TROY
"You're a great shame to our family! Your great-great grandfather is a Fleet Admiral in the Philippine Navy! Your grandfather's a Colonel, and me, ano ako? Sabihin mo, ano ako?!!" Kahit tatlong taon na ang lumipas, rinig na rinig niya pa rin ang sigaw na iyon na nanggaling sa mismong Dad niya.
"A piece of trash?" sagot niya rito. Nanginig ang mukha ng Dad niya dahil sa sagot niya iyon. Hindi naglaon, sinuntok siya nito ng paglakas-lakas. Tumilapon siya sa sa sahig, at imbes na dumaing sa sakit, ay sarkastiko lang siyang natawa.
"Tama na! Tama na!" Mariing naipikit ni Troy Rances Beltran ang mapupungay niyang mga mata nang marinig ang paghihignagpis nang kanyang ina. Nilapitan siya nito't mismong sarili nito ang ginawang panangga sa nagnganalit niya pa ring ama. Nadurog ang puso niya sa pangingialam ng Mom niya. She's been sick for almost a month that time at magiilang araw na rin itong halos hindi makakain dahil sa sunod-sunod na chemotherapy. She has a stage 3 lung cancer at sabi ng doctor, buwan na lang daw ang itatagal nito.
At first, Troy couldn't believe it. Her mother's a good person. Wala siyang matandaang pagkakataon na may inagrabyado itong tao. Her mother's the sole heir of Sonic Company. Isang kompanyang nagpo-produce ng mga yate dito sa Pilipinas. Bagama't nag-declare na ito ng bankruptcy simula nang magkasakit ito, maya't maya pa ring itong dinadalaw at kinukumusta ng mga dating empeyado, palatandaang bukod sa naging mabuti itong boss ay mabuti rin itong tao. She's also a loving mother sa kadaliwang dalawa ng ate niya. Kahit busy, hindi ito nawalan ng oras sa kanila.
"You're Lieutenant Commander, Greg! And the rest of your cousin's just like you. Successful and has high-ranking positions in the government. Pero kailangan din bang sumunod ni Troy sa yapak mo? Our son doesn't want to be a part of the navy! He has his own dreams!"
Tumayo na si Troy. He tried to stop his mother pero ayaw nitong magpapigil.
"And what is his dream, Alessia? Ang maging katulad ng ama mo na gumagawa ng mga yate? Our son's going to be a businessman? Just like you and your father? At pagkatapos ano? Malulubog sa utang?"
Mas lalo pang naipikit ni Troy ang mga mata niya."Are you even listening to yourself? Kung wala ang business ni Papa na siyang pinagpatuloy ko, hindi mo mabibili ang lahat ng luhong tinatamasa mo ngayon at pati na ng mga babae mo!" Muling humagulgol ang ina niya.
"Fine! If that's what he wants, gawin niya ang gusto niya. But the very moment he'll decide to do it, he'll no longer become my son. Tandaan mo 'yan, Alessia."
Umalis na ang Dad niya't silang dalawa ng Mom niya ang naiwan sa kuwarto nito. He stepped forward at hinarap niya ito. Nawasak ang puso niya nang makita itong lumuluhaa kaya't para maibsan ang galit na nararamdaman ay mabilis niya itong niyakap. "Tutuparin ko ang pangarap nating dalawa, Ma. At pinapangako ko ring magbabayad si Dad at ang mga babae niya sa ginawa nila sa 'yo. Pinapangako ko 'yan."
Days went by, mas lalo pang naging malala ang kondisyon ng Mom niya. At habang nangyayari iyon, Troy started having flings with bitchy girls. Habang nag-aaral sa kursong marine engineering, naging side line niya ang pambababae. His main target are the ones that are already taken pero lumandi pa rin sa kanya. Sa mga babaeng ito niya naaalala ang mga naging kabit ng Papa niya.
Ang mga ito rin ang madalas na gumagawa ng first move kaya mas nagiging madali lang ang lahat sa kanya. With a minimal effort, mabilis niyang napapaibig ang mga ito. At kapag nangyari na iyon, agad-agad niya nilalaglag ang mga ito sa pamamagitan din ng pagchi-cheat.
"You're sick in the head, Man. One day, may makikilala kang babae na siyang babawi sa lahat ng mga kagaguhang ginagawa mo," ani ng bestfriend niyang si Kristensen Jeter Evangelista habang nasa loob sila ng isang bar.
BINABASA MO ANG
Drunk In Shinjuku
RomanceSome get lost, some are found. But most of the time, people get drunk in Shinjuku. *** Moving into the university's dormitory as a first-year marine engineering student, Sigfred Renz Ronquillo stumbled upon a familiar guy whom he awkwardly met last...