Eight: If The World was Ending...
***
"Kevin! Akala ko bukas ka pa!" sigaw ni Loraine!
Nakatakip pa rin ang kamay ni Kevin sa mata ko at nagpapasalamat ako sa kanya dahil hindi nakita ng mga kaibigan ko ang pagtulo ng luha ko. Siguro, Kevin felt my tears kasi pasimple niya yun na pinunasan bago dahan-dahang inalis ang kamay niya mula sa pagkakatakip sa mata ko. Nagtama ang mga mata namin at ngumiti siya. I mouthed 'thank you' to him, he just smiled and tapped my head.
"Bukas naman sana talaga ako," he said, "Kaso namiss ko si Lexine," he chuckled.
"Uy." ngiti ni Loraine.
"Naks naman.." pang-aasar nu Kurt, nakipag-apir pa siya kay Kevin!
Natawa nalang ako at pasimpleng kinurot si Kevin sa braso. Umupo naman siya sa tabi ko, so ibig sabihin nasa gitna na nila ako ni Raymart. Nakipag high five si Kevin sa mga boys, pati na rin kay Justine.
Huminga ako ng malalim at kinalma ang sarili. Hindi ko naiintindihan ang sarili ko. Bakit ako nasasaktan gayong kasalanan ko naman? At bakit pa ako nasasaktan? Bakit pa ako apektado? Dapat hindi na, di'ba? Di'ba? Pero, hindi naman natuturuan ang puso. Sana talaga ay si Kevin nalang ang mahal ko ngayon para hindi ganito kasakit. Sana, siya nalang.
"Tapos naman na tayong maglaro, tara na't maligo!" sigaw naman ni Val na nauna nang tumayo!
"Let's go!"
"Yah! Girls! Tara na!"
Nagsitayuan na sila at isa-isang nagsitakbuhan patungo sa dagat. Tumayo na rin ako pero hindi ako lumusob kaagad sa dagat. Kung kanina ay medyo naexcite ako, ngayon naman ay nawalan ako ng gama for some unknown reason. Hindi ko alam. Nawalan ako ng gana. Niyakap ko nalang ang sarili ko habang pinagmamasdan ang mga kaibigan ko.
"Lexine, halika na!" sigaw naman ni Danica na pilit hinihinila ni Kurt sa malalim na parte ng dagat.
Ngumiti ako at tumango lang sa kanya. Gustuhin ko mang maglakad papunta roon ay hindi ko magawa. Buntong hininga ni Kevin ang narinig ko mula sa tabi ko. Nilingon ko siya at nakitang nakatingin siya sa langit kung saan puno ng mga bituin. Mapait akong ngumiti. Palagi na lang siya ang nadyan sa tabi ko. Palaging siya ang sumasagip sa'kin mula sa kalungkutan. Palaging siya ang nagpupunas ng luha ko sa tuwing nasasaktan ako. Palaging siya nalang... sana siya nalang.
"Hindi ka ba maliligo?" tanong niya kapagkuwan, nakatingin pa rin sa mga nagkikinangang bituin sa kalangitan.
I smiled as I look the stars above too, "Nawalan ako ng gana. Ikaw, baka gusto mo. You can join them," banayad kong sinabi.
Mula sa gilid ng mata ko ay nakita kong lumingon siya sa'kin, pero hindi ko na siya nilingon pa. Nanatili sa taas ang mga mata ko. "Bakit naman bigla kang nawalan ng gana? Noong una ay sinabi mo sa'kin na gustong-gusto mong maligo sa dagat. Ngayong nandito na sa harapan mo, bigla kang umatras." mahabang litanya niya.
Ngumiti ako sa kawalan bago siya nilingon, "Ikaw? Bakit nandito ka na? Ang akala ko'y bukas ka pa, ah?" nagtaas ako ng kilay. "May patakip-takip ka pa ng mata..." bulong ko.
He let out a soft chuckle, "Namiss nga kasi kita.." sinabi niya.
Ngumiwi ako sa kanya at pabirong kinurot siya sa braso. Pinasadahan ko siya ng tingin at ngayon ko lang napansin na naka ripped jeans siya at plain white shirt. Nakaayos rin ang buhok niya. Pogi naman.
"Oo nga, totoo. Namiss ko ang Margarita ko.." seryosong sinabi niya. Sandaling lumakas ang tibok ng puso ko nang magtama ang mata namin pero agad akong umiwas ng tingin.
![](https://img.wattpad.com/cover/222312621-288-k69032.jpg)
BINABASA MO ANG
Perfect Lovers (Book 2 of Perfect Haters, COMPLETED)
Ficção GeralLetting someone go is so painful. Lalo na kapag mahal mo pa. Pushing someone away is so painful, lalo na kapag alam mong hindi ka magiging masaya kapag nawala siya. Sa loob ng pitong taon na pamumuhay ni Lexine ay naging maayos siya ngunit hindi niy...