Chapter 55

200 15 0
                                    

Sigfred

I have only seen the film but had not yet read the book. Call Me by Your Name was basically a summer romance between the two boys Oliver and Elio. The setting happened in the 90’s somewhere in Italy. It would be a great spoiler kung sasabihin ko ang kabuuan ng film but the ending was known to be very heartbreaking na noong pinanuod ko iyon ay iyak lang ako ng iyak. No one died in the film but someone was left behind.

Maliit lang na detalye ang sinabi ko kay Troy patungkol sa pelikula at inis na inis lang siya sa akin nang binitin ko siya. I want him to see the film himself as well as read its book kaya sinadya ko iyon. Afterwards, nag-subside lang din naman ang inis niya at tinanggap niya lang ang yakap ko habang nakahiga pa rin kaming pareho sa iisang kama. He’s the one who fixed the bed at nagulat nga ako kanina nang makita kong marunong pala siyang magkumupuni ng mga bagay-bagay. He told me that he’s been living alone for more than two years kaya kahit papaano ay may alam na siya sa mga ganoong bagay. I gave him a kiss as a reward after fixing the bed at hinalikan niya lang din ako bilang sukli roon.

“We won’t experience a sad ending, right?” tanong niya sa akin. Magkalpit na magkalapit lang ang mukha namin.

“If there’s really a thing like sad ending, hilingin at hihilingin ko taas na hindi natin iyon mararanasan,” sagot ko sa kanya.

“Taas?” tanong niya at literal siyang napitingin sa taas.

“Aish! Kinumutan ko na lang ang sarili ko at nakilti na lang ako nang sumunod siya agad sa akin sa ilalim ng kumot.

Kinabukasan, nag-volunteer si Troy na mag-grocery gamit nag pera niya. Tinanggihan ko siya dahil sobrang nakakahiya pero nag-insist pa rin siya kaya wala pa rin akong nagawa. He said that it’ll be his payment on my mother for letting him stay in our house. Tumanggi rin si mama sa gusto nitong mangyayari pero sa bandang huli ay naging mapilit pa rin si Troy.

“Shampoo? Sabon? Ah, maybe we should buy your mom some beauty products too.” Pagdating namin sa mall, paikot-ikot lang kaming dalawa ni Troy doon sa supermarket. The two of us are both clueless kung ano ang dapat bibilhin kaya habang siya ay tagalagay ng mga kung anu-ano sa push cart ay ako naman ang tiga-alis.

I need to closely watch him dahil bukod sa mga walang ka-kuwenta-kuwenta ang mga products na nilalagay niya roon ay sobra namang mamahal.

“Sig?” tawag niya sa akin noong nakarating kami sa shelves ng mga bottled milk.

Tinulak ko ang cart papunta roon, at tinanong siya kung ano ang mayroon doon.

“I want to kiss you right in this spot. . .” aniya.

Nakatayo na ako sa harap niya at nasa pagitan na nga kami ng mga shelves.

He’s smirking while he’s staring at me at noon ngang lilinga-linga pa nga sana ako sa paligid para i-check kung may mga tao bang makakakita sa amin ay hindi ko na nagawa nang siniil niya na ako ng halik.

Nanghina rin naman ako agad nang halikan niya ako kaya wala na rin akong nagawa.

“Troy? Puwede bang magtanong? Kung ayos lang?” tanong ko sa kanya noong sumaglit kami sa food court para kumain.

The bags of groceries are around us at pinagtitinginan nga iyon nga mga naroon dahil sa sobrang dami. Girls were gazing at him too. Ang iba pa nga ay tili nang tili habang ang iba naman ay pasimple lang siyang kinukuhanan ng picture. Troy’s aware of it but he’s minding them all. Dalawang bagay lang naman kasi ang pinagtutuuan niya ng pansin. Una ay ang kinakain niyang salad at ang pangalawa ay. . . ako.

“Gaano ka na kayaman? Hindi ka kasi natatakot gumasta,” tanong ko sa kanya.

“Wait a bit, Sig. I’m just gonna call someone,” aniya while munching the salad.

Tuloy, nahiya ako bigla. I know na kahit estudyante pa lang siya, he’s already earning very well his side gig. Pero hindi ko lang din kasi mapigilang mangamba sa laki ng mga ginagasta niya. Spending big chunks of amount doesn’t bother at him at all. Samantalang ako ay sumasakit na ang loob kada gagasta ako ng kahit twenty pesos.

“Hello? This is my accountant, right?” ani Troy sa kabilang linya na ikinagulantang ko.

“My boyfriend is currently asking how much is my total assets. Can you check it for me?” aniya rito. He waited for a bit at makalipas ang ilang saglit ay nakuha rin naman niya ang hinihinging sagot. He thanked his accountant as he dropped the call afterwards.

Hinarap niya ako. May ngiti sa mukha niya. Pungay na pungay din ang mga mata niya. “My wealth’s just enough for me to finish my studies. After that, I will work really hard so that I can buy you a house, feed you, dress you, and make love with you in different places.”

“Kaya kong buhayin ang sarili ko, ‘no!” pag-protesta ko sa kanya.

Tinawanan lang ako ni Troy. “I know. I know. But can you let me do that for you, Sig? Ikakarangal kong alagaan ka hanggang huli kong hininga.”

At sinong hindi maiiyak doon? Hindi nagtagal, bumalik na kami ni Troy sa bahay at tuwang-tuwa nga si Mama sa dami ng pinamili ni Troy. We stayed at the house for the rest of the day at kinabukasan naman ay nagsimba kami kasama si Mama. Troy told me that it’s his first time going inside a catholic church kaya tawang-tawa na lang din talaga ako nang inisa-isa niya talagang binigyan ng peace sign ajg mga taong naroon noong oras na for the peace-be-with-you’s.

Bumalik din naman kami sa bahay pagdating ng tanghali. Diniligan namin iyong tinanim naming sunflowers at inis na inis siya kung bakit hindi pa iyon tumutubo which is just so weird dahil kinabuksan ulit ng araw na iyon ay nagkaroon na ng mga sprouts ang mga tinanim naming iyon.

“Mami-meet ka na ni Papa sa wakas. . .” I told him noong nasa kotse niya na kami. It’s already Monday and we’re already going to the airport para sunduin si Papa roon.

“Kinakabahan pa rin ako,” pag-amin niya.

Hinawakan ko lang ang kamay niya. “Don’t be. Nandito lang ako. At saka sobrang bait ni Papa.”

He just kissed my hand afterwards. “Thanks, Sig.”

Pumasok na rin sina Mana at Jen sa kotse niya kinalaunan. And when all of us are already settled inside, Troy already started the engine of his car.

***

Drunk In ShinjukuTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon