Thirty Nine: Unexpected
***
"Hindi ka pupunta sa cafe, Lexine."
Sumimangot ako at humalukipkip sa pinakagilid ng kama namin. Hindi ko alam kung bakit hindi ako pinapapunta ni Justine sa Cafe ko. Ang sabi niya ay baka mapano raw ako lalo na't two months pregnant na raw ako. Eh, ano naman, diba? Hindi naman ako clumsy. Maingat naman ako kung gumalaw. Atsaka, ayoko ng dito lang ako sa bahay. Nakakabagot! Ang boring! Wala akong magawa kundi magkulong maghapon sa kwarto. Nakakainis naman.
"Baby.." naglakad si Justine papunta sa akin pero tumalikod lang ako. I don't wanna talk to him, "Bukas ka na pumunta roon, okay? I'll go with you.." mahinang sinabi niya at hinawakan ako pero umiwas ako. Nalaglag ang panga niya sa ginawa ko.
"Gusto ko ngayon," I pouted.
"Baby.." he called, "Bukas na, please?" he said, pouting too.
I rolled my eyes. Ayan na naman siya. Mas lalo akong sumimangot at kumapit sa leeg niya, "Okay. Bukas nalang. Sasama ka sa akin, ah?" sabi ko sa kanya.
Ngumiti siya sa akin at tumango. He smells like mint. Bagong ligo siya ngayon at naka formal attire na. He's ready to go to his work samantalang ako naman ay maiiwan rito sa bahay. Si Jazzi naman ay nasa school, inihatid nila Papa, Kevin at Sabina bago sila dumerecho sa airport para mag out of town. And speaking of Sabina....
Mariin akong napapikit nang may muling naalala. Hanggang ngayon... hindi pa rin ako makamove-on. That news was a big blow for us! As in, lahat kami nagulat. Lahat kami nawindang sa bagay na hindi namin inaasahan. Marahas akong bumuntong hininga at kinagat ang labi.
It was one month ago, papunta kami sa bahay ni Papa dahil inimbitahan kami nito para magdinner. Kompleto kami. Nandoon rin si Cedric at Kian pati si Sabina at si Kevin na seryoso lang, ni hindi niya kami napansin. Napapansin ko na noon ang pagiging balisa ni Sabina pero isiniwalang bahala ko iyon. Akala ko personal na problema niya iyon so I thought that I should not interfere with it.
Not until narinig namin ang away ni Kevin at Sabina sa may pool area. I was so curious and concerned to the both of them that time. Mas lumakas ang sigawan nila, hindi kami nakapagtiis kaya lumapit kami, pati na rin si Papa.
"That child is mine, Sabina!" galit na sabi ni Kevin habang nakaturo sa tiyan ni Sabina.
Nanlaki ang mata ko. Nabitawan ni Papa ang baso na hawak niya. Napamura si Kian at Cedric habang tahimik naman si Justine sa tabi ko.
Marahas na umiling si Sabina, "This is not yours. Hindi 'to sayo!"
Kevin's eyes looked so mad, "That's mine! Ikaw iyon! Iyong naka one-night-stand ko sa New York! Ikaw 'yun!" malakas na sabi nito.
Sabina was shocked but she recovered, "Sigurado ka bang ikaw lang ang nakatalik ko?" tanong niya, ngayon ay nakangisi na.
Kevin looked so dumbfounded. Hindi pa nila kami napapansin. Ni hindi nila narinig ang tunog ng pagkabasag ng baso na nabitawan kanina ni Papa. Para silang may sariling mundo, na may sariling problema.
"What is the meaning of this?!" Papa's voice thundered around the house.
Nanlaki ang mata ni Ate Sabina at unti-unting lumingon sa gawi namin. I am being emotional again. Napatakip ako sa bibig ko at sunod-sunod nang nahulog ang luha ko. Ganun rin si Sabina na umiiyak na lumuluha habang humahakbang papunta kay Papa. Si Kevin naman ay mabilis ang paghinga habang nakatingin sa amin.
"Pa.." hinawi ni Papa si ate Sabina nang hawakan siya sana nito, "Pa.. I'm sorry..."
Papa's face remained serious, "You are pregnant?" seryosong tanong nito.
![](https://img.wattpad.com/cover/222312621-288-k69032.jpg)
BINABASA MO ANG
Perfect Lovers (Book 2 of Perfect Haters, COMPLETED)
Ficción GeneralLetting someone go is so painful. Lalo na kapag mahal mo pa. Pushing someone away is so painful, lalo na kapag alam mong hindi ka magiging masaya kapag nawala siya. Sa loob ng pitong taon na pamumuhay ni Lexine ay naging maayos siya ngunit hindi niy...