Ten

858 48 17
                                    

Ten: As a Friend.

***

Maaga akong nagising kinabukasan dahil agad akong binulabog ng katok nina Cedric, Kian at Ate Sabina! Hindi ko alam na nakalimutan ko palang ilocked ang pinto kagabi kaya naman nakapasok sila at agad dinisturbo ang beauty sleep ko. Ang sabi nila ay ako na naman daw ang hinihintay sa baba. Nasa Restaurant na raw ang lahat at kumakain na. Ako na lang daw talaga ang hinihintay. Sabagay, hindi ko rin kasi alam kung anong oras ako natulog kagabi. Hindi kasi ako kaagad nakatulog pagkatapos ng nangyari kagabi.

Nag-ayos na muna ako at gimawa kong ponytail ang buhok ko. Nagbihis rin ako ng damit bago kami bumaba. Panay ang reklamo ni Cedric dahil tulog-mantika raw ako na sinasang-ayunan naman ni Kian habang si Ate Sab naman ay picture ng picture para raw may maipost siya sa Instagram niya.

Nang makarating sa restaurant ay agad kumaway sa'min ang mga kasama. Naupo na ako sa tabi nina Danica at Kristelle. Bale, nasa right side kaming girls at nasa harap naman namin ang boys, nasa left.

"Ang tagal mo gumising," reklamo kaagad ni Angel.

Tumango naman sa kanya si Danica, "Oo nga. Maaga naman tayong umuwi kagabi. Ano pang ginawa mo, ha?" sabi niya habang kumakain.

Tumikhim ako at nag-iwas ng tingin. Bumagsak ang tingin ko sa kinakain. "W-Wala lang..." naisagot ko. Alangan naman kasing sabibin kong gumala pa 'ko kagabi tapos kasama ko si Justine, di'ba? No freaking way. Ayoko. Lalong lalo na't nandito ang fiancee niya. Baka mamaya anong gawin niya sa'kin.

Sa gilid ng aking mata ay nakita ko ang pagngisi niya. Mariin akong pumikit bago nagpatuloy sa pagkain. Hindi ko alam kung bakit ganon nalang ang kabang naramdaman ko. Muli ko na namang naalala ang sinabi niya kagabi. Can we be friends? Tanong niya. Pumayag naman ako. Pero, hindi ko talaga alam kung tama ba iyon. Nakakainis!

"After natin kumain, let's go to the stalls, alright? We need to buy pasalubongs.." matinis na wika ni Nathalie.

"Oh, sige. Gusto ko 'yan. Bibilhan ko si bibi." wika ni Jeric, tinutukoy si Ayanna.

Agad tumango si Val, "Oo nga, no?" atsaka siya bumaling kay Loraine, "Bilhan kita." bulong nito. Agad naman tumango si Loraine.

Tahimik lang akong kumakain nang sikuhin bigla ako ni Kian, "Sama ka?" tipid na tanong niya.

Sandali akong napatitig sa kanya. Sasama ba 'ko? Eh tapos na 'kong mamili kagabi, eh. I bit my lower lip at tumango nalang, "Ah, oo." sabi ko.

Tumango naman siya at tumahimik na. Nagpatuloy na ulit kami sa pagkain at hindi na umimik pa hanggang sa matapos. Nang matapos ay naglakad na kami derecho sa mga stall. Sina Jeric, Kurt at Val ay nauna na samantalang si Vince at Kristelle naman ay magkaholding hands na naglalakad sa likod namin. Kasabay ko sina Kian at Cedric, napapanggitnaan nila ako samantalang sa unahan naman namin sina Danica, Ate Sabina at Loraine. Si Angel at John Roy ay nauna na rin pati ang ibang Xbang. Ooops. Maliban pala kay Jeff at Mark. Maghahanap raw ng chics. Habang si Nathalie naman at Justine ay naglalambingan rin sa harap namin!

Ugh! Bakit ba kailangan ko pa iexplain isa-isa? Geez.

"Inaantok pa 'ko," maya-maya ay sinabi ni Cedric.

Kian nodded, "Yup, me too. Ginising ako ni Sab." reklamo niya pa.

Natawa naman ako at pilit inakbayan silang dalawa. Medyo nahirapan nga lang dahil ang tatangkad nila. Agad naman ako nilang inalalayan sa likod. Aww. Ang protective ng mga pinsan ko.

"Ang rascal mong kumilos, kaya lapitin ka ng malas, eh." kunot-noong sinabi ni Kian.

Ngumisi ako sa kanya, "Nandiyan ka naman, eh."

Perfect Lovers (Book 2 of Perfect Haters, COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon