Seventeen

829 32 7
                                    

Seventeen: Not Mine

****

"Alis na kami. Mag-iingat ka dito. Palagi mong ilock ang pinto. Dito ako uuwi mamaya. Maghanda ka ng pagkain, okay?" ani Justine at ginulo ang buhok ko pagkatapos ay hinawakan ang kamay ni Jaz. Tumango naman ako sa kanya.

"Bye, Mommy! I love you po!" Jazzi said while waving her right hand. I smiled at her and waved back. Nginitian ko ulit sila bago tuluyang sumarado ang elevator. Bumuntong hininga ako at pumasok na ulit.

Lunes na ngayon at tinatamad akong pumasok sa Cafe. Ang sabi naman ni Tessa ay wala naman daw masyadong trabaho kaya kaya na raw nila. Napaupo ako sa sofa at isinandal ang likod. First day of school ngayon ni Jaz sa Empire Nursery at si Justine ang maghahatid sa kanya dahil gusto niya at tinatamad naman ako. Napangiti ako sa kawalan nang maalala ang nangyari these past few days. Naging okay kami ni Justine. Naging masaya ulit ako. Pero, hindi nun maitatago ang katotohanang engage siya, at yun ang dahilan upang mapawi ang sayang nararamdaman ko.

Dito na rin minsan kumakain si Justine at tumatambay sa Condo ko kapag wala siyang ginagawa. Minsan naman kapag busy siya ay dito niya sa Condo ko ginagawa ang kailangan niyang gawin. Palagi rin siyang nagbibigay ng oras para kay Jaz... para sa'min. Pero... engage pa rin siya sa iba.

I sighed at kinuha ang cellphone mula sa coffee table nang magvibrate iyon. When I opened my phone, I saw a dm from Danica.

salvadord: zup, lex! Nasa cafe ka ngayon?

Agad akong nag reply sa kanya.

lexidelvalle: nasa condo ako. why?

Ilang minuto kong hinintay ang reply ni Danics pero wala pa rin. Ngumiwi ako at pumunta na sa kwarto upang naligo. Nang matapos ay sinuot ko lang ang white tube top ko at maong shorts. I put on some light make up. Hinayaan kong bumagsak ang bagsak kong buhok at lumabas na ulit ng kwarto at naupo sa sofa. Hinablot ko ang phone ko at nakitang may reply na si Danica.

salvadord: pupunta kami jan. Me and the girls! With beer opkurs! See yah, bagaboo!

Umirap ako sa hangin at inayos na ang sala. Mabuti naman at magkakaroon na ulit kami ng oras sa isa't-isa! Yay! Pagkatapos kong linisin ang sala ay nag-abang na ako sa labas ng pinto. I waited for a couple of minutes bago tumunog at bumukas ang elevator. Bumungad sa'kin ang nakangising mukha ng mga kaibigan ko. Si Loraine ang may dala ng plastic of beer!

"Gaga! Namiss kita, ah!" ani Danica at mahinang hinila ang buhok ko.

Ngumisi ako at binigyan sila isa-isa ng kiss sa cheeks bago kami pumasok ng Condo at dumerecho sa sala. Umupo kami sa sofa at inilapag na nina Angel at Jeselle ang beer sa coffee table pati na rin ang mga chips! Huwaw! May pulutan pa talaga, ah!

"Mabuti nga't pinayagan ka ng asawa mo, Jess." sabi ko habang nagbubukas ng chichiriya.

She smiled, "Hindi naman ako binabawalan ni Kris. Atsaka, kayo naman ang kasama ko, eh."

"Ikaw na may-asawa!" angil ni Danica kaya naman napatingin kami sa kanya.

"Anong problema mo, babe? Kaya ka ba nag-aya, ha?" ani Angel.

"Oo nga, love! You can always tell us naman kung ano ang problem mo, eh." sabat naman ni Kristelle.

Nagtaas ako ng kilay. Ah. Kaya pala nag-aya ang isang 'to dahil may problema? Well, game ako jan.

Mapait na ngumiti si Danica, "Cool off kami ngayon ni Kurt."

"What? Why?" I asked.

Nagkibit balikat siya at tinungga ang beer, "Pareho kaming pagod. Pareho kaming exhausted. Nawawalan na kami ng oras para sa isa't-isa. Kapag mag-uusap naman kami ay nauuwi lang sa away. Kaya naisip namin na mas mabuti pang bigyan namin ng space ang isa't-isa," paliwanag niya.

Perfect Lovers (Book 2 of Perfect Haters, COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon