Nineteen: Find another men
****
Nagising ako nang maramdaman ang tila malagkit sa noo ko. Pilit kong iminuklat ang mga mata at nang magawa ay kulay puti ang bumungad sa'kin. Inis ko iyon na hinawakan and I realized that it is a paper... a white sticky note to be exact na nakadikit sa noo ko! Inis ko iyon na inalis at umupo sa kama. Sa kama. I'm on my bed now katabi si Jaz. The last time I remember ay nasa sofa ako, with Justine.
Tulog pa si Jazzi sa tabi ko. Hinalikan ko siya sa noo bago binasa ang nakasulat sa sticky note.
“I badly want to stay with you and Jaz, but something urgent came off. Goodmorning, by the way. I cooked something. Kumain nalang kayo. And, ingat sa byahe. Remember my rules, milady. That's all. - Justine.”
Iyan ang nakasulat doon. Nangingiti nalang akong umiling pagkatapos ay naligo na. I end up wearing my black tube top with my jeans on. Nagsuot rin ako ng croptop chanel jacket kasi nga babyahe ako. I tied my hair in ponytail pagkatapos ay inihanda na ang dadalhin ko at inilagay sa living room at pumasok ulit sa kwarto to wake up baby Jazzi.
"Baby, wake up." I said while softly tapping her cheeks, "Wake up."
She cutely groaned at kinusot-kusot ang mata niya. She softly smiled at me before pulling me for a hug. I immediately hugged her back.
"Come on. Tumayo ka na diyan, okay? Maliligo ka na." I smiled.
Tumango naman siya without saying anything. Pinaliguan ko na siya pagkatapos ay binihisan then sinuklayan. Kinuha ko ang bag niya at nilagay doon ang uniform niya since papasok siya later at si Danica ang maghahatid. After nun ay sabay na kaming lumabas ng kwarto para pumunta sa dining room at para kumain ng breakfast.
"Ang sarap, Mommy!" Jazzi said happily.
I smiled, "Si Daddy mo ang nagluto niyan." sabi ko.
Her eyes widened, "Talaga po?! Ang sarap po palang magluto ni Daddy! I want him to cook for us po!" masayang sinabi niya.
I nodded, "I'm gonna tell that to your dad, then." I said at nagpatuloy na sa pagkain. After eating ay pumunta kami sa bathroom to brush our teeth together. We we're laughing the whole time hanggang sa matapos kami at sabay na kaming lumabas ng condo at sumakay sa lift.
"Pasok ka na, baby. I'm just gonne call your Tita Danica, okay?" sabi ko nang makarating kami sa Parking Lot at nang matapos ko siyang pagbuksan ng pinto. Tumango naman siya at agad pumasok ng sasakyan.
I took my phone off my bag before I dialed Danica's number. After a minute, the latter answered. Mukhang nagising ko pa yata.
"Hey, what's up? Morning." tila inaantok pa na sinabi niya making me chuckled.
"Hi, Danica! Goodmorning!" masigla kong sinabi.
She groaned, "Anong kailangan mo? Kay-aga-aga Lexine, ah." inis na sinabi niya. Mukhang nakalimutan niya ata, ah!
I smirked, "Hindi ba't ihahatid ko si Jaxine Azrielle jan sa condo niyo? Nakalimutan mo, ano?"
Tahimik ang nasa kabilang linya. Huminga ako ng malalim at sumandal sa kotse, hinihintay ang sagot niya hanggang sa narinig ko ang pagtawag niya kay Kurt sa kabilang linya. Bati na pala sila? Narinig ko pa ang mga pinagsasabi niya kay Kurt bago ako kinausap ulit.
"Go lang, babae. Dalhin mo na dito si Azrielle. Maghahanda lang kami. Ingat. See yah!" aniya at ibinaba ang linya. Natatawa akong umiling bago umikot at pumasok sa driver's seat.
Tahimik kami buong byahe ni Jazzi patungo kina Danica dahil nakatutok siya sa cellphone ko, nanunuod ng cartoons. Nang makarating ay kinuha ko na sa kanya iyon pati na rin ang bag at ipinark ang sasakyan sa CarPark sa harap ng building sa kung nasaan ang Condo Unit nila Danica at Kurt. Pumasok na kami at nagtungo sa lift. Alam ko naman na kung nasaan ang Condo nila dahil minsan na akong nakapunta doon. Nang tumunog at bumukas iyon ay agad kaming lumabas. Nang makarating sa harap ng pinto ay kakatok na sana ako pero bumukas na ang pinto.
![](https://img.wattpad.com/cover/222312621-288-k69032.jpg)
BINABASA MO ANG
Perfect Lovers (Book 2 of Perfect Haters, COMPLETED)
Ficción GeneralLetting someone go is so painful. Lalo na kapag mahal mo pa. Pushing someone away is so painful, lalo na kapag alam mong hindi ka magiging masaya kapag nawala siya. Sa loob ng pitong taon na pamumuhay ni Lexine ay naging maayos siya ngunit hindi niy...