Note: This is the final chapter of Drunk In Shinjuku. There's still a two-part epilogue after this. Thank you for staying with me until the very end. 'Till the next story!
xo,
JoeyJMakathangIsip***
TroyIt’s already May 1 and Sig’s birthday is already coming on the fifth day of this month. Meaning, may apat na araw na lang na natitira si Troy para makapaghanda sa papalapit na kaarawan nito. He had not yet decided kung ano ang ire-regalo niya rito. Sa palagay niya rin kasi ay naubusan na siya ng idea dahil sa bawat monthsary nila ay nire-regaluhan niya ito lagi. He’d already given Sig a couple shirt, a poetry book, a fountain pen, scented papers, at marami pang iba. Madali lang din kasing paligayahin si Sig kaya hindi rin naging problema sa kanya noong una ang pagiisip sa kung ano an mga ire-regalo niya rito. Iyon nga lang, dahil sa pagiging simple ni Sig, ngayon ay tila nahihirapan na siyang makapagisip kung ano ang ireregalo niya rito.
It’s Sig birthday kaya dapat ay espesyal, dapat memorable.
Hindi pa rin umaahon si Troy sa pool. He’s still on the middle with it, at sa katunyan nga ay siya ang nangunguna sa mga kasama niya roon. He’s swiftly doing it using a butterfly stroke at maya-maya nga ring may nagchi-cheer sa kanya sa bleachers. Yet, he didn’t mind them all. Isang tao lang naman kasi ang nasa isip niya ngayon. It is Sig. And it will be forever Sig.
“Ha!” pagkaahon ni Troy sa pool ay agad siyang lumanghap ng hangin.
“Mr. Beltran! You are not doing it properly! Maaring naging mabilis ka sa pagpunta mo rito, pero maling-mali na hinding-hindi ka huminga in between!” sita ng coach niya sa kanya.
Tumango lang si Troy at muli nang bumalik sa paglangoy. He’s in his summer class right now, at preparation nga ito for his upcoming OJT---ang pagsampa niya sa barko. Nagkataong swimming ang pinapagawa sa kanila ngayon, but there some days doon na pinagaaralan nila ang ship navigation at ang kung ano-ano pang patungkol sa pagpapatakbo ng sihp The preparation was quite intensive na minsan nga ay umaabot pa sila ng gabi kaya may mga pagkakataon din talagang hindi niya nakikita si Sig.
Sig is taking a summer class too. Most of its subjects are advance subjects which is commendable for Troy kasi kahit siya ay hindi ginagawa ang bagay na iyon noong nasa lower year pa siya. At ang dahilan ni Sig kung bakit nito ginagawa ang bagay na iyon ay para mapaikli ang school year niti nang sagayon ay maging mas mabilis din ang pagsampa nito sa barko.
This school year, Sig might already complete its second year and third year subjects at baka sa susunod nga na taon ay makasampa na ito sa barko.
Kung mangyayari iyon, they will only be apart for one year, and after that, magkakasama na silang maglalayag sa buong mundo.
Pagod na pagod si Troy nang umahon na siya sa pool. He’s only on trunks when he gets out from there kaya panay tili lang din ang mga nakakita sa kanya sa bleachers.
Nang makarating siya sa locker room, napangiti na lang siya nang makita niya si Sig doon, nakasampa ang likod sa locker niya at nagbabasa ng libro.
“Hey . . .” aniya nang agad niya itong nilapitan.
Sig looks at him at napangiti lang din ito nang makita siya. Binalik ni Sig ang libro sa bag nito at nang matapos ay binigyan lang siya nito ng towel.
“Bihis ka na. Dinner tayo,” ani Sig sa kanya sa pinakamarahang paraan.
Tumango lang si Troy at nang matapos ay lumabas na nga silang dalawa ni Sig doon. Dahil sa tagal nilang hindi nagkita, nagkaroon bigla ng kaonting pagkailang sa pagitan nila. They’re already on the sidelines of the university, walking side by side, pero wala pa ring nagsasalita sa kanilang dalawa.
“So, this is it?” tanong ni Troy kay Sig.
Napalingon ito bigla sa kanya habang nasa gildi sila ng daan.
Hinarap niya ito. “Ganito pala ang mangyayari kapag nagkalayo tayo ng ilang araw. I wonder what will happen if nagklayo tayo ng isang taon.”
Sig’s eyes suddenly welled-up dahil sa sinabi niya.
Huminga si Troy ng malalim. Nilapitan niya ito until they’re already very close with each other. Palubog na ang araw at medyo madilim na rin ang paligid ng kaonti. Nasa kalagitaan sila ng mga nagtatayugang infrastructures kaya hindi na rin sila abot ng nagpapaalam ng liwanag ng araw. Laking tulong na rin ng mga ilaw na lang dumadaang sasakyan at mga poste sa paligid para maaninag nilang pareho ang isa’t isa. The establishments around them looks tacit too, marahil ay dahil summer kaya’t maagang nagsasara ang iba.
“But don’t worry, Sig . . .” Dinikit ni Troy ang noo niya rito, “I will try very hard to reach out to you from time to time. I won’t let distance break what we’ve already built.”
“Sorry din kung hindi ako kumibo. Medyo pagod lang but I really feel the same too,” ani Sig sa kanya. “Gagawin ko rin ang lahat hindi lang maputol ang ugnayan nating dalawa. Mahal na mahal kita, Troy.”
Napangiti si Troy sa sinabi nito, hinalikan niya lang si Sig sa mismong spot na iyon ng daan at dahil maaga na ngang nagsara ang mga establishments na naroon ay napagdesisyunan na lang nilang pareho na magpunta sa Shinjuku.
Troy had already sold his car dahil wala na rin namang gagamit nito kapag umalis na siya at saka he needs a bit of money too kaya malaki rin ang naitulong ng halagang nakuha niya roon pandagdag ng savings niya.
Sig remained his photographer and despite of what his Dad did, may mangilan-ngilan pa rin naming gustong kumuha sa kanya bilang model and ambassador kaya kahit papano ay kumikita pa rin silang pareho sa side gig na iyon.
They rode a cab there but to their disappointment, sarado na rin ang Shinjuku nang makarating sila roon.
“Bad timing,” ani Troy, natawa na lang.
“Sa tingin, good timing pa rin naman,” ani Sig sa kanya.
Napatingin siya rito. Its beautiful face is being illuminated by the orange rays of the dying sun.
“We can still walk and have a good talk. Para mabawi natin ‘yong mga araw na hindi tayo nakapagusap,” paliwanag ni Sig sa kanya.
Troy thinks it’s a good idea kaya nagsimula na silang maglakad-lakad doon.
Shinjuku’s on the top of the hills ngunit sa hindi kalayuan niyon ay mas matatayog pang bundok, that’s why when Troy and Sig walked there, mas lalo pa nilang nakita ang ganda ng sunset.
Unlike the previous sunset that they have seen, this one looks a bit different. Tila dystopian ang dating nito dahil sa kulay na pinipinta ng araw sa langit at pati na rin sa buong paligid. It’s deep orange that it’s almost red.
Sig and Troy just talk and talk there. Tawa rin sila ng tawa sa mga binahagi nila sa isa’t isa. They both felt warm again.
When they passed through a bridge, napagdesisyunan ni Troy na tumigil sa gitna. Napatigil din si Sig at pagkatapos ay napaharap sa kanya. The dying sun is already between their face at any time ay tuluyan na nga itong magpapaalam. The background around them just looks very lonesome too---mga kabayahan, mga puno, mga buildings, mga ibon na umuuwi na sa kani-kaniyang pugad. The river below them kept flowing and its currently meeting the sea nearby kung saan sa dulo niyon ay doon na rin lumulubog ang araw.
“Let’s dance,” yaya niya kay Sig. “Let’s dance for a while,” dagdag niya rito.
Natawa lang si Sig sa sinabi niya ngunit hindi naglaon ay sumang-ayon din naman ito sa gusto niyang mangyari.
Troy held Sig’s hand at nilagay niya naman ang isang kamay nito sa balikat niya. While his other hand, he puts it on Sig’s waist. And without any song but only their random laughter and sweet chuckles, they started swinging their bodies in the summer air as if it was their first and lance dance.
***
BINABASA MO ANG
Drunk In Shinjuku
RomansaSome get lost, some are found. But most of the time, people get drunk in Shinjuku. *** Moving into the university's dormitory as a first-year marine engineering student, Sigfred Renz Ronquillo stumbled upon a familiar guy whom he awkwardly met last...