Sigfred
Nag-panic ako agad nang pagkagising ko ay nadatnan kong wala na si Troy sa tabi ko. Inakala ko rin na panaginip lang ang lahat ng nangyari kagabi, that all the making love, the kisses, the bites, the different positions and the orgasms were just hallucinations pero nang makita ko ang mga pasa at kagat ko sa katawan pati na rin ang nabaling haligi ng aking kama, napagtanto kong totoo ang lahat ng nangyari. I traced for Troy’s remnants at ang tanging natagpuan ko lang ay ang hoodie na pinahiram niya sa akin kagabi. Bukod roon ay nasa katawan ko na ang iba pang palantandaan. His love bites. His intense love bites scattered around the different parts of my body. Mayroong naroon sa aking hita, mayroon din sa aking tiyan, sa aking rib cage, sa aking braso at tila may iisang naligaw din sa aking leeg. I can still smell his natural scent on my body too at kahit ang iilang mga pasang nararamdaman ko sa katawan ko ay nagpapatunay lang na nandito siya kagabi at may nangyari sa amin sa panahong iyon. The problem is just that, I couldn’t find him nang magising na ako. Nasanay na akong nasa tabi ko na siya sa mga pagkakataong nagigising ako kinaumagahan matapos ang mga gabing may nangyayari sa amin. That way, mas naiibsan ang sakit na dulot ng mga pasa sa katawan ko. That’s why waking up without seeing him, really feels so sad. Napabuntong hininga pa ako nang madatnan ko ang sarili kong wala pa ring saplot. Buti na lang at hindi basta-bastang pumasok sina Jen at Mama. Mabuti na lang.
Umupo na ako sa bed sheet na hinigaan namin kagabi at napakamot na lang ako sa aking ulo nang makita ko ang iilang white stains doon. Hindi ko na ma-determine kung alin ang akin at alin ang kay Troy doon but it really looks messy. Hindi puwedeng si Mama o hindi kaya ay si Jen ang makalaba niyon kaya pinulot ko na lang iyon, tiniklop, nilagay sa basket at siniksit sa loob ng aparador ko. I’ll just wash it kapag nakaaalis na si Jen mamay pati na rin si Mama. Mahilig gumala si Jen sa kapitbahay kaya paniguradong makakahanap ako ng pagkakataong malabhan iyon. Ganoon din kapag umalis saglit si Mama para mamalengke o hindi kaya’y makipag-tsismisan sa kapitbahay. Bukod sa paglalaba ay aayusin ko rin itong nasira kong kama.
Speaking of that thing, hindi ko na matandaan kung gaano ka-intense ang nangyari sa amin kagabi ni Troy but it must have been intimately fierce. Gawa sa mahogany itong kama ko at sa ilang taong kong paghiga rito ay ngayon lang ito nasira. Oh well, hindi ko lang naman kasi ito hinigaan last night. Dito naganap ‘yong first round namin ni Troy kagabi.
Bago pa ako madatnang hubo’t hubad dito sa kuwarto ko, nagsuot na ako agad ng boxer shorts. At dahil sa bahay lang din naman ako maglalagi buong araw ay puting sando lang din ang pinares ko rito. I really look thin sa suot kong ito pero ayos lang kasi nasanay naman sina Mama at Jen na makita akong ganito. And well, pati na rin si Troy.
Uupo pa sana ako sa kama pero mabilis ko rin namang natandaang sira nga pala iyon kaya humilig na lang ako roon sa pader. Sobrang lutang ako ngayon ay hindi ko alam kung dala ba ‘to nang nangyari sa amin ni Troy kagabi o dala ng kulang sa tulog o baka ng pareho. Yet, despite of being absent-minded and drowsy, nagawa ko pa ring kalikutin ang phone ko para buksan iyon.
Agad na bumungad sa aking ang wallpaper namin ni Troy na iilang buwan ko nang hindi napapalitan. Somehow, in some ways, nagagagawa pa rin ako nitong pangitiin kahit palagi ko itong nakikita. There’s still a magic on that wallpaper that’s making me smile. Siguro ay dahil na rin sa kalakip na memory ko sa wallpaper na ito.
It’s our doufie in na kuha pa noong welcome party for freshmen. It was the same night na in-offer-ran niya akong maging photographer. Kaparehong gabi rin na nalasing siya sa welcome party na iyon at naging kargo de konsensya ko pang alalayan siyang makabalik sa unit niya.
“Kuya, Sig? Umalis muna saglit si Kuya Troy, sabi niya may kukunin lang daw siya sa bahay ng kaibigan niya. Babalik din daw siya agad.”
Kamuntikan pa akong mapatalon nang biglang nagbunganga ang kapatid kong si Jen sa labas.
BINABASA MO ANG
Drunk In Shinjuku
RomanceSome get lost, some are found. But most of the time, people get drunk in Shinjuku. *** Moving into the university's dormitory as a first-year marine engineering student, Sigfred Renz Ronquillo stumbled upon a familiar guy whom he awkwardly met last...