Thirty Seven: Engaged
***
"I miss our home already," nakangusong sabi ko kay Papa. Sabina smiled at me.
Nandito kami ngayon sa sala ng bahay niya. Nakaharap siya sa laptop niya habang nakababad naman sa cellphone si Sabina. Kanina pa siya hindi mapakali. Mukhang problemado. Tinanong ko naman kanina kung anong problema niya, ang sabi niya ay wala naman. Tumango na lang ako sa kanya at hindi na siya kinulit pa.
"I told you, you are going to stay here for one week," sabi ni Papa nang hindi tumitingin sa akin, "Natalo ko si Justine sa one on one namin last week. Ito ang deal namin," humalakhak siya. Tinutukoy niya iyong last time na pagpunta namin dito, nung inaya niya si Justine na uminom sa veranda. Nagkaroon pala sila ng deal that time. Mas lalo akong sumimangot.
"Stop acting like that, anak. Nakakatampo. Hindi mo ba gusto na kasama ako?" kunwaring nagtatampong sabi niya at pinatay ang laptop pagkatapos ay tumingin sa akin.
Ngumisi ako at umusog papalapit sa kanya. Kumapit ako sa braso niya at isinandal ang ulo sa balikat niya, "Gusto kitang makasama, Pa," malambing na sabi ko.
Ngumiti si Papa at inakbayan ako, "Kumusta ang pagbubuntis mo, anak? Alam na ba ni Justine ang tungkol diyan?" mahinang tanong niya. Sinabi ko kasi kay Papa na wala na muna dapat makaalam dahil gusto kong ako mismo ang magsabi sa kanila at gusto kong isurprise sila.
Marahan akong umiling, "Hindi niya pa rin alam, Pa. Naghahanap pa rin ako ng tamang tyempo," sabi ko.
Naramdaman ko ang pagtango ni Papa. Nanatili kami sa ganoong posisyon nang mahuli naming nakangiwing nakatingin sa amin si Sabina. Humalakhak si Papa at inilahad ang kamay kay ate Sabina. Nakasimangot naman siyang naglakad papunta sa amin at kumapit rin sa braso ni Papa.
"I love you both," bulong ni Papa sa amin.
Nang sumapit ang tanghali, I decided to visit Tita Shannon's house. Bukod sa miss ko na si tita Shannon, namiss ko rin si Herbert. Balita ko ay nakabalik na raw iyon galing New York. Kagaya din ni Alyssa, 5 years rin na nanatili doon si Herbert at 5 years rin siyang wala. At bukod rin sa namiss ko silang dalawa ni Tita, may pasalubong raw ako galing sa pinsan ko kaya kukunin ko iyon.
"Wala kang kasama?" Papa asked when I was about to open the door of my car.
I looked at him, "Wala, Pa. Mag-isa ako," sabi ko sa kanya.
He nodded gently, "Mag-iingat ka," sabi niya at pumasok na ng bahay.
I shrugged as I entered my car. Agad kong binuhay ang makina at pinaandar na ang sasakyan. Medyo may kalayuan rito ang bahay nila Tita, isang oras pa bago makarating doon. Binuksan ko ang stereo ng kotse at nagpatugtog.
I was humming softly when my phone vibrated. Nilingon ko iyon at nagliwanag ang mukha nang makitang tumatawag si Justine! Video call through messenger! Agad kong pinindot ang green button.
"Hi!" masayang bati ko sa kanya. Katulad ko ay nagdadrive rin siya ng kotse niya.
He smirked, "Hello, baby.." malambing na aniya, "Where are you going?"
Pansamantala akong tumigil sa pagdadrive dahil sa red light. Umayos ako ng upo at ngumiti sa kanya, "Sa bahay ni Tita Shannon. Ikaw? Where are you going?" tanong ko sa kanya.
Kumunot ang noo ko nang makitang biglang sumeryoso ang mukha niya. He licked his lower lip. Nakita ko ang pagbuntong-hininga niya. Tila naguguluhan kung sasabihin sa akin ang totoo. I did not talked though, hinintay ko siyang magsalita.
"I'm... I'm going to have a lunch with Dad," he said.
Natigilan ako. I don't know. For unknown reason, I feel terrified. Maybe it's because I knew what his father's capable of doing at. Alam ko ang kakayahan niyang gawin. It's either it will ruin us or it will do us good. But I think that the latter is impossible. Bumuntong hininga ako at tumango kay Justine. I forced a smile. Hindi ko na nagawang sumagot.
BINABASA MO ANG
Perfect Lovers (Book 2 of Perfect Haters, COMPLETED)
General FictionLetting someone go is so painful. Lalo na kapag mahal mo pa. Pushing someone away is so painful, lalo na kapag alam mong hindi ka magiging masaya kapag nawala siya. Sa loob ng pitong taon na pamumuhay ni Lexine ay naging maayos siya ngunit hindi niy...