Chapter 22

546 39 11
                                    

Troy

“Sobrang tapang mo, Troy. Sobra.” Kakaibang saya ang naramdamang ni Troy sa sinabi sa kanya ng matalik na kaibigan na si Jackson. Troy too can’t believe his own self na nasabi niya agad ang bagay na iyon hindi lang kay Jackson kundi pati na rin kay Kieser at Kris. Ang katotohang hulog na hulog na siya kay Sig. Nasa plano niya na magko-confess muna siya kay Sig bago sabihin sa kanila ang lahat ng ito, yet out of his expectation, ito nga ang nangyari. Inakala niya rin na hindi siya matatanggap ng mga ito kapag nalaman nila ang bagay na iyon sa kanya. Yet, when he declared it earlier, mabilis pa sa alas kuwatro ay niyakap na siya agad ni Jackson. Ganoon din si Kris at Kieser.

“Funny, right?” tanong niya sa kanila. Nakaupo pa rin siya sa kama ni Sig. Nasa kanan niya si Jackson, si Kris ay nasa kaliwa habang nakaupo naman si Kieser sahig at nasa tapat niya lang ito. “Kung kanino pa ako hindi dapat mahulog, sa taong ‘yon pa talaga ako natamaan ng sobra-sobra.” Umiling-iling siya. He can’t help but get emotional. Walang luhang lumalabas sa mga mata niya pero ramdam niya ang pinaghalong sakit at saya sa puso niya. Sakit na dulot ng pagtalikod sa kanya ni Sig kanina at saya na dahil sa wakas ay wala na siyang kailangang itago pa sa mga kaibigan niya.

“Bakit? Ano bang mali kung magkagusto ka kay Sig? 21st century na kaya tanggap na ng lahat ng tao ang ganoong klaseng uri ng love. Tanga at ignorante lang ang huhusga sa nararamdaman mo para kay Sig,” ani Jackson sa kanya in a very brave tone.

Troy sincerely looks at Jackson. Sobrang suwerte niya na magkaroon ng kaibigang ganito na may malaya at malawak na pananaw sa buhay.

“Kailan pa ito nagsimula? I mean, kailan pa nagsimulang nagkagusto kay Sig?” tanong ni Kris, may awkwardness ng kaonti sa pagtatanong nito and Troy totally understands that.

“Summer last year.” Ngumiti si Troy. “In Shinjuku,” dagdag niya. Ikinigatla ito ng tatlo niyang kaibigan.

Troy dreamily recalls what happened last year. “I was really devastated that day nang makilala ko si Sig. Kakatapos lang ng libing ni Mama no’n at nagpunta nga ako roon para hintayin si Nam.” His ex-girlfriend na kilala rin nina Jackson. “While waiting for Nam, nagpakalasing ako roon. At habang nangyayari nga ‘yon, napansin ko biglang may kumukuha sa akin ng picture. It was Sig.” Hindi niya napigilang mapangiti ulit. “He was blushing the whole time while he was secretly taking a picture of me. Unang lingon ko pa lang sa kanya, pansin ko nang sobrang cute niya para sa isang lalaki. He’s even prettier than all the girls I have dated.”

“Damn!” Napahiga si Jackson sa gilid niya dahil sa kilig na naramdaman sa pagkukuwento niyang iyon. Nakapinta rin sa mukha ni Kris at Kieser ang mga nagpipigil na ngiti.

“Tapos? Tapos? Ano’ng nangyari?” tanong ni Jackson sa kanya nang makabangon at maka-recover sa kilig na naramdaman.

“Pinabayaan ko lang siya hanggang sa dumating si Nam. Nag-usap kami saglit ni Nam tungkol sa plano kong pakikipag-break up sa kanya that day. Nang matapos at nang makaalis na si Nam, doon ko lang nilapitan si Sig. Sisitahin ko pa sana siya para sa pagkukuha ng stolen shots sa akin kaso hindi ko na nagawa kasi bigla siyang natumba sa kinauupuan niya. He was already drunk too nang mangyari ‘yon.”

“Nasalo mo siya?” tanong ni Jackson.

Ngiting kinikilig lang ang sinagot ni Troy.

“Sheet!” Napamura ang relihiyosong si Kieser dahil sa kilig. Nag-dive naman ulit sa kama si Jackson. Si Kris naman ay pinagsasampal siya ng unan.

“Pi-niggy back ride ko siya pababa ng Shinjuku at nang makarating kami sa parking lot, pinasok ko na siya agad sa kotse ko. I don’t know his address kaya tinawagan ko ‘yong Mama niya through his phone. Nagpakilala ako bilang kaibigan niya and luckily, binigay sa akin ng Mama niya ‘yong address nila. Habang nasa daan kami at tulog-tulog siya sa tabi ko, hindi ko napigilan ang sarili kong hindi siya paulit-ulit na titigan. There was even a time na huminto ako sa ilalim ng flyover matitigan ko lang siya ng maayos. I was even tempted to kiss him kaso pinigilan ko lang ang sarili ko. He’s drunk that time and I don’t want take advantage of him. Kung sakaling hahalikan ko man siya, I want him to be in a good state of mind so that he will remember my kiss.”

Drunk In ShinjukuTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon