Chapter 7

717 42 4
                                    

Sigfred

Hindi ko alam kung ano ang mararamdaman ko ngayong sobrang lapit ng mukha ko sa mukha ni Troy habang yakap-yakap niya ako ng walang kasing higpit. Nakapikit na ang mga mapupungay niyang mga mata pero kahit gano’n ay parang nararamdaman ko pa rin ang mga titig niya.

Those sharp gazes na lagi niyang pinaparesan ng napaka-charismatic at nakakalokong niyang ngiti? Ramdam ko pa rin iyon hanggang ngayon. At it just feels weird experiencing this thing. Nagdudulot ito sa akin ng pagiinit sa aking pisngi na hindi ko alam kung dahil ba sa inis ko sa kanya o dahil sa awkwardness na nararamdaman ko ngayon dahil sa sobrang lapit ko sa kanya.

Madilim na dito sa kuwarto niya’t tanging liwanag na lang ng buwan na tumatagos sa malaking bintana ang nagsisilbing ilaw namin. The dim light coming from the waxing gibbous moon outside is already enough para maaninag ko ng kaonti ang features ng mukha niya. Ayaw ko nang isa-isahin pa iyon dahil baka magmukha na akong wiling-wili sa kanya.

The reality is that, I’m a bit insecure on his playboy look. Siya agad iyong tipong guwapong lalaki na hindi mo panghihinalaang hindi straight. He has an intense sex appeal na kahit malayo pa lang siya ay mararamdaman mo na making him a less suspect of being gay.

I’m straight. Sobrang alam ko iyon sa sarili ko. Iyon nga lang, madalas akong tuksuhing hindi. Just because I have a light skin, payat at maalaga sa katawan ay nahuhusgahan na agad na hindi tunay na lalaki.

Kaya siguro kung nakuha ko lang iyong ibang features niya ay baka hindi ako nakaranas discrimination. Pero thankful pa rin naman ako kahit papaano. At least, may manners ako hindi gaya nitong si kumag na si Troy.

Hindi nagtagal, tinangka ko na agad na umalis sa pagkakayakap niya sa akin. Noong una, napipigilan niya pa ako pero nagawa ko rin namang makabalikwas nang itulak ko siya. Napatiyaha siya sa kama niya nang makatayo ako. He’s drunk but he doesn’t look like he’s devastated. Ang unfair talaga ng mundo.

Napahawak ako sa balikat ko nang makatayo ako, gano’n na rin sa may bewang ko. Bukod kasi sa niyakap niya ako ay kinulong niya rin ako sa katawan niya gamit ang kanang binti niya.

Nilibot ko ang paningin ko sa buong kuwarto niya. Kasing laki na nito halos ang kuwarto namin ni Kris. Ang kaibahan nga lang, siya lang ang mag-isa rito.

Walang partitions ang unit niya kaya kapag tumayo ka sa kahit saang anggulo, kita mo na agad lahat ang naroon.

Nasa center ang king size bed na kama, sa kaliwa naman niyon ay ang mini closet at study table niya. May sofa set naman sa tapat ng kama at may malawak na smart TV na nakadikit sa puting wall. May book shelves siya sa gilid niyon at sa bandang kanan naman ay mini kitchen niya. Walang table doon kaya sa palagay ko ay sa sofa lang siya kumakain.

Kompleto lahat ng gamit sa kitchen.  Two door refrigerator, electric stove, sink etcetera. Pagkatapos ng kitchen, naroon ang bathroom niya.

Na-curious akong tingnan iyon kaya agad akong nagtungo roon. Sabi kasi nila, malalaman mo raw kung anong klaseng tao ang isang tao kapag sinuri mo ang bathroom niya.

Inakala ko na matinding kadugyutan ang matatagpuan ko roon pero nagkamali ako kasi sobrang linis ng banyo niya. At the same time, ang bango pa. Napatingin ako sa tabi ng sink na naroon. Medyo nagulat ako kasi magkatulad kami ng shaving cream na ginagamit.

“Okay. Nagmali ako. Sorry, judgemental . . .” sabi ko sa sarili ko pagtapos kong isara ang pinto.

Nag-tip-toe ako habang paalis ako roon nang sagayon ay hindi ko siya magising. Nasa isip ko nang didiretso na ako sa pintuan kaso natigilan ako nang makita ko ang sitwasyon niya sa kama. Nakatagid siya rito at walang maayos na unan at kumot at hindi lang iyon dahil nakasapatos pa rin siya.

“Huwag mo siyang tulungan. Huwag mo siyang tulungan, Sig!” Pero natalo lang ako ng sarili ko nang bigla akong lumapit sa kanya para ayusin ang pagkakahiga niya. After all, ako dapat ang nasa kalagayan niyang ito kung hindi niya lang sana inagaw sa akin ang punishment kong lagukin ‘yong isang bote ng Fujiwara Densui. I’m just a bit indebted to him kaya gagawin ko ito.

Drunk In ShinjukuTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon