Chapter 41

237 15 2
                                    

Sigfred

Ilang oras din kaming nanatili ni Troy doon sa Bugtong Mangga. We spend almost two hours there enjoying the view as well as the sunset. Mga ilang minuto rin ang itinigal ng waterfall na nasaksihan namin bago ito tuluyang naglaho. It was just so majestic that I feel like I lost the concept of acknowledging time while watching it. At mas lalo pang nawala ang konsepto ko ng oras dahil kasama ko si Troy habang pinagmamasdan iyon. Waterfalls like that happened when heavy clouds stuck up together on a certain area. Nagkukumpol-kumpol ang mga ice crystals nila sa gitna at tila nakakabuo sila ng hole doon kung saan doon bumubuhos ang mga ulan nila. What differs it from a usual rain is that waterfalls are really concentrated on one area. At mapapagmasdan mo ‘yon sa labas nito nang hindi ka nauulalan. Paminsan-minsan lang din ito mangyayari at wala ni kahit ano’ng weather forecast ang makakatukoy kung kailan at saan ito magaganap. It’ll happens when it’ll happen. Like fate or destiny. And that’s what makes it more beautiful.

“Dahan-dahan . . .” pababa na kami ngayon ni Troy sa burol. It’s already 6:25 in the evening at may kadiliman na nga ang paligid. Thanks to our phones and to the moon and to the stars above dahil hindi kami masyadong nangangapa sa tulong kanila. Although there’s still really a bit of struggle dahil medyo basa ang mga damo at nagdudulot iyon ng matinding dulas kapag inaapakan. Maraming salamat na lang din dahil andiyan si Troy palagi sa harap ko para alalaayan ako. Hindi ako sobrang athletic at volleyball lang talaga ang alam kong laruin na sobrang dalang ko lang din malaro kaya hindi masyadong sanay ang katawan ko sa ganitong pagbaba at pagakyat ng bundok. Troy’s firm hands and arms are my only savior. Kung hindi dahil sa kanya at sa mga kamay at braso niya’y paniguradong kanina pa akong gumugulong-gulong dito.

“Saan ako aapak?” tanong ko sa kanya nang medyo may nadaanan kaming maliit na bangin. And for goodness sake, nasa may gitna pa rin kami ng burol at malayong-malayo pa kami sa baba. Medyo nahihiya na rin talaga ako sa kanya pero kinakapalan ko lang ang mukha ko. I’m such a nuisance.

“Puwede kang umapak sa paa ko,” seryoso niyang sabi. Napatingin ako sa kanya and I caught him smiling. Natulala lang ako. Hindi ko na maaninag kung ano ang suot niyang sapatos but I know na gaya ng iba pa niyang sapatos ay sobrang mamahalin din niyon, and him, telling me to stamp into it para lang makausad na kaming pareho ay sobrang nakakapagpalambot ng puso ko. Naisip ko rin na baka kung ako ang nasa posisyon niya’y hindi ko iyon ipapagawa. Iilan lang ang sapatos ko at ang apakan ang isa sa mga ito’y ikakakaputok talaga ng butsi ko. Bukod sa ayaw kong masira at madumihan ang mga iyon ay ayaw ko ring masaktan ang mga paa ko. That’s why Troy offering this thing to me just makes me fall in love with him more.

At tanong ko nga lang pala: May hangganan ba ang pagibig? I mean, napupuno ba ito gaya ng tubig sa baso? Or is it endless like the sea and rain? Kailan mo masasabing sakto na ang pagibig na nararamdaman mo? At kailan mo masasabing punong-puno ka na?

Huminga lang ako ng malalim. At kahit medyo madilim ay tumitig lang ako sa kanya. “Huwag na. Ayaw kong marumihan ang sapatos mo. Alam kong mamahalin ‘yan.”

“Okay,” aniya tapos nagulat na lang ako nang inapakan niya iyon gamit ang kabila niyang sapatos, “Madumi na. Puwede mo nang apakan,” aniya, “Hindi ka na rin magi-guilty kasi ako ang unang umapak,” dagdag niya.

Mas lalo lang lumambot ang puso ko. “Sira ka talaga,” marahan kong sabi ko sa kanya, “Aside sa madudumihan ko ‘yan, masasaktan ko rin ang paa mo. Ayaw kitang saktan,” dagdag ko.

He just chuckles. “You really love me, Sig, right?”

Pinamulahan ako agad.

“Ayaw mo akong madumihan. Ayaw mo rin akong masaktan. Mahal mo nga ako,” dagdag niya.

Nag-iwas agad ako ng tingin sa kanya. Yumuko at napatitig lang sa mga damo. “Aish! Tumigil ka na nga!” Kanina pa kami sobrang cheesy, or let’s say, parang araw-araw na lang yata kaming cheesy sa isa’t isa at hindi naman sa naiilang ako, it’s just that I’m still not used to this at may tendencies pa rin akong hindi tanggapin ang ganitong ka-cheesy-han kahit na . . . kahit na gustong-gusto ko naman talagang ma-experience ang ganitong bagay. I just love it so much when Troy teases me. Umiiwas lang ako palagi pero sa totoo niyan ay halos mamatay-matay na ako sa kilig sa bawat salita at galaw niya.

“Sige na. Apakan mo na lang ako. Ayos lang talaga. Gabi na rin at for sure, hinahanap ka na ng mama mo,” aniya.

But still, may hesitations pa rin ako. I just really don’t want to cause mess to him or hurt him. Hindi ko ikakapanatag kung sakaling madumihan o hindi kaya’y masaktan ko siya.

“It’s really alright, Sig. Trust me. Hindi ako magagalit. Hindi ako magtatanim ng sama ng loob sa ‘yo. Sige na. It will even become a pleasure on my part kung sakaling tapak-takapan mo man ako.”

“Sira!”

Natawa lang kaming pareho.

Marahan niyang kinurap ang mga mata niya. “Sige na.”

Inilahad niya na rin ang kamay niya sa harap ko. Tinitigan ko lang iyon at inilakbay ko lang paakyat ang paningin ko. Right from his palm towards his veiny arms hanggang sa makarating ako sa braso niya, biceps, balikat, leeg, adam’s apple, jaw line, and fuck, his lips, and then his nose, and then his eyes . . . his eyes . . . his eyes . . . para akong nahipnotismo nang makita ko ang mga mata niya. I suddenly feel extremely hot too. Sobrang lamig naman dito sa burol ngunit pinagpawisan ako bigla. And I really think that I’m becoming this like because I am . . .  I am . . . fucking horny.

“Troy, puwede bang . . .” Matapos ang ilang sandaling pananahimik, sa wakas ay nagsalita na ako. Yet the words I want to say seemed to be choking me right away. Gusto ko na silang ilabas ngunit bumabalik sila sa tiyan ko para magtago. “Puwede bang . . .”

“Yes, Sig?” He’s still smiling and his smile is really making me blush so hard.

“Puwede bang i-piggy back right mo na lang ako, Troy? Kaysa sa madumihan kita o hindi kaya’y masaktan. Kargahin mo na lang ako. O-okay lang ba ‘yon?” I managed to tell him.

Akala ko ay pagtatawan niya lang ako o hindi kaya’y bibigyan niya lang ako ng alibi pero nagulat na lang ako ng bigla siyang yumuko sa harap ko para tuparin ang hiling ko.

“Sure. Hop in.”

***

Drunk In ShinjukuTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon