Six: Whether You Like it or Not.
***
MAAGA AKONG nagising kinaumagahan dahil sa magandang tunog ng alarm clock ko. Nag-unat-unat ako bago bumaba ng kama at dumerecho na sa CR upang magtoothbrush at maghilamos. Pagkatapos ay lumabas ako ng kwarto at nagtungo sa kusina upang maghanap ng makakain. I just cooked a bacon and egg, with a fried rice at kumain na. After that ay tumambay muna ako sa balcony ng condo ko dahil maaga pa naman. It's just 6:15 in the morning for pete's sake!
Umupo ako sa isa sa mga upuan na nadoon at itinukod ang siko sa lamesa at pinagmasdan ang kabuuan ng lugar. I smiled. Isa 'to sa mga bagay na nakakapagpakalma sa'kin. Ang pagmasdan ang isang tahimik na lugar. Well, tahimik pa dahil maaga pa naman. Wala pa masyadong kotse na nadaan.
Inilagay ko ang chin ko sa kamay ko at bumuntong hininga. Gaganapin ang kasal nina Jeselle at Kris bukas ng umaga, 8am sa beach resort nila Jeselle. Three days kami doon at libre pa! Bongga, di'ba? May pa-beach wedding sila. Well, I'm happy for Jeselle naman dahil sa wakas ay papakasalan niya na ang long time crush niya. Hays. Tadhana nga naman.
Umalis na ako sa balcony at nagpunta ulit sa kwarto. Kinuha ko sa loob ng cabinet ko ang isang travel bag at nagsimula nang mag-impake! Mamaya na kasi kaming hapon aalis galing dito para pumunta sa resort nila Jeselle. Syempre, hindi mawawala ang swimsuit ko! Grabe. Hindi talaga ako uuwi dito hangga't sa hindi ako nakakaligo ng dagat! Nagdala lang ako ng isang two piece at one piece then iba pang clothes and tadaa. I'm done!
Naligo na rin ako at nagbihis ng isang floral dress lang at white stilletos. Ginawa kong ponytail ang buhok ko at hinablot ko na ang sling bag ko pati na rin ang susi ng car at condo at ang phone ko. Lumabas na ako ng condo at inilock ang pinto. Napatingin ako sa kaharap kong condo. Ang tahimik, ah? Siguro tulog pa ang lovebirds. Psh.
Umirap ako at naglakad na patungong lift. Pumasok na ako doon at pinindot na ang first floor. Nang tumunog at bumukas iyon ay agad akong lumabas at habang naglalakad ay tinawagan ko si Tessa. I asked her kung madami bang papeles sa lamesa ko. Nakahinga ako ng maluwag nang sinabi niyang hindi naman daw masyado. Pinatay ko na ang linya at naglakad na patungo sa BMW ko't binuksan iyon, inistart ang engine, at pinaharurot.
Nang makarating sa Sweet Cafe ay binati ako agad ng mga staffs. Nginitian ko sila isa-isa at dumerecho na sa opisina. Tama nga si Tessa, hindi masyadong marami ang papeles. Medyo busy kasi ako these past few days kasi magpapatayo kami ng isa pang branch ng Sweet Cafe sa ibang lugar with the help of Ate Sabina's Company, ofcourse. Kaya, doon ako nakafocus ngayon.
Nawala lang ang atensyon ko sa binabasa nang biglang magvibrate ang cellphone ko sa tabi ng mga papeles. Taas kilay ko yun na kinuha at nang makitang si Loraine ang tumatawag ay agad ko iyon sinagot.
"Yes? What's up?" I asked while still reading the paper.
"Yes? What's up?" she mocked. Bahagya akong natawa at binitawan ang binabasa kapagkuwan ay sumandal sa swivel chair ko.
"Yah. Don't beat around the bush. Marami akong ginagawa, Lori. At kailangan ko itong matapos. Unlike you na chill na chill lang.." I said.
"Duh? Ako rin naman, ah. Andami ko ring ginagawa. May isang design pa akong hindi natatapos." inis na sinabi niya.
I chuckled, "Okay. Anong sasabihin mo?" I asked.
"Aalis daw tayo mamayang 1 pm para mas maagang makarating sa resort nila Jess. It's a 3 hours ride so dadating tayo doon mga bandang 4 pm. Then pahinga ng 1 hour tas gala ng 6 pm. Ayos di'ba?" mahabang litanya niya.
Natawa ako at umiling, "Planado mo ang lahat, ano?" I joked.
She laughed, "Duh? Ako paba? Basta, dapat bago mag 1 pm ay nasa baba ka na ng condo mo. Susunduin ka ng Van doon. Bale, dalawang Van ang gagamitin natin dahil sa dami natin ay hindi naman tayo magkakasya sa iisang van. Okay?" she explained.
BINABASA MO ANG
Perfect Lovers (Book 2 of Perfect Haters, COMPLETED)
Fiction généraleLetting someone go is so painful. Lalo na kapag mahal mo pa. Pushing someone away is so painful, lalo na kapag alam mong hindi ka magiging masaya kapag nawala siya. Sa loob ng pitong taon na pamumuhay ni Lexine ay naging maayos siya ngunit hindi niy...