Thirty Four

390 13 3
                                    

Thirty Four: Pregnant

***

“Lexine! God, what happened to you?!”

Iyan ang bungad sa akin ni Tita Irina nang maabutan niya ako isang araw sa banyo ng kwarto namin na nagsusuka. Kakatapos ko lang nun magluto ng Tinola dahil sinabi sa akin ni Justine na bibisita raw dito ang Mama niya dahil gusto daw makita si Jazzi. Alam na ni Tita Irina ang lahat, naexplain na namin ni Justine ang lahat sa kanya at laking pasalamat ko nang naintindihan niya kami, ang sitwasyon namin.

“Tita, I'm sorry,” nanghihinang sabi ko pagkatapos ay fli-nush ko na ang toilet. Naaawa niya akong nginitian at inalalayan upang makaupo sa kama.

“Bakit ka nagsusuka? Anong dahilan? May sakit ka ba?” sunod-sunod ngunit elegante niyang tanong.

Bumuntong hininga ako at umiling, “Wala naman pong masakit sa akin. Kaso, these past few days ay nagsusuka po ako kapag nakakatikim o nakakaamoy ng kahit anong putahe na may sabaw..” mahinang paliwanag ko.

“Uh-huh?” tumango siya.

“Noong una ay Sinigang po, nagsuka ako nun, ilang beses po. Akala ko hindi na mauulit pero naulit po ngayon, Tita, nang nagluto ako ng Tinola,” dagdag ko pa.

Hinaplos niya ang buhok ko, “Do you have any cravings, hija? Kahit anong foods, or anything, ganon?”

I bit my lower lip. The thought of my cravings lately made me craves for it more. Nagliwanag ang mata ko at masayang tumingin kay Tita, “Ice Cream po! From Dairy Queen!” masayang sabi ko.

Nakita ko ang kislap na dumaan sa mata ni Tita. Na para bang masaya siya sa akin. She, then, pulled me closer to her and hugged me. Nagulat ako nang mapansin na umiiyak siya. Gusto ko siyang tanungin pero mas pinili kong yakapin siya pabalik.

“I am so happy for you, hija. For the both of you and my son,” lumuluhang sabi niya.

Hindi ko siya maintindihan kaya hinarap ko siya, “Ano pong ibig niyong sabihin?” mahinang tanong ko.

“Buntis ka, Lexine. You're pregnant!” masayang sabi niya sa akin.

Nalaglag ang panga ko sa sinabi niya. Hinawakan ko ang tiyan ko unconciously, “P-Po?” hindi makapaniwalang sinabi ko.

“Kung gusto mong makumpirma ay bumili ka ng Preganancy Test, hija,” masayang sabi niya.

Kaya heto ako ngayon at nakaharap sa body size mirror ko. Suot ko ngayon ang isang sleeveless floral dress with my sandals. Inilugay ko ang buhok ko at dala ko ang sling bag ko. Pupunta ako ngayon ng Mall upang doon bumili ng Pregnancy Test. Mag-isa ako ngayon dahil si Justine ay nag out of town para sa business niya. Si Jazzi naman ay isinama nila Danica at Kurt sa outing nila kaya naiwan akong mag-isa.

Lumabas na ako sa bahay at siniguradong nakalock ito bago ako pumunta sa kotse ko. Pumasok ako at pinaandar ito kaagad. Ngumiti ako sa guard at nagpasalamat nang binuksan niya ang gate para sa akin. Pinaharurot ko na ang sasakyan ko papunta sa Mall.

Napabuntong-hininga ako. Nitong mga nakaraang araw ay hindi ko na nakita si Kevin. Nabalitaan ko nalang kay Ate Sabina na lumipad daw ito papunta sa New York para sa isang business noong nakaraang buwan. Hindi ko alam kung kailan ang balik niya. Pero sana naman ay bumalik siya kaagad. I badly wanna talk to him and make things clear out. Ayoko ng ganito. I understand that he's hurt pero ayoko ng ganito.

Agad akong nakarating sa Mall. Nagpark na ako sa parking lot at pumasok na. Dumerecho ako sa Pharmacy at doon bumili mg PT. Nagliwanag ang mata ko nang ibinigay na sa'kin ng babae ang binili ko. Ngumiti ako sa kanya at nagbayad na.

Perfect Lovers (Book 2 of Perfect Haters, COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon