Thirty Six: Contented
***
“Justine!” malakas na sigaw ko habang pababa ako ng hagdan. Kumunot ang noo ni Justine na ngayon ay nakaupo sa sofa sa sala habang may binabasang papel. Sumimangot ako sa kanya at padabog na umupo sa tabi niya pagkatapos ay ipinakita sa kanya ang picture sa cellphone ko, “Ano 'to?!” padabog na tanong ko.
He bit his lower lip as he stared at the picture. Pagkatapos ay ibinalik niya ang tingin sa akin. Mas lalo akong sumimangot nang makitang natatawa siya! Oh, god! What's funny?!
“Sino ang babaeng 'to? Nakakainis naman,” mas lalo lang akong sumimangot.
He chuckled softly as he held me for a hug. Kinulong niya ako sa braso niya, pansamantalang binitawan ang papeles na hawak, “She was a guest in our hotel. Nagpapicture lang siya,” marahang sinabi niya.
Sa totoo lang, pangatlong picture na 'to na nakita ko na may kasama siyang babae. Inis ko siyang tiningnan. Bakit ba kasi ang gwapo niya?! Hindi ko naman siya masisisi kung bakit maraming nagpapapicture sa kanya. Pero nakakainis pa rin. Sa susunod talaga ay sasama na ako sa kanya sa hotel niya. Babakuran ko na talaga siya.
“What's with the look, baby? I'm all yours,” natatawang sabi niya at mas lalo niya akong hinapit papalapit sa kanya. Hindi ko siya matiis so I hug him back, sumiksik pa sa kanya.
Justine has been so busy these past few weeks. Minsan ay pabalik-balik pa siya sa ibang bansa. Minsan naman ay hindi na umuuwi sa bahay. Pero kahit ganun, ina-update niya naman ako sa mga ginagawa niya. So far, ngayon lang siya naging free. Ngayon lang siya hindi umalis.
“Mommy, Daddy!”
Agad kaming napalingon sa may pintuan nang marinig namin ang sigaw ni Jazzi. Nagliwanag ang mukha ko at kumawala mula sa yakap ni Justine upang salubungin ang anak ko. Lumuhod ako upang mayakap siya. Kakarating niya lang galing sa isang fieldtrip, si Kian ang nagsilbing guardian niya dahil nagpumilit ito.
“I missed you!” masayang salubong ko sa kanya.
Ngumiti si Kian sa akin na nasa likod ni Jazzi. Nag-high-five naman silang dalawa ni Justine.
“Hinatid ko lang si Jaz, uuwi na ako,” nakangiting paalam sa amin ni Kian.
“Aren't you staying for a bit?” taas-kilay na tanong ni Justine.
Kian shrugged, “I... have something important to do,” anito at ngumiti.
Muli siyang nagpaalam sa amin at tuluyan nang umalis. Binihisan ko naman kaagad si Jazzi dahil suot pa nito ang uniform niya. After that ay bumaba na kami to eat our dinner na niluto ni Justine. Hindi na siya nagluto ng may sabaw dahil alam niyang nasusuka ako. Hindi ko alam kung may clue na ba siya na buntis ako kasi maraming symptoms na ng pagbubuntis akong nagawa. Pero, siguro hindi niya napapansin kasi palagi naman siyang wala dito.
“Mommy, I've talked to a lolo earlier po,” sabi ni Jazzi pagkatapos niyang uminom ng tubig, kakatapos niya lang kumain.
I smiled at her, “What's his name?”
Jazzi smiled, “Hindi niya naman po sinabi yung name niya.”
“So you've just talked,” ani Justine, “What did you two talked about, baby?” he asked.
Jazzi clasped her hands together, “Sabi niya po, he wants to say sorry po sa son niya po kasi he's a bad father to his son daw po..” malungkot na kwento nito, nagkatanginan naman kami ni Justine, “That Lolo cried po pero nung tinanong ko siya kung nagcry po siya, sabi niya po hindi. Nagp-pretend po siya na okay po,” malungkot pang dagdag niya.
![](https://img.wattpad.com/cover/222312621-288-k69032.jpg)
BINABASA MO ANG
Perfect Lovers (Book 2 of Perfect Haters, COMPLETED)
Fiksi UmumLetting someone go is so painful. Lalo na kapag mahal mo pa. Pushing someone away is so painful, lalo na kapag alam mong hindi ka magiging masaya kapag nawala siya. Sa loob ng pitong taon na pamumuhay ni Lexine ay naging maayos siya ngunit hindi niy...