Chapter 6

737 50 25
                                    

Troy

Umaalingawngaw pa rin sa loob ng department hall ang malakas na tugtog.

Kung kanina ay 'Bracelet' by Lauv ang paulit-ulit na pini-play at mini-mix ng disc jockey, ngayon ay 'Where Is Your Boy?' naman ng Fall Out Boy ang umaalingaw-ngaw doon. It's a club banger song at sobrang dami ang napapasayaw dahil dito, yet Troy and Sig just remained standing there observing the crowd and observing each other and at the same time. Pareho pa rin silang magkatabi. Iyon nga lang, nakahilig si Troy sa counter habang si Sig naman ay nakatayo lang sa gilid niya at tila naiilang o hindi kaya'y naa-out-of-place. Tuloy, pinagsisihan ni Troy na bi-nlack-mail niya ito kanina na hahalikan niya ito kapag tinangka nitong umalis. He can sense that Sig already want to go back on their dorm, iyon nga lang, hindi pa iyon puwedeng manyari dahil may sasabihin pa siya rito.

Kahit medyo may distansya ay napatingin siya sa labi nito. Well, its's not bad and in fact, it's very kissable, komento niya sa kanyang isipan. Kaya't kung magtatangka talaga itong umalis ay hindi siya magdadalawangisip na idampi ang mga labi niya sa mga labi nito. Troy likes kissable lips. Gaya ng kanya. Gusto niya iyong makapal at masarap kagatin.

"Know the song?" tanong niya rito nang mapansin niyang sinasabayan nito ang kanta. Panay ang kagat niya sa labi niya, trying to destruct his own self from Sig's kissable lips.

"Just the chorus," sagot ni Sig.

Tumago-tango siya. Tinigilan niya na ang pagkagat ng labi. The chorus goes like 'Where is your boy tonight? I hope he is a gentleman. Maybe he won't find out what I know: you are the last good thing about this part of town.' at memoryadong-memoryado iyon ni Sig.

"Your boy is here," aniya kay Sig.

"Ha?" sagot nito.

"And he is a gentleman," dagdag niya.

Umiling-iling lang si Sig. Natawa si Troy. Gustong-gusto niya talagang inisin ito.

Umulit ulit ang chorus at sinabayan iyon ni Sig. "Where is your boy tonight? I hope he is a gentleman. Maybe he won't find out what I know: you are the last good thing about this part of town."

"Kumukuha ka pa rin ng pictures?" tanong niya rito nang matapos itong kumanta.

This time, napatingin na ito sa kanya. "What do you mean?"

"Gaya no'ng ginawa mo sa akin sa Shinjuku last year. Those stolen shots."

Saglit itong natahimik. "Hindi ko trip ang mga lalaki, Troy. Just like you, I'm straight. Nagkataon lang na maganda 'yong background mo ng time na 'yon sa Shinjuku kaya kinuhanan kita pictures. Wala akong crush sa 'yo, okay? At oo na, mag-a-apologize na ako. Sorry na ha? Hindi ako humingi ng permission sa 'yo bago kita kinuhanan ng picture. Masaya ka na?" anito sa kanya.

"Ang dami mong sinabi," nakangising ani Troy. Uminum siya ng pineapple juice. "At ano naman kung hindi ka straight? At ano naman kung crush mo 'ko. Cute ka naman at kisasable din ang lips mo kaya ayos lang na magka-crush ka sa akin," dagdag niya. He bites his lower lip bilang pagpipigil ng ngiti.

"Aish!" na-badtrip ulit si Sigfred na siyang ikinatuwa na naman niyang muli. Isang araw pa lang niya itong nakakasama pero gusto niya na itong makapiling lagi. Not in a romantic way though. Mahilig kasi talaga itong mang-trip si Troy at ikinasasaya niya lagi ang gawaing ito. Ganito rin siya sa mga kaibigan niyang sina Kris, Jackson at Kieser pero hindi naman pinapatulan ng mga iyon ang mga katarantaduhan that's why meeting Sig who constantly reacts with his this stubbornness just give him an unusual satisfaction.

"Ano ba . . ." reklmo ni Sig nang akbyan niya ito.

Napasimangot agad si Troy nang tanggalin ni Sig ang braso niya sa balikat. "Hey? Nakita ko si Jackson na inakbayan ka niya no'ng pauwi na kayo. Kumusta naman 'yon? It's unfair, Kid. Ayos lang 'pag siya 'yong umakbay sa 'yo tapos ako, hindi?"

Drunk In ShinjukuTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon