Twenty Nine

433 21 2
                                    

Twenty Nine: Picture

***

"Madam, andaming costumers natin ngayon!" masayang wika ni Tessa habang nakatingin sa crowded namin na cafe. Ngumiti ako sa kanya at tumango.

"Oo nga, eh." nakangiting wika ko habang pinagmamasdan din ang crowded namin na cafe. Nakakapanibago kasi ngayon lang ulit naging marami ang tao dito sa cafe namin. It's not that konti lang ang pumupunta dito, marami din naman ang pumupunta pero hindi tulad ngayon na super crowded talaga as in parang sumikip talaga yung cafe namin.

"Ay, madam. Nasaan nga po pala si Mr. Cojuangco? Hindi ko na po siya nakikita dito na sinusundo kayo, ah." ani Jana.

I sighed. It's been a week since nagkasama kami ni Justine. Nang gabing yun ay kasama ko pa siya pero kinaumagahan ay nakita ko na lang ang sarili kong nakahiga na sa kama katabi si Jazzi. Agad kong hinanap ang phone ko at sinubukan siyang tawagan pero hindi ko siya macontact. I was about to panicked that time when I saw his post-it-note na nakadikit sa maliit kong lamp.

no matter what happens, trust me. ily. - J.

Hindi ko alam pero bigla akong kumalma nang mabasa iyon. Hindi ko alam kung anong plano at kung anong gagawin ni Justine pero may tiwala ako sa kanya. Alam kong gagawin niya ang lahat para maging maayos ang sitwasyon naming dalawa. Natatakot ako pero kailangan kong maging matatag. Kailangan kong lumaban. Kailangan namin lumaban.

Ngumiti ako kay Jana, "Out of town. For business trip." sagot ko nalang at naglakad na papasok ng office para iwasan ang iba pa nilang tanong.

Pagkapasok ay agad akong pumunta sa lamesa ko at kinuha ang cellphone na nakapatong rito. Agad kong idinial ang number ni Justine pero hindi ko pa rin siya macontact. I tried again pero hindi talaga. I sighed. May tiwala ako sa kanya pero hindi ko maiwasang mag-alala. Kung sana ay sinabi niya sa akin kung anong magiging plano niya, siguro ay hindi ako magiging ganito ngayon. But, kahit anong plano ang gawin niya, may tiwala ako sa kanya. I just hope that he's fine though.

Pagkatapos ng nakakapagod na araw ay umuwi ako kaagad sa condo ko. Since sembreak ngayon nila Jazzi, nandoon siya kina Papa. Oh, and speaking of Papa, pupuntahan ko pala sila mamayang gabi dahil magcecelebrate kami ng birthday nito. At bukas naman ay bibisita ako sa bahay, kina Tita Shannon. Nakakapagod naman.

Hindi ko namalayan na nakaidlip pala ako sa living room. Nagising lang ako nang maramdaman na nagv-vibrate ang cellphone ko na ngayon ay nasa sling bag ko pa rin. Dali-dali ko yun na kinuha sa pag-aakalang si Justine iyon pero nabigo rin nang makita na si Kevin ang tumatawag. I sighed before answering it.

"Kevin, ano?" bungad ko sa kanya. Sandaling tahimik ang sa kabilang linya bago ito sumagot.

"I'm on my way to your condo. Ang sabi ng papa mo, sunduin daw kita." aniya.

Nanlaki ang mata ko at agad napatingin sa wrist watch ko. Omg! 6:30 na pala ng gabi! Maaga naming icecelebrate ang birthday ni papa so kailangan maaga ako dun! Oh, god! Hindi pa ako nakapag-ayos. Ni hindi pa ako nakapagbihis mula kanina. Shit.

"Okay. I'll just... I'll just get ready." sabi ko at ibinaba na ang linya.

Mabilis akong naligo. Siguro ay ito na ang pinakamabilis kong ligo. Then after that, nagbihis na ako. I just wear a simple white offshoulder croptop and a jeans. I partnered it with my white snickers pagkatapos ay nilugay lang ang buhok. I put some light make-up too para hindi halata ang dark circles under my eyes. Pagkatapos kong mag-ayos ay sakto namang dating ni Kevin. I sighed in relief.

"Ganda naman," anito pagkalabas ko ng kwarto.

I chuckled, "Nambola pa." sagot ko sakanya. Hindi siya kumibo at pinisil lang ang pisngi ko. Sinamaan ko siya ng tingin pagkatapos ay sabay na kaming bumaba.

Perfect Lovers (Book 2 of Perfect Haters, COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon