Sixteen: My Property.
****
"Hoy, Margarita. Umayos ka, parating na ang celebrant," bulong ni Kevin sa'kin pero hindi ko siya pinansin.
Nakatulala lang ako sa kawalan habang nakaupo. Maganda ang pagkakadesign ng cafe, pangbata talaga. Marami ring mga bata na invited at mga oldies. Kanina pa rin nandito si Tita Rina, iyong mama ni Justine at si Justine mismo kasama si Nathalie. Wala ngayon ang Papa niya. Nasa tabi ko naman nakaupo si Jaz habang nasa tabi naman ni Jaz si Kevin. Mula sa gilid ng mata ko ay kita ko pa rin ang sama ng tingin sa'kin ni Alie.
Napabuntong-hininga ako nang maalala ang pinag-usapan namin kanina. Mariin kong ipinikit ang aking mata. Damn.
Pagkatapos kong ipasundo si Jazzi kay Kevin ay pinapasok ko si Nathalie sa loob. Naupo siya sa sofa, umupo naman ako sa harap niya at seryoso siyang tiningnan. Ganon din siya kung makatingin. Problema ng babaeng 'to?
"What do you want?" I asked for the nth time! Hindi ko alam kung ilang beses ko na siyang tinanong ng tanong na iyan!
"I won't beat around the bush. Let's get to the fuckin' point," mariin niyang sinabi, "Nagkabalikan na ba kayo ni Justine?" she asked.
Nalaglag ang panga ko sa tanong niya! Hindi ako nakagalaw sa kinauupuan at para akong nabuhusan ng tubig na may maraming yelo! I was caught off guard by her question! Paano niya naman nasabi iyon?!
Agad akong umiling,"What the hell, Alie! Hindi!" I snapped!
Hindi man lang siya nagitla sa biglaan kong pagsigaw. Her resting bitchy face remained. I gulped. Maya-maya ay may kinuha siya mula sa pulang tote bag niya. Isang brown envelope. Napalunok ulit ako nang mapagtanto kung anong laman ng envelope na iyon! Bakit ba kasi napakaburara nitong si Justine?! Kainis!
Kinuha niya ang papel mula sa loob ng envelope at ipinakita sa'kin, "Then what is this?" she said at binasa ang nakasulat, "Jaxine Azrielle Del Valle Cojuangco? Seriously?" she added, she's glaring at me now!
I bit my lower lip at inagaw mula sa kanya abg papel, "Walang ibang meaning 'to, Nathalie. Gusto lang ng bata na si Justine ang maging papa niya. At tungkol sa surname... nagkusa si Justine kaya siya dapat ang kausapin mo at hindi ako. Walang ibig sabihin' to." malamig kong sinabi. She tilted her head like she's observing my face if I'm lying or not.
She raised her brows,"Walang ibig sabihin?"
I nodded, "Oo. We're friends. Just... friends.." I said softly. Are we really friends?
Ngumisi siya kapagkuwan ay sumeryoso ulit ang mukha, "You're friends but I know that you still love him, Lexine. Admit it or not." she's damn serious.
Napalunok ako. Gumapang ang kaba sa buong sistema ko. Nagulat ako sa sinabi niya ngunit nanatili ang kalmado kong mukha. Hindi ako nakagalaw sa kinauupuan ko at huli na nang mapagtanto kong nagusot ko na pala ang adoption paper na hawak ko. Tumikhim ako at inayos ang sarili. Ngumisi si Alie.
"See? You're panicking. I'm a girl, Lexine."
I sighed, "May sasabihin ka pa ba? You can leave now. May pupuntahan pa 'ko." sabi ko.
Mariin niya akong tinitigan, "I know that you still love him... but he's mine. Hindi ka pa ba nadala sa nangyari sa inyo noon? You let him go, hindi mo siya pinaglaban. You don't fucking deserve him. So fuck off, he's mine." she said bago tuluyang lumabas ng condo ko.
"Lexine. Lexine!"
Napakurap-kurap ako nang marinig ang boses ni Kevin sa gilid ko. Nilingon ko siya at nakitang kunot-noo siyang nakatingin sa'kin. Ngayon ko lang napansin na dumating na pala ang birthday celebrant. Tumikhim ako at inayos ang sarili at inabala nalang sa panonood ng party. God! Bakit ba kasi hindi mawala-wala yun sa isipan ko?!
![](https://img.wattpad.com/cover/222312621-288-k69032.jpg)
BINABASA MO ANG
Perfect Lovers (Book 2 of Perfect Haters, COMPLETED)
Ficção GeralLetting someone go is so painful. Lalo na kapag mahal mo pa. Pushing someone away is so painful, lalo na kapag alam mong hindi ka magiging masaya kapag nawala siya. Sa loob ng pitong taon na pamumuhay ni Lexine ay naging maayos siya ngunit hindi niy...