Chapter 1

1.1K 67 14
                                    

SIGFRED
Marine engineering. That’s right. Iyan ang napili kong kurso. My father’s a seafarer at dahil ako ang panganay niyang anak at ang kaisa-isa niyang anak na lalaki, gusto niyang sumunod ako sa yapak niya.

Apat na taon na lang, magre-retire na siya kaya hindi ko na rin nagawang tanggihan. He’s been a very responsible father to us kaya ayaw kong ma-disappoint ko siya. At the age of seventeen, hindi ko rin naman alam kung ano ang gusto ko sa buhay kaya sinunod ko na lang din ang recommendation ni Papa.

I’m still very clueless about this course. Hindi ko alam kung talaga bang may kakahantungan ako rito. Basta ang alam ko, gaya ni Papa, sasakay ako ng barko pagkatapos na pagkatapos ko sa college.

Minsan na rin akong na-enganyong mag-fine-arts gaya ng pinsan kong si Charm. Kahit papaano kasi, may hilig din naman ako sa photography pero katulad ng sabi ni Mama, kahit kailan, hinding magiging practical ang kursong iyon sa amin. We belong to the middle class at si Papa lang ang nagtatrabaho sa amin. High school pa ang kapatid kong babae kaya’t ang piliin ang kursong fine arts ay isang malaking suntok sa buwan. Hindi namin makakayanan ang expenses. Masyadong mahal ang kurosng iyon at masyadong risky.

“Tumawag ka lagi sa amin. Huwag na huwag ka ring magpapalipas ng gutom. Kapag nagkasakit ka, dumerecho ka agad sa ospital at huwag na huwag mo nang isipin ang magiging bill . . .” Hindi na napigilang maging emosyonal ni Mama. Nasa tapat na kami ng dorm ko at hanggang dito lang sila ng kapatid ko sa labas. Kasama rin namin si Charm na siyang naghatid sa amin dito gamit ang sasakyan niyang graduation gift ng nina Tito Julius at Tita Amy sa kanya last year.

Niyakap ko si Mama. Ganoon na rin ang nagmamaldita kong kapatid na babae.

“Sig. . .” Lumapit sa akin si Charm at siya naman ang sumunod na yumakap sa akin. Hindi ko alam kung kailan ko sila makikita ulit but I know that it will take a long time. Magiging busy ako sa pagaaral kaya baka once a month ko lang silang makita. O baka nga tuwing semester break lang.

Nagpaalam na ako sa kanila at nang makatalikod ako ay hindi na ako nagtangkang lumingon pa. Rinig na rinig ko pa rin ang pag-iyak ni Mama. Sumunod naman ang kapatid ko. Pagdating ko sa foyer, napabuntonghinga ako. First time akong malalayo sa pamilya ko ng ganito katagal.

“Mister Sigfred Renz Ronquillo?” Napatayo ako nang dumating na ang head ng dormitory. Babae ito, medyo mataba, mukhang nasa 40’s na at halatang istrika dahil sa lamig ng tingin niya sa akin. Naka-eyeglasses din siya at pormal na pormal ang kanyang suot na blouse at skrit na kulay peach. Hi-nead to foot niya ako at pagkatapos ay tinaasan niya ako ng kilay.

“Follow me . . .” Tumalikod siya at sumunod naman ako hila-hila ang isang maleta at malaking bag pack ko. Napatingin ako sa pinaggalingan ko at wala na sila mama roon. Nakahinga ako ng malalim.

“Second floor. Room 7. Exclusive ang in-avail mo kaya dalawa lang kayo sa magiging roommate mo roon” She’s right. Exclusive ang in-avail ni Papa para sa akin. Medyo mahal iyon kaysa sa normal bed space pero wala na akong nagawa nang siya na ang nag-insist. Mas safe daw kasi iyong exclusive at malalayo ako sa maling gawain at masasamang impluwensya ng mga magiging ka-dorm ko.

“No visitors, no alcohol, no cigarette, no loud music, no drugs, no sexual activities, alas dose ang curfew at kapag hindi ka pa nakauwi sa oras na iyon, sa labas ka matutulog. Understood?” aniya habang paakyat kami.

Pagdating namin sa second floor, naglakad kami pakanan at nang marating namin ang room seven ay huminto kami sa tapat niyon.

“Susi. . .” She handed me my key pero bago niya iyon ibigay sa akin ay pinaalalahanan niya akong muli. “Kapag nawala mo ‘to, magbabayad ka ng fine sa cashier.”

Drunk In ShinjukuTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon