Sigfred
I almost drooled when I saw him in our sala. Kakagising ko pa lang at sa katunayan ay napanaginipan ko pa ngas siya last night and seeing Troy here in our house totally wakes me up. Sa totoo lang ay inaantok pa ako ng kaonti dahil medyo natagalan ako sa pagtulog last night. Hinintay ko kasing mag-text siya sa akin na nakauwi na siya at when he did, doon na rin ako nakaidlip. May kasunod pa kaming palitan ng mga text na hindi ko na halos matandaan dahil sa sobrang pagkaantok pero sa pagkakaalala ko ay may sinabi nga siya sa aking ipapasyal niya ako sa araw na ito kung sakaling wala akong gagawin. Akala ko rin, nagbibiro lang si Jen noong sinabi niyang nandito si Troy, but now that I had finally confirmed it, ang gusto ko na lang gawin ay ang tumakbo sa kanya para mayakap ko siya at mayakap niya ako pabalik. Ilang oras pa lang kaming hindi nagkikita, hindi pa nga umaabot ng isang araw pero ganoon ko na siya ka-miss. At sana gano’n din siya. Iyon nga lang, kahit gaano ko pa siya kagustong mahagkan at mahalikan ngayon, hindi ko iyon magagawa sa kadahilanang pareho kaming nasa bahay ko ngayon and that my sister and mother are here completely observing us. Kung siguro’y nasa ibang lugar lang kami iyon, baka higit sa yakap at halik pa ang magagawa namin sa isa’t isa.
Troy and I both chuckles nang pareho naming makita ang isa’t isa. Yumuko agad ako para hindi makita ni Mama at Jen ang pamumula ng pisngi ko. I can’t just help it. Troy’s just awesomely gorgeous. Having him as a boyfriend feels like winning a lottery. Para akong binigyan ng panginoon ng mala-demi-god at mala-anghel na nobyo. Makita lang siya sa ganitong oras ay sapat ng pang-agahan. Sobrang sapat na.
“Sig! Pakainin mo muna ang mga bisita mo. Nagluto ako ng nilagang manok kaya bilisan mo, pakainin mo na sila at paniguradong nagugutom na ang mga napakaguwapong binatilyong ito,” ani Mama sa akin. I’m still looking at Troy, smiling at him warmly. Ganoon din kasi ang ginagawa niya sa akin. Iyon nga lang, nagkakahiyaan pa kami ng kaonti kaya maya’t maya rin kaming nag-iiwas ng tingin pero binabalik din naman agad.
“Jen! Tulungan mo muna ako sa labas, ‘yong mga paso doon, buhatin mo.”
“Pero Mama!”
Aaalma pa sana si Jen sa utos ni Mama pero nang hilain na ito ng nanay ko ay wala na itong nagawa. Bago makalabas ng bahay, kumaway pa siya kay Troy. Kumaway din si Troy pabalik tapos noong kami na lang ang natira doon sa loob ng ay agad-agad siyang naglakad patungo sa akin at nang makalapit nga siya ng husto ay niyakap niya ako ng sobrang higpit.
“Fuck it, Sig. I miss you so much!” may kasamang pagmumura niyang yahag. Sobrang lapit lang mga labi niya sa kanang tainga ko kaya noong sinabi niya iyon sa akin ay hindi ko napigilan ang sarili kong hindi makiliti.
“Ikaw lang ba?” tugon ko sa kanya. Sino bang hindi makaka-miss sa kanya? We’ve been sharing the same bed for more than two weeks already at ang matulog nang hindi siya nakakasama ay sadyang nakakapanibago. It feels strange and lonely at the same. Sa maikling panahong iyon, nakasanayan ko nang tanggapin ang yakap niya habang dahan-dahang binibisita ng antok, nakasanayan ko na ring makipag-usap sa kanya patungkol sa kung anu-anong bagay bago kami abutin ng alas diyes ng gabi, nakasanayan ko nang pakinggan ang iba’t ibang antas ng boses niya sa iba’t iba niyang emosyon---ang titigan siya sa mga mata niya, ang hawakan siya sa iba’t ibang parte ng kanyang katawan, at oo nga pala, paboritong-paborito kong hinahagod niya ang buhok ko, mas lalo akong inaantok kapag ginagawa niya iyon---at iyon nga, ang hindi maranasan sa loob ng isang gabi ang mga bagay na nakasanayan ko na kasama siya ay labis na nakakapanibago. The bed where I had sleep last night had been my bed ever since I was young but without Troy on it, para bang hindi iyon sa akin.
“Nakatulog ka ba ng maayos kagabi?” tanong niya sa akin. Hindi pa rin siya kumakalas sa yakap niya sa akin. Masyado siyang malakas para kontrohin ko kaya nagpakasasa na lang ako sa init at ligalig na dala ng yakap niyang iyon.
BINABASA MO ANG
Drunk In Shinjuku
RomanceSome get lost, some are found. But most of the time, people get drunk in Shinjuku. *** Moving into the university's dormitory as a first-year marine engineering student, Sigfred Renz Ronquillo stumbled upon a familiar guy whom he awkwardly met last...