Twenty Four

945 31 5
                                    

Twenty Four: Treat You Better

****

"Bye, Mommy!" ani Jazzi at mahigpit akong niyakap.

I smiled, "Bye, baby. Study well, hmm?" I said.

Tumango lang siya at pumasok na kaagad sa room niya. I smiled once again before ako tumalikod para pumasok na sa kotse ko. I fastened my seatbelt before maneuvering my car towards my cafe.

It's been two weeks since that happened. At maraming nagbago after mangyari iyon. Sa condo ko na tumitira si Justine at halos kalahati ng gamit niya ay nasa condo ko na rin. Mas nagiging close kami at I feel like parang bumabalik kami sa dati. Siya na rin minsan ang sumusundo kay Jaz at salitan naman kami sa paghatid sa kanya. Ganon. Ang daming nagbago.

"Madam! Goodafternoon!" bati kaagad sa'kin ni Jana, si Gelo ay busy sa isang costumer. Binati ko pabalik si Jana at pupunta na sana ako ng office nang makita si Jeffrey sa counter, kinukulit na naman si Tessa. Kumunot ang noo ko nang makitang hindi na naman siya pinapansin ng babae. Umiling ako at natatawang naglakad patungo sa kanila.

"Jeff!" I shouted, "Ang aga-aga, ah!" sabi ko.

Agad akong nilingon ng dalawa at agad nagbaba ng tingin si Tessa sabay bati, "Goodafternoon, Madam!" aniya. Tumango lang ako at ngumiti, then I motioned my hand for her to continue what she's doing.

"Lex!" nagtungo si Jeffrey papunta sa'kin, "May dalaw ata si Babe," anito, tinutukoy si Tessa na paminsan-minsan ay sinasamaan siya ng tingin, "Ang sungit ngayon, eh. Parang noong isang hapon lang ay nagdate kami." bulong niya pa.

I smirked, "Lambingin mo... yan ang susi diyan." bulong ko sa kanya at tinapik siya sa balikat, "Sige, una na 'ko.. atsaka, pwede mo na rin tangayin yan si Tessa, basta ba't ibabalik mo ng maayos, okay?" I said.

Agad tumango ang loko at pabirong kinurot ang pisnge ko, "Thanks, Lextot! You're the best!" anito. Inismiran ko lang siya at nagpaalam na bago tumalikod at dumerecho sa opisina. Agad akong sumalampak sa swivel chair ko.

As usual, ginawa ko ang dapat kong gawin hanggang sa umabot ang meryenda at maabutan ako ng gabi. Napag-alaman ko rin na tinangay na nga ni Jeffrey si Tessa. Akmang tatayo ako upang mag-inat-inat nang biglang bumukas ang pinto ng opisina. Kahit hindi na ako doon tumingin ay alam ko kung sino ang pumasok. Well, sino ba ang bumibisita kapag gabi para dalhan ako ng dinner diba? Eh, di si Kevin.

"Yow, Lexine!" masiglang bati niya sa'kin habang may dalang plastic bag sa kanang kamay at ang kaliwang kamay naman ay nakapamulsa.

Ngumiti ako, "Hi, Kevin." sabi ko at umupo ulit sa swivel chair, "Hindi mo na 'to kailangang gawin, Kev." sabi ko nang mailapag niya sa table ko ang pagkain ko.

Tinitigan niya ako, "Bakit naman? Nasanay na ako.." anito.

I smiled, "You don't really need to do this," I said.

He sighed and smiled weakly, "Why? Kasi may iba ng gagawa nito? Kaya hindi na ako?" anito.

Natigilan ako sa sinabi niya. I don't know pero naramdaman ko ang sakit sa boses niya. Iyong lungkot, ramdam ko. Nag-iwas ako ng tingin dahil alam ko kung bakit siya ganon. Huminga ako ng malalim bago binuksan ang plastic pati ang tupperware at nagsimula nang kumain without saying anything. Nakakabinging katahimikan ang bumalot sa'min and it feel so different. Kung noon ay hindi awkward, ngayon ay awkward na. Hindi nagsalita si Kevin kaya mas binilisan ko pa ang pagkain ko.

"Ahm... I'm done," I said, awkwardly.

He smiled at inayos niya ang pinagkainan ko. Nakatitig lang ako sa ginagawa niya at hindi nagsalita. Hindi ko alam kung bakit ako iyong nasasaktan sa ginagawa niya. Alam kong may gusto siya sa'kin and I want him to give up on me. Gusto ko siyang sabihan pero mas gusto kong gawin niya ng kusa.

Perfect Lovers (Book 2 of Perfect Haters, COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon