likod ko habang patuloy ako sa pag-iyak sa bisig niya hanggang sa kumalma ako. Marahan niyang pinunasan ang pisnge ko bago ako inalalayang tumayo at hinila ako patungo sa second floor.
"Eto.. kwarto yan ni Jazzi," anito sabay turo sa isang kwarto, "Huwag muna tayong pumasok dahil wala pang design iyan.." dagdag niya pa.
Ngumiwi ako, "Kailan mo balak bumili?"
"Natin." mariin niyang sinabi tsaka siya tumingin sa'kin, "Natin dapat yun, babe. Kailan natin balak bumili." madiin niyang dagdag.
Umirap ako sa kanya, "Ewan ko sayo," sabi ko, narinig ko ang pagtawa niya, "Eto.." turo ko sa tatlong kwarto pa, "Kanino 'yan? Bakit naman ang dami mong kwartong pinagawa?" tanong ko. May nakita pa akong isang kwarto, medyo malayo dito sa apat na kwarto, "Ayun pa? Naks, yaman naman." asar ko.
Inirapan niya ako at itinuro ang tatlong kwarto, "Iyan ang magiging kwarto ng mga anak natin.."
My eyes widened! "What?! Tatlo? Kaya ko ba 'yun?" gulat kong tanong.
Humagalpak siya sa tawa, "Baby, your reaction was so cute pero gusto ko talaga tatlo ang magiging anak natin at kakayanin mo 'yun, ikaw pa."
Nanlaki ang mata ko! "Gago! Masakit kaya manganak!" sigaw ko.
"Sus. Nakaya mo nga noong nagbreak tayo, eh." ngisi niya.
"Justine, ano ba! Physically!"
"Bakit? Nasaktan ka naman din noon diba, noong nagbreak tayo? Physical, Mental and Emotional?" he smirked.
BINABASA MO ANG
Perfect Lovers (Book 2 of Perfect Haters, COMPLETED)
Ficción GeneralLetting someone go is so painful. Lalo na kapag mahal mo pa. Pushing someone away is so painful, lalo na kapag alam mong hindi ka magiging masaya kapag nawala siya. Sa loob ng pitong taon na pamumuhay ni Lexine ay naging maayos siya ngunit hindi niy...