Three: So Annoying!
***
"Hey. The key. Yung susi. Ibigay mo sa'kin."
Napakurap-kurap ako nang muling magsalita si Justine sa harap ko. Tiningnan ko ang susing hawak ko at ibinalik ang tingin sa kanya. Nakakunot ang kanyang noo na nakatingin sa'kin habang nakalahad ang kanang kamay niya. Bumagsak ang tingin ko sa kamay niya at dahan-dahang ipinatong sa nakalahad na kamay niya ang susi.
"Thanks." wika nito at tinalikuran ako. Pumasok siya sa condo niya at mahinang isinarado ang pinto.
Nang mga oras na ito ko lang din napansin na pigil na pala ang hininga ko. Napaupo ako sa tapat ng pintuan niya at nakitang kausap ko pa pala si Danica! Pinatay ko kaagad ang linya. Nasapo ko ang sarili kong mukha! God! So hindi nga talaga ako nagkakamali? Nakauwi na talaga siya? Napangiwi ako sa sarili kong naisip. Syempre, nakauwi na siya! Nakita ko na nga ng harap-harapan, eh!
Tumayo ako mula sa pagkakaupo at agad na pumasok sa condo ko at agad akong sumalampak sa sofa! Gosh! Bakit ka natulala sa harap niya, Lexine? Nakakahiya! Sinabunutan ko ang sarili ko dahil sa hiyang nararamdaman! Kinuha ko ang maliit na unan ko sa sofa at mahigpit yun na niyakap. Mapait akong napangiti. Nung magsalita siya kanina ay parang hindi niya ako kilala. Parang hindi ako naging parte ng nakaraan niya. Siguro ay tinupad niya talaga ang pangako niya sa'kin... o sadyang gusto niya na talaga akong kalimutan.
Maraming nagbago sa kanya. Kung noon ay dati na siyang matangkad, mas tumangkad pa siya sa ngayon. He has a dark brooding eyes. Medyo messy ang kanyang buhok at mas lalong kumisig ang katawan niya. Samantalang ako, konti lang ang nagbago. Medyo tumangkad ako ng onti. Humaba rin ang dati ko nang mahaba na buhok. Nagmatured na rin daw ang mukha ko, ayon kina Danica at mas nahilig akong kumanta sa ngayon. Ewan. Nagustuhan ko lang kumanta.
Huminga ako ng malalim pagkatapos ay pumasok na ng kwarto. Wala na 'kong gana kumain. Ginawa ko nalang ang skincare routine ko at nagtoothbrush bago padapang humiga sa kama. Grabe! Pagod na pagod ako ngayon... tapos dumagdag pa ang pagdating niya! Double Kill!
The next day, I woke up around 5 am in the morning kasi nakaramdam ako ng gutom! Tamad akong bumangon mula sa pagkakahiga at napahawak sa kumukulo kong tiyan. Hindi nga pala ako kumain kagabi. Bumaba na ako sa kama ko at nagtungo sa CR upang maghilamos at nagtoothbrush pagkatapos ay lumabas na ng kwarto.
Nagtungo ako sa kusina at binuksan ang ref pero agad nanlumo nang makitang wala nang makakain doon. Nakalimutan kong mag-grocery. Mangiyak-ngiyak akong bumalik sa kwarto ko at kumuha ng hoodie sa cabinet ko since spaghetti strap lang ang suot ko. Maaga pa at sigurado akong malamig pa rin sa labas. Bibili nalang kasi ako ng pagkain sa Convenience Store.
Kinuha ko na ang wallet ko at ang susi nitong condo ko at lumabas na ng kwarto at dumerecho na rin palabas ng condo. Pagkatapos kong ilock ang pinto ay napatingin ako sa condong katapat ko. I bit my lower lip nang maalala ang nangyari kagabi. Gosh! Nakakahiya!
Umiling nalang ako para maalis sa isipan ko ang nangyari kagabi at pumasok na sa lift. Pinindot ko ang number ng floor at sandaling naghintay. Nang tumunog ang lift ay kaagad akong lumabas. Dumerecho na ako palabas ng building, binati ako ng guard.
"Good morning, maam!" masiglang bati ni Manong Lucio.
Ngumiti ako, "Magandang umaga rin po!" bati ko pabalik at nagpatuloy na sa paglalakad.
Inilagay ko ang magkabilang kamay ko sa bulsa nitong hoodie at isinuot sa ulo ko ang hood. Grabe! Ang lamig nga! Lumingon muna ako sa kaliwa't-kanan upang tingnan kung may sasakyan na paparating pero wala naman. I shrugged as I start to walk across the road. Nasa harap lang naman kasi nito ang Convenience Store.
BINABASA MO ANG
Perfect Lovers (Book 2 of Perfect Haters, COMPLETED)
Ficción GeneralLetting someone go is so painful. Lalo na kapag mahal mo pa. Pushing someone away is so painful, lalo na kapag alam mong hindi ka magiging masaya kapag nawala siya. Sa loob ng pitong taon na pamumuhay ni Lexine ay naging maayos siya ngunit hindi niy...