Thirteen: We're Not Friends.
***
Hawak-hawak ni Justine sa kamay si babygirl habang naglalakad sila papasok sa Toy Kingdom. Nauna silang maglakad sa'kin at tahimik lang akong sumusunod sa kanila. Tapos na kasi kaming mamili ng mga gamit ni baby at mga damit. Ngayon ay hinila niya si Justine papunta dito sa Toy Kingdom kasi may gusto raw siyang bilhin na teddy bear.
Tahimik ko silang sinusundan hanggang sa tumigil sila sa may mga naglalakihang teddy bear! Nagpabuhat si baby kay Justine at pumili ng bibilhin niyang teddy bear. Napangiti ako nang makitang kulay blue ang napili niya. Malaki ito at malambot! Gosh! Gusto ko din tuloy bumili!
"Mommy... okay na po ba 'to? Gusto ko po 'to.." malambing na sabi niya habang yakap-yakap ang teddy bear.
Marahan akong tumango, "O-Okay. Let's buy that, then." sabi ko at nag-iwas ng tingin nang tumingin sa gawi ko si Justine. Nagpaiwan nalang ako sa kanila habang sila naman ay naglakad papuntang counter upang magbayad.
Naupo ako sa upuan na nakita ko at huminga ng malalim. This is not fucking right. Sana ay hindi nalang ako pumayag. May fiancee si Justine tapos magiging daddy siya sa magiging anak ko? No. Hindi dapat ganito. Mali 'to, eh. Isa 'tong kasalanan. Tapos hindi pa alam ni Nathalie. Oo nga't naiinis ako sa kanya pero hindi maitatago ang katotohanang engage sila. Engage sila samantalang magkaibigan lang kami.
"Hey, Lexine. Let's go." wika ni Justine nang makarating sa harap ko. Tumango naman ako sa kanya at naglakad na, hinawakan ang kanang kamay ni baby habang hawak naman niya ang kaliwang kamay.
"You hungry, baby? Kain na muna tayo," sabi ko. Sa gilid ng mata ko ay nakita kong nakatitig sa'kin si Justine. Bakit ba panay ang titig niya? Kumalabog na naman ng mabilis ang puso ko. Naiinis ako sa sarili ko. Bakit ba kasi ganito pa rin ang epekto niya sa'kin? Nakakainis. Pitong taon na ang nakalipas at may fiancee na siya pero hindi man lang nagbago ang nararamdaman ko sa kanya. Nakakainis.
Naupo kami sa isa sa mga upuan nang makapasok sa isang mamahaling restaurant. Nasa tabi ko nakaupo si baby at sa harap naman namin si Justine. Masaya silang nag-uusap. Napangiti naman ako. Sana ay tumigil ang oras. Kahit isang minuto lang.
"Daddy... thank you po.." masayang sabi niya.
Justine gave her a small smile, "Your welcome. You should thank your mommy too." he said and he glance at me. Bumaling naman sa'kin si Babygirl.
"Thank you po, Mommy.." nakangiting aniya.
Nag-order na si Justine nang makakain namin at sandali kami doon na naghintay. Masayang naglalaro si baby ng teddy bear niya. She would talk to it and hugged it. Ang sweet! Aksidenteng nagtama ang paningin namin. Madilim ang tingin niya sa'kin. Tumikhim ako at nag-iwas ng tingin. Calm down, Lexine. Friends lang kayo.
Maya-maya ay dumating na ang order namin. Masaya kaming kumain at nang matapos ay naglakad na kami patungong parking lot. Karga-karga ni Justine si babygirl na natutulog habang naglalakad kami.
"Kailan mo ipapaprocess ang adoption niya?" tanong ni Justine.
I sighed nang bigla na namang bumilis ang tibok ng puso ko. Yakap-yakap ko ngayon ang teddy bear ni baby at mas lalong humigpit pa ito. Bumuntong hininga ulit ako bago sumagot, "Siguro ay sa susunod na araw. May mga dapat pa akong gawin." sabi ko.
He nodded, "Okay. Tawagan mo nalang ako. Apelyido ko ang ibigay mo sa bata." sabi niya dahilan para manlaki ang mata ko kasabay ng pagkalabog ng puso ko!
"What?! No, Justine! Hindi!" I hissed.
He looked at me flatly, "Ako na ang itinuturing niyang daddy. Kahit isang araw lang kaming nagkasama ay napamahal na siya sa'kin, Lexine." he said.
BINABASA MO ANG
Perfect Lovers (Book 2 of Perfect Haters, COMPLETED)
General FictionLetting someone go is so painful. Lalo na kapag mahal mo pa. Pushing someone away is so painful, lalo na kapag alam mong hindi ka magiging masaya kapag nawala siya. Sa loob ng pitong taon na pamumuhay ni Lexine ay naging maayos siya ngunit hindi niy...