Five

840 32 2
                                    

Five: Fianćee

***

NAGISING AKO NANG maramdaman ang matinding sakit ng ulo ko! Damn. Napahawak ako sa ulo ko at nag-gulong-gulong sa kama ko! Mangiyak-ngiyak akong bumangon mula sa pagkakahiga at nasapo ang mukha. Damn it. Nakailang shots ba 'ko kagabi? Tamad akong bumaba sa kama ko at nakitang suot ko pa rin ang suot ko kagabi pero ngayon ay may suot na akong jacket, nasa ilalim naman ng jacket ang off-shoulders kong black.

Sino nagsuot sa'kin neto?

Nagtungo na ako sa CR ko at agad nagshower para mawala ang hang-over ko. Habang nasa ilalim ng shower ay pinipilit kong inaalala ang nangyari kagabi. Well, ang naaalala ko lang ay nadatnan ko si Justine na nakasandal sa pintuan ng condo niya pagkalabas ko ng lift. Then naglakad na ako papunta sa condo ko tapos natapilok ako at nasalo niya ako tapos sabi niya "Careful" in a very husky tone. Tapos... tapos... ugh! Hindi ko na maalala! I'm sure may ginawa pa akong kalokohan kagabi bago ako maknock down! Argh! Kainis!

Pagkatapos kong maligo ay isinuot ko ang bathrobe ko. Lumabas na ako ng kwarto ko habang basa ang buhok ko. Pumunta ako sa kitchen at napatigil sa paglalakad nang makita ang isang tasa ng kape at sandwich sa mesa. Kunot noo akong naglakad patungo sa table at tinitigan ang kape at sandwich. Si Kevin ba ang nagbigay nito? Pero kung si Kevin ay dapat may note ring naiwan dito. O, baka naman nakalimutan niya lang? Oo, nakalimutan niya lang.

Ininom ko na ang kape at kinain ang sandwich. Pagkatapos ay tinawagan ko si Tessa na hindi ako makakapasok ngayon sa Cafe. Nag-usap pa kami ng ilang minuto bago ko pinatay ang linya. Nagbihis na rin ako. Suot ko ngayon ang itim kong racerback at maong shorts. Tinuyo ko na rin ang buhok ko at sinuklay pagkatapos ay pinusod ko ito, ginawang messy bun.

Nang maalalang wala na pala akong pagkain na kakainin ay napangiwi ako. Kinuha ko na ang wallet ko sa loob ng kwarto ko at nagsuot nalang ng flat sandals. Hindi na ako nagbihis pa, tinatamad ako, eh. Pagkatapos mag-apply ng liptint at powder sa mukha ko ay lumabas na ako ng condo at inilock ang pinto. Napatitig ako sa kaharap kong condo at inirapan ito. Sandali ko pa iyon tinitigan nang biglang bumukas ang pinto at lumabas doon si Justine! Nanlaki ang mata ko at agad naglakad patungo sa lift at binuksan iyon! Gosh! Ang hilig naman manggulat ng lalaking 'yun!

Hinarang ni Justine ang kamay niya upang hindi tuluyang sumarado ang lift pagkatapos ay pumasok na siya. Nakasuot siya ngayon ng pang-office attire. Papasok siguro siya ng opisina niya. Sabagay, CEO na siya ng kompanya nila, eh. I wonder kung nasaan na si Mr. Cojuangco? Iyong papa niya? Siguro ang saya na nun.

Tahimik lang kaming pareho hanggang sa bumukas ulit ang lift. Nauna na siyang maglakad papunta sa Parking Lot habang nakasunod naman ako sa kanya. Oops. Hindi ko siya sinusundan, ah? Sadyang nasa parking lot rin ang BMW ko.

Walang imik akong pumasok sa sasakyan ko at pinaharurot iyon, leaving Justine behind. Agad akong nagtungo sa isang Mall. Nang maipark ang sasakyan ay bumaba kaagad ako at pumasok na sa Mall. Agad akong naghanap ng cart at nagsimula nang maghanap ng foods.

"Hi, Lex!" bati ng isang kakilala ko noon sa Empire High.

I waved my hands on her, "Hey, what's up?" sabi ko at bahagyang tumigil mula sa pagtulak ng cart.

We just had a little chit-chats bago ulit ako nagpatuloy sa paggo-grocery. After nun ay pumunta na ako sa counter para magbayad. I waited a little longer dahil medyo marami ang binili ko so medyo natagalan silang ilagay sa plastic. Nang matapos ay dumerecho na ako palabas ng Mall at nagtungo sa parking lot. Binuksan ko ang compartment ng sasakyan ko at doon inilagay ang mga pinamili ko. Bahagya pa akong pinagpawisan nang matapos.

Perfect Lovers (Book 2 of Perfect Haters, COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon