Twenty Seven: Caught
****
"Okay, Ced. I'm coming.."
Isang buntong hininga ang pinakawalan ko nang ibaba ko ang linya. Marahas kong inilagay sa bulsa ng jeans ko ang phone ko at hinarap si Justine na nakakrus ang braso na nakatingin sa'kin. I sighed once again before speaking to him, "I needed to go to the condo," I said, "Cedric is already there with Jazzi." I added. He smiled softly and nodded.
"Mag-iingat ka.." anito at mabilis akong hinalikan sa noo. I smiled at him before turning my back on him. Agad akong pumasok sa lift at nagpindot na. I heaved a deep sigh. Nang matapos ang nangyari sa pagitan namin ni Nathalie ay agad na rin siyang umalis without looking at me. Mabuti na rin iyon. At baka kapag hindi pa siya umalis ay masabunutan ko na siya nang tuluyan. Nakakairita, sa totoo lang.
Nang tumunog at bumukas ang lift ay agad akong lumabas. Binati ako ng guard at nginitian ko lang siya. Nagpara ako ng taxi at sinabi sa driver ang address ng condo ko bago ako pumasok roon. I was just staring at the outside the whole ride. Nang isinandal ko ang likod ko sa sandalan ay agad kong naramdaman ang pagod. Parang bigla akong pinanghinaan ng loob. Tumamlay ang katawan ko ng biglaan.
Nagbayad na ako sa driver bago bumaba nang makarating. Agad akong pumasok sa building at pumunta sa elevator. Pinindot ko na ang numero kung nasaan ang condo ko. I waited for a minute before the elevator opened. Patakbo akong pumunta sa condo ko at binuksan iyon. Nakangiting mukha ni Jazzi ang sumalubong sa'kin with her arms wide open! Ngumiti ako at agad lumuhod para salubungin siya ng yakap!
"Ah! I missed this hug!" I said between our hugs.
She giggled, "I missed you more, mommy!"
I kissed her forehead before releasing her from my hug. Tumayo ako at mahigpit rin na niyakap si Cedric. Ginulo niya ang buhok ko nang humiwalay ako sa kanya. Ang daya. Mas lalong tumangkad si Cedric, nakakainis.
"How are you?" tanong niya nang makaupo kami sa sofa, Jazzi is now playing on my phone.
I smiled, "I'm fine. How about you? Si Kian? What about ate Sabina? Umuwi na ba siya?" sunod-sunod kong tanong.
He nodded, "Kakauwi lang daw ni Sabina kanina sabi ni Tito," patukoy niya kay papa, "Ikaw? Kailan ka ulit bibisita sa bahay?" he asked.
I shrugged, "Kapag may oras ako," sagot ko.
Tumango siya at hindi na sumagot pa. Bumuntong hininga ako at isinandal ang ulo sa balikat niya. I smiled when he reached for my head to messed up my hair. Dahil alam niya na kapag ganito ako, may problema ako, "What's the problem?" he asked.
Mapait akong ngumiti, "Napaaway ako ngayon.." I whispered.
Tumango siya, "Kanino? Sa dating fiancee ni Justine?"
Natigilan ako sa sinabi niya at umayos na upo. Kunot-noo akong tumingin sa kanya. I raised my left brow, lowkey asking him if how did he know. He just smirked at me then he shrugged.
"C'mon, my favorite cousin. Alam kong nagkabalikan kayo ni Justine..." nakangising sinabi niya.
I blinked, "How..."
He licked his lower lip, "C'mon. Hindi naman 'yun mahirap malaman. Base on Jazzi's surname which is Cojuangco, Jaxine Azrielle Del Valle Cojuangco atsaka... nakasalubong ko si Justine rito sa condo mo so..." nagkibit balikat siya.
I nodded as I bit my lower lip. Biglang bumilis ang tibok ng puso ko. Hindi ko alam kung bakit kinakabahan ako. I inhaled and exhaled before turning to Cedric again, "Uh... you're not... against us?" I asked, almost whispering.
BINABASA MO ANG
Perfect Lovers (Book 2 of Perfect Haters, COMPLETED)
General FictionLetting someone go is so painful. Lalo na kapag mahal mo pa. Pushing someone away is so painful, lalo na kapag alam mong hindi ka magiging masaya kapag nawala siya. Sa loob ng pitong taon na pamumuhay ni Lexine ay naging maayos siya ngunit hindi niy...