Chapter 37

261 17 1
                                    

Note: Hi, Guys! Thank you for waiting for this delayed update. By the way, I have a very good news for you. Since ito na lang ang nag-iisang on-going story ko, makakapag-focus na ako rito  sa wakas kaya baka mas mahabaan ko pa 'yong chapters. I can't promise kung until saang chapter matatapos pero one thing's for sure, it will not end on Chapter 40. I Love you and keep safe! Enjoy this update! Usap tayo sa twitter: @jjmakathangisip.

Xoxo,
JoeyJMakathangIsip

*~*~*

Sigfred

Kitang-kita ni Mama kung paanong magkahawak kami ni Troy nang kamay noong palapit na kami sa kanya. Kitang-kita ko ang panandaliang pagkagulat niya. Kitang-kita ko ang pagkalito niya at pati na ang mabilisan niya ring pagbawi roon.

It even took her some seconds before she was able sto properly react. Napatingin din siya sa akin bago niya kunin si Troy sa akin. As of she's trying to confirm kung tama ba ang hinala niya.

Naramdaman ko ang panginginig ng mga mata ko nang gawin niya iyon ni Mama sa akin. I feel like I was cornered not in a bad way but in a confusing one. Lumaki akong madalang lang na pinapalo ni Mama at Papa. Madalas mapagalitan, oo. But they never reprimanded me in public. Palaging pribado ang pangangaral na ginagawa nila sa akin. Even with my little sister, Jen. They respected us so much we couldn't help but reciprocate that respect on them too. That's why I really grew up not hiding anything from them. Palagi akong nagsasabi sa kanila ng totoo. Palagi kong pinapaalam sa kanila ang mga hinaing at agam-agam ko. Palagi kong sinasabi sa kanila ang mga problema ko.

Kilala rin nila kung sino ang mga kaibigan ko. Alam din nila lagi kung saan ako nagpupunta at naglalagi. Kabisado nilang pareho kung ano ang mga gusto ko at hindi. At ito lang, ito lang talaga ang pinakunang pagkakataon na may nilihim ako sa kanila. Not because I think it's wrong. Kahit saang anggulong tingnan ay walang mali sa ginagawa namin ni Troy. It's just that, I'm just afraid of what other people might think about us. I'm afraid that the fire that we're currently taking might also hurt my parents.

Hindi ko kontrolado ang isip at bibig ng iba at natakot lang akong baka masaktan ko silang pareho sa hindi ko inaasahang paraan. My parents are so precious to me that I just don't want to disappoint and hurt them. Mabubuti silang tao at kahit kailan ay hindi sila nagkulang sa aming magkapatid. They did all their best to raise us despite of all the odds at ang makita silang masaktan ng dahil lang sa akin ay labis na ikakadurog ng puso ko.

Kaya laking gulat ko na lang din nang biglang kinuha ni Mama ang braso ni Troy para mapalapit ito sa kanya. Minadali niya pa akong kuhanan na sila ng picture kasama na rin ang kapatid ko. They all smiled while I'm counting down at iyon na lang din ang dahilan kung bakit napaluha ako ng wala sa oras. Behind the lenses, umagos na lang bigla ang hindi ko mabilang na masasaganang luha.

"Three . . ." And when I finally captured the photo, doon ko na lang din nakagat ang ibabang labi ko nang sagayon ay hindi ako makagawa ng ingay sa pagiyak ko. I took several shots at nang mapansin ni Troy na umiiyak na ako ay agad niyang iginiya si Mama at Jen sa ibang direksyon nang sagayon ay maka-recover ako agad sa pagluha ko.

When I was left alone, tumalikod ako at humagulgol na lang ng wala sa oras. Akala ko . . . buong akala ko . . . hindi ako matatanggap ni Mama pero nagkamali lang pala ako. She may not have confirmed it yet but by how she pulled Troy closer next to her noong kinuhanan ko na sila ng picture already tells so. And I can't help myself but become happy about it. It's already a big step for Troy and I, ang maipaalam kay Mama---sa pamilya ko ang tungkol sa amin.

Alam kong marami pa kaming kailangang trabahuin but bythat thing alone---ang simpleng approval at blessing ni Mama---ay sobrang laking bagay na para sa akin. I feel like I can already tell anyone about us dahil sa simpleng bagay na iyon. I'm just so proud!

Hindi ko pa alam kung ano'ng mangyayari kapag opisyal na talaga naming sinabi kay Mama at pati na kay Jen ang lahat pero handang-handa na ako sa kung ano man ang magiging resulta. Sa pamilya namin, hindi salita ang madalas naming ginagamit para ipakita ang pagpapahalaga sa isa't isa. Hindi kami malambing at hindi rin kami ma-"I Love You". We're more on the action side kaya panigaradong magiging madali lang ang pagsasabi namin sa kanila ng totoo. The real hardwork is showing to them how sincere Troy and I with each other.

Kakasimula pa lang namin at may pangamba pa akong baka magkaroon pa ng agam-agam si Mama sa kung ano man ang mayroon kami. She's a very protective type of mother, at paniguradong uusisain at uusisain niya ang totoong intensyon ni Troy sa akin. And I just hope that when she'll do that, Troy would really be able to convince her. O kung hindi man ay tutulungan ko siya sa abot ng aking makakaya. I really love him and I don't want us to hide anything from anyone. Mas masarap magmahal nang malaya.

"See? It's not that hard," Troy told me nang makabalik na siya sa akin. Malayo-layo na ang nalakad nina Mama at Jen kaya ganoon na lang din siya naging kakampanteng kausapin ako rito.

His eyes are deeply seated into mine. Ganoon din naman ang mga mata ko sa kanya. "It was not hard, but it was scary," sabi ko sa kanya.

Mabilis siyang sumagot. "What's scary about it when it's just your mother, Sigs?"

"Iyon nga e. Si Mama lang 'yon pero nakakatakot pa rin. Paano na lang kung bigla siyang nagalit no'ng nakita niyang hawak mo ang kamay ko? Paano na lang kung hindi niya ako matanggap? Paano na lang tayo?"

Troy smiled at me. "Pero hindi iyon nangyari, Sig."

I chuckled. "You're right."

Niyakap lang ako ni Troy. This is just the very first step pero sobrang laki na nang iginaan ng loob ko dahil dito. Paano pa kaya kung tinodo na namin ni Troy ang lahat? Siguro'y lulutang ako sa langit dahil sa saya.

Right now, I'm just glad that I'm not doing this alone. Sobrang saya ko na kasama ko si Troy sa napakahirap na prosesong ito. Sobrang saya.

"Please be with me until the very end, Troy," pakiusap ko sa kanya habang magkayakap pa rin kaming pareho, "hindi ko alam ang gagawin ko kapag wala ka," dagdag ko.

Hinalikan niya ako sa aking ulo, "I will, Sig. I will."

***

Drunk In ShinjukuTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon