Twenty Two: Sayo parin.
****
"Let's get out of here," wika ni Justine at hinila ang pulsuhan ko upang hilahin ako papalabas sa may Comfort Room. Tila bumalik ang hilo na nararamdaman ko nang nagsimula kaming maglakad papunta sa dancefloor. Marami kaming nabubunggo pero mukhang walang pakialam si Justine dahil dere-derecho niya akong hinihila hanggang sa makarating kami kung nasaan sina Danica!
Tumigil si Justine sa paglalakad kaya naman nabunggo ako sa likuran niya. Kunot-noo ko itong tiningnan.
"Oy! Justine!" rinig kong sambit ni Loraine.
"Akala ko nasa US ka?" wika naman ni Danica. Nanatili pa rin ako sa likod ni Justine. Matangkad siya kaya hindi pa ako nakikita ng mga girls.
Huminga ng malalim si Justine at hinila ang palapulsuhan ko na hindi niya naman binitawan at ipinunta ako sa harap. Nahihilo kong tiningnan sina Danica nang makita ako. Nagpilit ako ng ngiti and I waved my right hand.
"Hello." sabi ko.
Nagsalubong ang kilay ni Danica, "Akala ko ba magc-cr ka?" parang nawala ang pagkalasing niya nang makita ako.
Akmang magsasalita na ako nang biglang tumabi si Jeselle kay Danica dala-dala ang sling bag ko. Ibinigay niya iyon kay Justine na agad namang tinanggap bago magsalita.
"Danica, pumunta siya sa C.R. Nakita ko 'yan. Tapos may isang lalaking pumoporma kaya nakita ni Justine. Syempre, as an EX-GIRLFRIEND, dapat niyang ilayo doon si Lexine, diba?" mahabang litanya niya.
Umawang ang labi ko sa sinabi ni Jeselle. Nakita kong palihim na ngumiti si Justine. Tumikhim naman si Angel at tumango si Loraine habang nanatili naman ang tingin ni Danica sa'kin.
"Ano... magpapahatid na rin ako kay.." mariin akong pumikit nang makaramdam ng matinding hilo, nararamdaman ko ring bumabaliktad ang sikmura ko at fuck! Nasusuka ako! "Magpapahatid na lang ako kay Just—" hindi ko na natuloy ang iba ko pang sasabihin nang tuluyan na akong masuka. At take note! Sa damit ni Justine! Sa puting damit! Fuck!
I was panting when I'm done vommiting. Pinahid ko ang labi ko nang panyong inabot sa'kin ni Jeselle. Nag-angat ako ng tingin at nakita ang madilim na mata ni Justine. Nakaalalay ang dalawa niyang kamay sa baywang ko.
He sighed as he looked at my friends, "Kailangan ko na siyang iuwi. Mag-iingat kayo." anito. Nagpaalam ako sa kanila pagkatapos ay maingat akong inalalayan ni Justine palabas ng bar.
Pipikit-pikit ang mata ko hanggang sa makarating kami sa Parking Lot. Agad akong ipinasok ni Justine sa shotgun seat ng sasakyan niya at ikinabit niya sa'kin ang seatbelt. I smiled at him but he just tsked at me bago umikot at pumasok sa driver's seat. He fastened his seatbelt before glancing at me.
"Why the hell are you here? Sa bar? Hindi mo ako itinext," mariin niyang sinabi.
Ngumuso ako, "Ano... itetext na sana kita.. kaso na badtrip ako.." sabi ko.
I don't know if it is the alcohol or not pero nagkakalakas loob ako ngayon.
Kumunot ang noo niya, "Kanino ka badtrip?"
Ngumuso ulit ako at nag-iwas ng tingin, "Kasi nakita ko yung picture niyo ni Nathalie. Ang saya niyo dun," sabi ko. Umiikot na naman ang paningin ko kaya ipinikit ko ang mata ko.
Hindi kaagad nakasagot si Justine. Narinig ko ang pagtanggal niya ng seatbelt niya at naramdaman ko ang presence niya sa tabi ko. Naamoy ko rin ang mabango niyang amoy. I inhaled and exhaled before I slowly opened my eyes. My heart beats so fast in an instant when I saw him so near at me.
BINABASA MO ANG
Perfect Lovers (Book 2 of Perfect Haters, COMPLETED)
Ficción GeneralLetting someone go is so painful. Lalo na kapag mahal mo pa. Pushing someone away is so painful, lalo na kapag alam mong hindi ka magiging masaya kapag nawala siya. Sa loob ng pitong taon na pamumuhay ni Lexine ay naging maayos siya ngunit hindi niy...