Eleven

861 42 2
                                    

Eleven: Same Old You.

***

"Yow, Margarita, wake up! May cafe ka pang minamanage! Gonna fetch you there! Hintayin mo ako, ako na magdadala breakfast mo, bye!"

Inis kong binitawan ang phone ko na hawak ko sa kanang kamay ko. Keaga-aga ay tumawag si Kevin, hindi pa nga ako nakapagsalita ay nagsalita na siya kaagad, hindi niya 'ko binigyan ng chance magsalita pagkatapos niyang sirain ang beauty sleep ko. 'Yan tuloy! Hindi na ulit ako nakatulog! Kainis naman!

Tamad akong bumangon mula sa kama at inayos ang higaan. After nun ay pumasok na 'ko sa C.R at agad nang naligo. Suot ko lang ang red kong bathrobe nang lumabas ng C.R. Gulo-gulo rin ang buhok ko at lumabas na ako ng kwarto. Dito na 'ko maghihintay, alam kong hindi magtatagal ay darating na si Kevin dala ang breakfast ko!

7:26 pa naman ng umaga, naupo na muna ako sa sofa at binuksan ang tv at nanood ng movies. Kalaunan ay narinig ko na ang katok mula sa pinto ng condo. Inisuot ko na muna ang house slippers ko bago naglakad papunta roon. Binuksan ko ang pinto at bumungad sa'kin ang naka office attire na si Kevin. Ngumisi ako.

"Ano ba naman 'yan, Lex! Ang aga-aga, napakapanget mo!" pang-aasar niya nang mailapag ang pagkain ko sa lamesa.

Ngumisi ako, "Crush mo naman," pang-aasar ko rin.

"Ikaw, ah! Porket may gusto ako sa'yo..." pambibitin niya.

Tinaasan ko siya ng kilay, "Oh, ano?" panghahamon ko. Sandali niya akong tinitigan at umiling lang siya at ngumiti. Nginiwian ko siya at naupo na sa isa sa mga upuan dito sa dining ng condo, naupo naman si Kevin sa harap ko.

"Mukha ba 'kong bruha? Hindi pa 'ko nagsuklay, eh.." tanong ko habang titig na titig sa pagkain.

"Mukha kang bruha... magandang bruha." he chuckled.

Ngumiti ako sa kanya at nagpatuloy nang kumain. Medyo nagutom ako dahil hindi ako kumain kagabi. Nakalimutan kong magdinner. Mabuti nalang at dinalhan ako ngayon ni Kevin! Hays.

Nagpatuloy na lang ako sa pagkain habang abala naman si Kev sa cellphone niya ngunit pansamantala rin akong tumigil nang may maalala!

"Hoy! Kevin! Nakalimutan ko, saan ka pala nagpunta kahapon?! Hindi na kita nakita, ah!" I hissed at him.

Nagtaas naman siya ng tingin at nagkamot ng ulo, "Ah, ano, may emergency sa kompanya namin! Nakalimutan kong sabihin. Sinabi ko naman kay Sab, ah? Hindi sinabi sa'yo?" he said.

Sinamaan ko siya ng tingin at umiling, "Hindi! Walang nagsabi sa'kin! Ni magtext hindi mo nagawa, ah. Kaya pala wala ka na kahapon."

Ngumisi siya, "Bakit? Nag-alala ka ba?"

Umirap ako at sarkastikong ngumiti, "Hindi. Hindi nga kita naalala kahapon, eh." sarkastikong sinabi ko.

Pabiro naman niyang sinapo ang dibdib niya, "Ouch, sakit naman nun, Margarita." kunwaring malungkot na sinabi niya. Inirapan ko siya at nagpatuloy na ulit sa pagkain, "Bilisan mo na jan, isasabay na kita." sabi niya, tumango ako sa kanya nang hindi siya tinitingnan.

"I'm done. Bihis lang ako," sabi ko pagkatapos kong kumain. Tumango naman siya at tumayo para pumunta sa sofa at inabala ang sarili sa panonood ng TV. Ako naman ay nagtungo na sa kwarto ko. Ginawa kong ponytail ang buhok ko. I'm wearing a white off shoulders partnered with my high waisted jeans and with my sneakers on. Kinuha ko na ang small backpack ko (wala lang, trip ko lang magbackpack, nakakasawa ang palaging nakasling bag) at lumabas na ng kwarto.

"Ang cute naman. Parang estudyante lang," bungad sa'kin ni Kevin. Ngumisi ako sa kanya at nauna nang lumabas ng condo.

Lumabas na rin si Kevin kaya naman inilock ko na ang pinto. Napatingin ako sa kaharap kong condo. Gising na kaya 'yon? Ang aga pa, eh. Tss. Bakit ba 'ko nangingialam? Bahala nga siya!

Perfect Lovers (Book 2 of Perfect Haters, COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon