Twenty Five: Yours
****
Hindi nawala sa utak ko ang sinabi ni Papa sa'kin dalawang araw ang nakalipas. Paano niya nasasabi iyon nang ganon kadali without knowing who I really love? Oh, no. Oo nga pala, alam niya kung sinong mahal ko kaya siya gumagawa ng paraan upang ilayo ako. Pero, hindi naman siguro ayos kung ipapakasal niya ako sa taong hindi ko mahal, di'ba? Ayoko ng ganon. Ayokong dinidiktahan ako sa kung anong dapat kong gawin at kung sino ang mamahalin. It's just so unfair, alright.
I sighed again as I laid myself on my bed. Idinipa ko ang kamay ko sa kama at tumitig sa kisame. Tinatamad ako ngayong pumasok sa cafe... wala ako sa mood magdrive ng kotse. Hindi ko alam pero nawawalan ako ng gana. Nakakainis naman.
Nang marinig na nagv-vibrate ang phone ko na nasa sidetable ay tamad ko iyon na kinuha. Tiningnan ko kung sino ang tumatawag at awtomatiko akong napaupo nang makitang si Justine ito! Agad akong ginapangan ng kaba at tumikhim bago sinagot ang tawag. Nasa school kasi siya ni Jaz ngayon, hinihintay ito.
"Hello? Justine?" I answered.
"Lexine..." panimula niya, "Uh... I'm with Nathalie..." he said in a low voice.
Kumunot ang noo ko. Akala ko ay sinusundo niya na si Jazzi? "What? Nasaan si Jaz?" hindi ko mapigilang hindi mainis, "Justine, dapat ay ngayon pauwi na kayo ni Jaxine, hindi ba?" I added.
Narinig ko ang marahas niyang buntong hininga sa kabilang linya, "I know. Tinawagan ko si Jeric, he's on his way there... with Ayanna and Jaxine," sabi niya.
Mariin akong pumikit at pinigilan ang sariling huwag sumigaw. I calmed myself before answering him, "Okay. Thank you. Bye!" I said and I hang up without even waiting for his answer. Humiga ulit ako sa kama ko! Naiinis ako! Alam kong sa ngayon ay wala pa akong karapatan kay Justine kasi wala pang kami pero naiinis talaga ako! Or more like... nasasaktan ako. Totoo. Kapag may ibang babaeng kasama si Justine ay totoong nagseselos ako sa puntong sumisikip iyong dibdib ko hanggang sa nasasaktan na ako.
Bakit? Yung mga taong nasa relasyon lang ba ang may karapatang masaktan? Hindi. Kasi, may karapatan din namang masaktan iyong may mga nararamdaman.
Bumangon ako nang marinig ko ang katok mula sa pinto. Patakbo akong pumunta doon at agad binuksan ang pinto. Bumungad sa'kin ang nakangiting mukha nina Jeric and Ayanna.
"Girl!" ani Yanna at niyakap ako, "Ang gandang kasama ni Baby!" she said nang makalayo na.
Ngumiti lang ako.
"Ang cute naman ng anak niyo," ani Jeric at kinurot ang pisnge ni Jaz na tumatawa lang, "Next time ulit, babygirl, ha?" he said, Jaz nodded her head.
Nagpasalamat lang ako sa kanila at nagpaalam na rin kaagad. Agad naming ginawa ni Jaz iyong homework niya hanggang sa matapos kami at gumabi na. Napatingin ako sa oras at nakitang alas-siyete na ng gabi... wala pa rin si Justine. Bumuntong hininga ako at iniwan na muna si Jaz sa sala upang pumunta sa kitchen. Bored ako kaya napagdesisyunan ko na magluto na muna ng dinner habang wala pa si Justine. I end up cooking Tinola.
"Mommy, wala pa po si Daddy ko po." ani Jaz at yumakap sa'kin. I bend my knees a little to level up with her.
I smiled, "Yes, baby. Let's just wait for him before tayo kumain para sabay tayong tatlo, okay?" I said.
She smiled and nodded before kissing me on my cheeks at tumakbo na pabalik sa sala to watch her favorite cartoon, Teen Titans. Napailing nalang ako at umupo na sa isa sa mga chair. I waited again for 5 minutes, 10, 15, 20, 30, 40, 50 but there's no trace of Justine. I sighed as I called Jazzi para makakain na kami ng dinner. Baka ay nilibre na ni Nathalie ng dinner si Justine. Duh.
BINABASA MO ANG
Perfect Lovers (Book 2 of Perfect Haters, COMPLETED)
Ficción GeneralLetting someone go is so painful. Lalo na kapag mahal mo pa. Pushing someone away is so painful, lalo na kapag alam mong hindi ka magiging masaya kapag nawala siya. Sa loob ng pitong taon na pamumuhay ni Lexine ay naging maayos siya ngunit hindi niy...