Troy
Mabagal ang takbo ng oras. Sobrang bagal. At dahil nga sa sobrang bagal nito’y panay na lang ang pag-click ni Troy sa ballpen na hawak niya. Wala na rin sa ayos ang kanyang pagkakaupo dahil halos humiga na siya sa kanyang silya. Palakad-lalakad lang ang kanilang professor sa harapan habang may nililintanyang kung ano. Sa oras na ganito, 7:30 p.m. ng gabi, kung hindi gutom ay madalas antok na ang nararamdam niya at ng mga kakalase niya. But what Troy’s feeling right now is way-way different. At sa pagkakantda niya’y ngayon lang din siya nakaramdam ng ganito. He feels an intense amount of impatience. Dahil doon, mas bumilis pa ang pag-click niya sa hawak na ballpen.
“Mister Troy Rances Beltrance? Can you please stop clicking your pen? You are interrupting my class. Kung gusto mo, puwede ka nang lumabas.” Bigla siyang napahinto nang sitahin siya ng professor niyang iyon sa Maritime Law. Si Attorney Berlin. Nasa mid 50’s na ito at kahit may puti na ang buhok ay sobrang ganda pa rin ng pangangatawan. Marahil dahil dati itong nasa Philippine Navy kaya walang masyadong bisyo at naalagaan lagi ang pangangatawan.
Tumayo si Troy para humingi ng paumanhin. “I’m very sorry, Sir.”
“It’s alright, Mr. Beltran. You can take your seat. But before that, can you tell me the reason why you keep clicking your pen?” tanong nito.
Natigilan si Troy. Ano nga ba ang dahilan? Si Sig? Dahil naghihintay ito sa kanya ay pakiramdam niya ay kailangan niyang magmadali para makita itong muli? Pero hindi niya puwedeng isagot iyon. That thought is just too personal that he’d like to keep it for his own self. “It’s just that your class is a bit boring, Sir,” aniya. He half-lied.
Natawa ang mga kaklase niya. Ganoon din si Attorney Berlin.
“I admire your honesty, Mr. Beltran. You may take your seat,” nakangiting nitong sabi. Walang kasing aliwalas ang mukha nito habang pinaupo siya.
Nang mag-umpisa naang klase nila para sa subject na ito, bilin na sa kanila ni Attorney Berlin na palaging maging honest sa kanya kapag nawawalan na sila gana sa discussion niya. Sabi rin kasi nito na may tendency daw talaga itong magpatuloy lang sa pagdi-discuss kahit wala ng nakikinig. Nakuha raw ni Attorney Berlin ang ugaling ito noong nasa Philippine Navy pa ito. There are those sleepless nights na kailangan niyang paulit-ulit na mag-report ng mga legal issues sa boss niyang nasa taas ng ship. Mahaba at binabasa niya lang ang report nia kaya kahit antok na antok na ay salita pa rin siya ng salita. Nadala niya ang ugaling ito sa pagtuturo kaya hinihingi niya lagi ang pangunawa ng kaniyang mga estudyante. And that every time they feel like he’s talking shit in front of the class ay sabihan lang daw siya lagi so that he can be aware of it and that he can immediately adjust. He will be thankful for it and he will not take it personally.
“I felt bored with my discussion too at tutal ay mababasa niyo naman ang lahat ng mga pinagsasabi ko sa libro,” Attorney Berlin pauses a bit. Natawa si Troy at pati na ang mga kaklase niya, “Let me tell you a real-life story na mas lalo pang magpapaantok sa inyo.” Natawa silang muli at inumpisahan na nga ng kanilang professor ang pagku-kuwento nang humilig ito sa sariling table na nasa harapan.
What he shared with them was its extra-marital affair sa kapwa nito officer sa Philippine Navy. And what’s shocking was that kapareho nitong lalaki ang naging kalaguyo nito. “I was on my early 30’s habang siya naman ay kakatapos lang mag-college. He’s just 22. I was 34. Palagi kaming nasa opisina para i-review ang mga documents doon. Dalawa lang kami lagi roon at nakakalabas lang kapag tapos na ang trabaho, which is ganitong mga oras. 7:00-8:00, 9:00-10:00. At ang pinakamadalas nga naming puntahan ay ang ibabaw ng ship. Para kumain, minsan para uminum at minsan ay para manigarilyo. Madilim doon pero maalon kaya nakakagaan pa rin sa pakiramdam kapag nagagawi kami roon.”
BINABASA MO ANG
Drunk In Shinjuku
RomanceSome get lost, some are found. But most of the time, people get drunk in Shinjuku. *** Moving into the university's dormitory as a first-year marine engineering student, Sigfred Renz Ronquillo stumbled upon a familiar guy whom he awkwardly met last...