Troy
“Naku, mga apo! Sobrang laki na po talaga ng sira ng camera ito. Baka matagalan pa po bago ko ito maayos ng tuluyan. At hindi rin po ako sigurado kung maayos ko ba talaga ito,” paliwanag sa kanila ng matandang babaeng technician nang ipinakita ni Sig ang camera nito rito. Nakarating na sila sa loob ng mall. Wala na roon ang unang umayos sa camera ni Sig noong pinaayos nila ito dati kaya dito na lang sila nagpunta.
Napatingin si Troy kay Sig pagkatapos. Sig’s staring at its camera na ngayon ay hawak na ng matandang babaeng techinician. And Troy can tell how sad Sig is.
“Gusto mo pa rin bang ipayos ang camera mo, Sig?” tanong niya rito.
Huminga ito ng malalim. This time, napatingin na rin ito sa kanya, “I want to try. Regalo ‘yan sa akin ni Papa kaya gusto pang gamitin ‘yan ng paulit-ulit. I want to take more pictures of you using that camera,” anito sa kanya.
Troy just smiled at him. He immediately handed an advance cash towards the lady technician. Tinanggap iyon ng matanda. Dinilaan ang mga daliri, binilang at nang matantong tama lang ang halaga ay nilagay na nito ang perang ibinigay niya sa isang lata ng Bonakid.
“Let’s go . . .” Hinawakan na ni Troy ang kamay ni Sig at umalis na sila doon. Maraming studio sa mall pero wala iyong tipong nagpapa-renta per hour for using their equiments. Lumabas sila roon matapos mabigong makahanap ng ganoong klase ng studio. Ginalugad nila ang buong city and finally, by eleven o’clock in the morning, nakahanap na rin sila ng studio na may ganoong patakaran.
“Oh?” Pareho silang nabigla ni Sig nang makita nilang pareho ang sumalubong sa kanila sa information desk. Isang lola na kamukhang-kamukha ng technician na nasa mall kanina.
“Usually mga Hijo, kami talaga ang kumukuha ng pictures pero dahil iyon ang gusto niyo, feel free to use our studio, pero siyempre, magbayad muna kayo,” anito, umagik-ik pa na may halong garalgal at pagkatapos inabot na sakanila ang lata ng Bonakid na lalagyan nito ng pera.
Troy immediately put a cash there. Tiningnan iyon ng matanda, inamoy at nang makontento’y pinapasok na sila sa loob ng studio.
“Kamukha niya talaga iyong technician na nasa mall kanina,” pabulong na turan ni Sig sa kanya noong ginigiya na sila ng matanda papasok sa loob. Sa receiving area ay puro antiques lang ang makikita roon na may kinalaman sa photography ngunit nang makapasok sila sa loob ng mismong studio ay nalula na lang sila sa mga nadatnan nila roon.
A very wide space for the photoshoot. Complete lightings. And high-grade cameras and monitors.
“Alam niyo ba kung paano mag-set-up?” tanong nito sa kanila.
Agad na napatingin si Troy kay Sig. Mabilis na tumango si Sig sa matanda. “Ah, yes po, Lola. Alam ko po.”
“Kung ganoon, maiwan ko na kayo. May mga staff ako sa office ko kaya puntahan niyo lang ako sa information desk kapag nagkaroon ng aberya o hindi kaya ay may kailangan pa kayong mga gamit,” anito sa kanila.
Sabay silang tumango ni Sig.
Aalis na sana ito nang binalikan sila agad nito ng tingin. “I see you. May CCTV rito sa loob. Kaya hanggang photoshoot lang ang puwede niyong gawin. Bawal ang maglampungan.”
Natawa lang si Troy sa sinabi ng matanda. It seems like she knows their fetish. Palihim niyang sinampal si Sig sa puwit nito. Namula lang ito dahil sa ginawa niya. Hindi nagtagal, iniwan na rin sila ng matanda roon.
Sig blushes more when he faced him.
“Why do you kept on blushing? Alam mo ba kung gaano ka ka-cute kapag nagba-blush ka? You’re making things harder for me, Sig!” reklamo ni Troy.
BINABASA MO ANG
Drunk In Shinjuku
RomansaSome get lost, some are found. But most of the time, people get drunk in Shinjuku. *** Moving into the university's dormitory as a first-year marine engineering student, Sigfred Renz Ronquillo stumbled upon a familiar guy whom he awkwardly met last...