Twenty

971 34 15
                                    

Twenty: Natatakot ako

****

Nagising ako nang maramdaman ang pagvibrate ng cellphone ko. Kinapa-kapa ko iyon sa kama pagkatapos ay sinagot ang kung sino mang tumatawag. Si Danica pala. Tinanong niya ako kung susunduin ko daw sa kanila si Jaz o hindi pa. Ang sabi ko ay ihatid nalang dito. Hindi ko alam pero ang sakit ng ulo ko. Parang nilalagnat yata ako, eh.

Mariin akong pumikit at umupo sa kama. Hinilot ko ang sintido ko at naramdaman ko ang hilo. Maya-maya ay bumukas ang pinto ng kwarto. Tumingin ako doon at nakita si Justine na pumasok na may dalang tray. Nagtataka ko siyang tiningnan pero matipid niya lang akong nginitian pagkatapos ay inilapag ang tray sa sidetable.

"How are you? Masakit pa ulo mo?" tanong niya at umupo sa gilid ng kama ko.

I slowly nodded, "Yeah."

He sighed, "Pero mas masakit 'pag walang ulo." dagdag niya pa. Sinamaan ko siya ng tingin pero ngumiti lang siya.

"What happened?" Nagtataka kong tanong.

He shrugged, "You passed out. Hindi ka kumain, 'no? Nalipasan ka ng gutom." wika niya.

Tumango ako at kinuha ang soup na ginawa niya. Inilagay ko iyon sa lap ko at nagsimula nang kumain. Nasa tabi ko lang si Justine hanggang sa matapos akong kumain. Inabot niya sa'kin ang tubig at gamot at agad ko naman iyon na ininom.

I gave him a small smile, "I'm fine now. Pwede ka nang bumalik sa Condo mo," sabi ko sa kanya at humiga na.

He licked his lower lip as he stared at me. Hindi ako tumitig pabalik dahil hindi ko kayang tapatan ang titig niya. I sighed as I remember what my father said last night. Kapag sinabi niyang hahanapan niya ako, ay gagawin niya talaga. At ako, hindi ko kayang maimagine ang sarili ko na may kasamang ibang lalaki, na magmahal ng ibang lalaki. Si Kevin nga ay hindi ko nakayanang mahalin, ibang lalaki pa kaya.

"What are you thinking?" mataman niyang tanong. Nilingon ko siya ngunit hindi ako sinagot, "Nang dumating ka dito ay umiiyak ka. Sabihin mo sa'kin, Lexine.. anong nangyari?" nag-aalala niyang tanong niya.

Narinig ko ang huling sinabi ni Justine bago ako mawalan ng malay kanina. Those three words... I love you. Hindi ko alam kung magiging masaya ba ako sa narinig ko o hindi. Napupuno ang pagkatao ko ng takot sa halo-halong rason. Na baka kapag sinabi kong mahal ko rin siya ay maulit ang nangyari dati. Na kapag sinabi kong mahal ko rin siya ay baka paghiwalayin ulit kami ng tadhana. At sa tingin ko'y hindi ko na kakayanin. Ayokong mahiwalay sa kanya... natatakot ako.

"C'mon, Lexine.." ani Justine at lumapit sa'kin, "Tell me, please..." halos hangin nalang ang lumalabas sa labi niya.

I bit my lower lip as I looked at him, "Iniisip ko kung paano kita pakakawalan..." mahinang sinabi ko. "Kaso hindi ko alam kung paano.." I added.

Nalaglag ang panga niya sa sinabi ko. Napakurap-kurap siya, tila hindi makapaniwala sa sinabi ko. Nag-iwas ako sa kanya ng tingin.

"Lexine... may problema ba tayo? Sabihin mo.." mahina niyang sinabi at hinaplos ang mukha ko.

"Wala, Justine. Narealize ko lang na mali ang lahat nang ito." sagot ko.

"Walang mali, Lexine." mariin niyang sagot.

I looked at him, "Mali 'to Justine—"

"I love you."

Ayan na naman, eh! Ayan na naman! Hindi ko pa nga siya pinapakawalan, nahuhulog na naman ako sa kanya! Isang sabi niya lang na mahal niya' ko, bibigay na agad ako! Isang haplos niya lang, tatablan na naman ako. Isang ngiti niya lang, natutunaw kaagad ako! Now tell me?! Paano ko pakakawalan ang taong mahal na mahal ko?! Sabihin niyo sa'kin kung paano at gagawin ko!

Perfect Lovers (Book 2 of Perfect Haters, COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon