One

1.5K 66 6
                                    

One: The Girl Who Can't Be Moved.

***

NAALIMPUNGATAN AKO nang maramdamang nagva-vibrate ang cellphone ko sa side table ko. Hindi ko iyon pinansin at nagpatuloy sa pagtulog pero muling nagvibrate ang phone ko, may tumatawag! Inis kong hinablot ang cellphone ko at sinagot ang tawag nang hindi tinitingnan kung sino ang tumatawag.

"Hello?" tamad kong sagot. Tahimik ang nasa kabilang linya kaya muli akong nagsalita, "Hello?" sabi ko ulit pero walang sumagot! Psh. Panira ng umaga!

Inis kong pinatay ang linya ng tawag at natulog ulit. Fucking alcohol. Ang sakit ng ulo ko dahil sa pag-inom ko kagabi. Kasalanan 'to nila Danica. Kagabi kasi ay bridal shower ni Jeselle tapos nag-ayang uminom. Hindi naman na talaga ako uminom, matagal na akong tumigil pero si Danica pinilit ako! Bwesit na yan.

Hindi ko alam kung ilang oras akong nakatulog. Nang tuluyan na akong gumising ay tamad akong bumangon sa pagkakahiga. Nahagip ng mata ko ang isang basong tubig at advil sa side table. May note pa doon. Nagtataka kong tiningnan at binasa ang nakasulat.

Margarita,

Inumin mo 'yan. Paniguradong may hang-over ka. Ako na bahala sa cafe mo. 'Yan kasi, inom pa!

-Kevin

Ngumiwi ako sa nabasa at mahinang natawa bago ininom ang advil. Minsan talaga ay walang paalam na pumapasok sa condo ko si Kevin. Binigyan ko kasi siya ng spare key kasi minsan ay siya ang naghahatid sa'kin dito sa condo ko kapag nalalasing ako.

Tumayo na ako at naligo na muna bago nagbihis ng white loose shirt at dolphin shorts. Pagkatapos kong iblowdry ang buhok ko ay pinusod ko ito at ginawang messy bun bago kinuha ang phone ko at lumabas ng kwarto. Alas tres na pala ng hapon. Hindi pa ako kumakain pero hindi naman ako gutom. Geeez. Umupo na lang ako sa sofa at nanood sa Netflix. Wala akong ganang pumasok ngayon. Besides, nandoon naman si Kevin para asikasuhin ang Cafe kaya relax ako ngayon!

Habang nanonood ay bigla namang tumugtog ang kantang napakapamilyar sa'kin. Napangiwi ako nang makita si James Arthur na kumakanta sa TV.

We're fallin' like the star..
Fallin' inlove..
And I'm not scared to say those words..
With you I'm safe, we're fallin' like the stars..
Fallin' inlove..

Matabang akong ngumiti nang may maalala na naman. Paulit-ulit kong pinapatugtog at pinapakinggan ang kantang 'yon hindi dahil nagagandahan ako, kundi dahil may naaalala ako. Ilang taon na ba ang nakalipas? 5? 6? 7? Oo, 7 years. Pero, hindi pa rin ako nakakalimot. I laughed sarcastically. How can I move on when I'm still inlove with him? Tama nga ang sinabi nila Danica. I am the girl who can't be moved. Mahina akong natawa.

Nawala ang atensyon ko sa pinapanood nang biglang nagvibrate ang cellphone ko na nakalagay sa coffee table. Kumunot ang noo ko habang inaabot iyon at napangisi nang makitang tumatawag si Kristelle. Mag-aaya na naman ba 'to? Aba, game ako! HAHA!

"Hey, Soon to be Mrs. Smith!" tumatawang bati ko sa kanya.

Tumawa rin ang nasa kabilang linya, "What's up! The girl who can't be moved!" halakhak niya. Tumawa ako at ipinatong sa lamesa ang dalawang paa ko.

"Ano? Bakit ka napatawag?" tanong ko.

"Just want to inform you na pupunta kami sa Sweet Cafe tomorrow. Ipaghanda mo kami ng masarap na pagkain, Lexi-gurl." she said.

Perfect Lovers (Book 2 of Perfect Haters, COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon