Thirty: Engagement
***
“Lexine, awat na..”
Ayoko.
“Tama na, Lexine..”
Gusto ko pa.
“Lexi, tigil na..”
Ininom ko ang last shot at pagod na tumingin kina Kian at Cedric. I didn't know kung nakailang shots na ako. Dapat ay tamaan na ako dahil sa pagkakaalam ko ay nakakarami na ako. Pero hindi eh, walang epekto. I don't even feel dizzy. I don't feel like vommiting. It's like the alcohol has no effect on me. Nakakainis! Gusto kong maging wasted!
Kian sighed, “Baka naman may dahilan siya.” sabi niya.
Umirap ako at sumandal sa upuan ko. I remember when Justine told me to trust in him pero, what the fuck?! He should atleast update me on what the fuck is happening right now! May tiwala naman ako sa kanya pero bakit ganito? Bakit may kasalang naganap?! Nasasaktan ako!
“O baka fake lang yung kasal para ipakita sa mga tao na kasal na nga sila..” sabi pa ni Cedric.
Ngumisi ako at akmang maglalagay pa ng alak sa shot glass ko when Kian stopped me from doing it. Inis ko siyang tiningnan pero hindi rin ako nakatagal sa titig niya. Me and Kian may be close with each other but he still looked intimidating to me sometimes.
I shouted out of frustration. Aksidente kong naibato sa kung saan ang shot glass, nabasag iyon.
Hindi ko na napigilan ang emosyon ko. I cried hard as I could. Kian and Cedric is just there, comforting me. Sila kaagad ang tinawagan ko nang makita ko ang picture na iyon. Kian has a lot of things to do but he still managed to come here. Cedric is busy with Audrey pero pumunta pa rin siya. My friends are busy with their own life kaya silang dalawa lang talaga ang maaasahan ko ngayon.
Hinatid nila ako sa condo ko pagkatapos pero hindi rin agad sila umuwi dahil baka daw kapag umalis sila ay uminom pa ako. Ngumisi ako ngunit agad rin napapikit ng mariin nang nakaramdam ako ng pagkahilo.
Humiga ako sa kama ko. I don't have the strength to take a shower anymore. It's like the alcohol drained me the moment I enter my condo. Parang ngayon lang umepekto sa akin ang alcohol na ininom ko. Ang sakit ng ulo ko. Bwesit!
“'Yan. Inom pa..”
Hindi ko na makilala kung sino ang nagsalita. Ngumiwi ako at umayos ng higa. Nararamdaman ko nalang na inaalis ng kung sino man ang sapatos na suot ko. Mariin kong ipinikit ang mata ko at hindi nagtagal ay nakatulog na rin.
“Mommy... Mommy, wake up..”
Jazzi.
Nagising ako nang marinig ang boses ni Jazzi. Dahan-dahan kong iminuklat ang mata ko at bumungad sa akin ang maaliwalas niyang mukha. Nakangiti pa siya sa akin. Her hair is messy at may kaunting butil pa ng tubig na tumutulo galing sa kanyang buhok. Kakatapos niya lang maligo.
Ngumiti ako sa kanya at inayos ang buhok niya. Nahihilo man ay sinikap kong pumunta sa bathroom para magshower. Ayokong ganito ako sa harap ni Jazzi. Baka maamoy niya ako.
Pakiramdam ko ay nabawasan ang sakit ng ulo ko. Nagbihis lang ako ng white oversize tshirt and a dolphin shorts before ako lumabas ng bathroom. Maingat akong umupo sa kama. Nandoon pa rin si Jazzi, naghihintay sa akin.
“Mommy, ang tagal mo pong natulog..” sabi niya.
“What?” gulat na sabi ko at napatingin sa wrist watch ko. Oh, my god! It's 4 in the afternoon na! Ang haba ng tulog ko! “Oh, I'm sorry. Masakit kasi ang ulo ko, baby.” palusot ko nalang.
BINABASA MO ANG
Perfect Lovers (Book 2 of Perfect Haters, COMPLETED)
Ficção GeralLetting someone go is so painful. Lalo na kapag mahal mo pa. Pushing someone away is so painful, lalo na kapag alam mong hindi ka magiging masaya kapag nawala siya. Sa loob ng pitong taon na pamumuhay ni Lexine ay naging maayos siya ngunit hindi niy...