Eighteen: Stay
****
"Ako ang maghahatid sa kanya ngayon," matabang kong sinabi kay Justine bago hinawakan ang kamay ni Jazzi papunta sa BMW ko.
Naabutan kami ni Justine sa labas ng building at nagpresinta na naman siya na siya ang maghahatid kay Jaz but I refused. Maliban sa hindi ko na naihahatid si Jaz sa school ay sinampal ako ng katotohanan kanina na kahit gaano ako kasaya sa nangyayari ngayon, mali pa rin ito. Mali pa rin dahil engage siya at... engage siya.
"What the hell is wrong with you?" tanong niya nang makarating kami sa harap ng BMW ko. I glanced at Baby Jaz who's innocently staring at us. I smiled at her pagkatapos ay pinapasok na si Jaz sa loob ng BMW ko at hinarap si Justine.
"Nothing's wrong. You can go," peke akong ngumiti. Hindi siya sumagot at nanatiling nakatitig sa'kin. So, ano? Magtititigan lang kami buong araw? Duh. Umirap ako at tumalikod na't umikot para sumakay sa driver's seat. Bubuksan ko na sana ang pinto nang hawakan niya ang pulsuhan ko at sinandal ako sa kotse! Nanlalaki ang mata ko siyang tiningnan at magkasalubong ang kilay!
"What the hell is your problem?!" naiinis kong sinabi.
His brows furrowed, "What THE HELL is your problem?!" mariin niya ring sinabi at mariin akong tinitigan.
I bit my lower lip. Bumaba ang tingin niya sa labi ko ngunit agad siyang umiwas. Naramdaman ko ang pagluwag ng hawak niya sa pulsuhan ko kaya naman agad ko iyon na binawi sa kanya at tinalikuran siya.
"Aalis na kami. Malelate si Jazzi," sabi ko sa kanya, nakatalikod pa rin.
Agad akong ginapangan ng kaba ng inayos niya ang nakalugay kong buhok sa likuran. Mariin akong pumikit, pinipigilan ang sariping humarap. Binuksan ko na ang pinto ng kotse at bago pa man ako makapasok ay narinig ko ang mahina niyang boses.
"I know there's a problem... and I'll figure it out. Drive safely, baby.." anito. I gulped before I entered my car. Bumusina ako sa kanya ng isang beses bago pinaharurot ang kotse.
Pagkatapos ng encounter namin ni Nathalie sa Cafe ay agad akong umuwi sa condo. 12 pm na at sakto namang pagdating ko ay nakabihis na si Jazzi, handa na sa pagpasok kaya naman nagpresinta na akong maghatid.
Atsaka, badtrip ako ngayon! Wala ako sa mood! Naiinis ako kay Justine! Naiinis ako kay Nathalie! Pero... mas naiinis ako sa sarili ko. Bwesit.Pagkarating sa Empire Nursery ay agad akong bumaba at pinagbuksan ng pinto si Jazzi. Naramdaman kong nagvibrate ang phone ko at nakitang may message ni Justine. Oh, 'wag kang marupok, Lexine. Mariin kong hinawakan ang cellphone ko at umirap sa kawalan bago ibinalik sa sling bag ko. Ngumiti ako kay Jazzi na kumakaway ngayon sa mga classmates niya.
"Let's go, Mommy.." nakangiting sinabi niya.
Tumango ako sa kanya at sabay na kaming naglakad papunta sa room niya. Nang makarating ay lumuhod ako upang maglevel ang mukha namin.
"I'll leave you now, okay? Susunduin kita later.." I said before kissing her forehead.
"Okay po, Mommy ko. Drive safely po like what Daddy said!" she said ang kissed my cheeks. Ngumiti lang ako sa kanya at pinagmasdan siyang maglakad papasok ng room. Lumingon siya sa'kin nang makaupo siya sa pwesto niya. I waved my hands once again before leaving her.
Sumakay na ako sa kotse at nagdrive pauwi. Nawalan akong gana na bumalik sa Cafe at for sure ay wala naman ata si Justine sa Condo. I'm sure pumasok na siya sa trabaho niya bilang CEO ng kompanya nila. Or kung hindi man ay siguro nasa Condo niya siya. Duh. Bakit ko ba 'to iniisip? Naiinis ako sa kanya.
BINABASA MO ANG
Perfect Lovers (Book 2 of Perfect Haters, COMPLETED)
Ficción GeneralLetting someone go is so painful. Lalo na kapag mahal mo pa. Pushing someone away is so painful, lalo na kapag alam mong hindi ka magiging masaya kapag nawala siya. Sa loob ng pitong taon na pamumuhay ni Lexine ay naging maayos siya ngunit hindi niy...