Chapter 51

218 20 0
                                    

Sigfred

Nginitian lang kami ni Mama. She didn't even bother saying anything. I have seen that she's already getting emotional too pero pinigilan niya lang ang sarili niya. Bukod din sa pangiti ay tinanguan niya lang din kami, nonverbally approving Troy's request na dumito muna kasama namin hanggang matapos ang semestral break.

Tinitigan namin ni Troy ang isa't isa, natawa lang kami habang nagpupunas ng luha at nang matapos ay tumayo na kaming pareho at nagpunta na sa may bodega sa likod kung saan naroon ang mga gardening tools.

Kinuha na rin namin ang mga binili niyang buto ng sunflowers at nang matapos ay bumalik na agad kami sa bakuran namin kung saan namin itatanim ang mga iyon.

The rain was pouring hard kaya halos sumigaw-sigaw pa si Mama sa pag-instruct sa amin kung saang banda namin iyon itatanim.

There was still a vacant lot beside the gate kaya doon namin iyon tinanim.

Si Troy ang nagbungkal habang ako naman ang naglagay ng mga buto sa butas. He digged a total of eleven holes na hindi rin naman masyadong kalaliman at sapat lang para maitanim ang tig-a-apat o tig-li-limang buto. Ako na rin ang naglagay pabalik ng mga lupa at nang matapos ay muli na lang naming hinarap si Mama. She gives us two thumbs up at niyakap nga lang namin ni Troy ang isa't isa for a job well done.

"Tara na." Hinila ko na siya sa palapulsuhan noong natapos na kami. I was about to walk with him pero hindi ko nagawa sa kadahilang hindi ko siya mahila-hila dahil nanatili pa rin siyang nakahinto sa kinatatayuan niya.

Bumubuhos pa rin ang walang kasing lakas na ulan kaya basang-basa pa rin kaming pareho. Tinitigan ko siya sa mga mata niya. He's just staring at me with a hint of a smile on his very gorgeous face kaya agad ko na siyang tinanong kung ano'ng problema.

Umiling-iling lang siya. "Nothing." Yumuko siya ng kaonti as he gives me an under look. "It's just that I am very happy right now, Sig. Aside from the fact that your mother and sister is already aware about us, masaya rin ako dahil first time kong mabasa ng ganito sa ulan."

Natawa ako sa sinabi niya. "Weh? Seryoso? 'Di mo pa nararanasang magtampisaw sa ulan? Kahit isang beses?"

Umiling-iling lang ulit siya. "This is really the first time."

Huminga ako ng malalim. Sabaagy lumaking rich kid ito kaya baka hindi niya talaga iyon naranasan. Pero ayos lang. Kung hindi niya pa nararanasan, e 'di ako na lang ang magpaparanas sa kanya. "Alright, since this is your first time, sagarin na natin at itodo na natin ang pagkabasa mo ng ulan."

Binigyan niya lang ako ng clueless look. Kinuha ko lang sa kanya iyong gardening tools. Binalik ko iyon sa bodega at nang makabalik ako sa kanya ay hinila ko lang siya palabas ng vicinity namin.

"Hey? Sig? What are you doing?" aniya noong sinara ko na 'yong gate. Binalikan ko lang ng tingin si Mama. Kinawayan ko siya at ganoon lang din ang ginawa niya sa akin.

Nang matapos, ibinalik ko na agad ang atensiyon ko kay Troy. "Ginagawa namin 'to ni Jen dati pati na ng mga kababata namin. Kapag may bagyo o masama ang panahon, nagtatampisaw kami sa ulan."

Hinawakan ko agad ang palapulsuhan niya.

"You mean . . ." tanong niya.

Tumango lang ako bilang pagsang-ayon sa kung ano man ang nasa isip niya.

"Tara!" maligalig kong sigaw and this time, nagpahila na talaga siya sa akin. Magkahawak pa ang kamay namin noong una pero hindi naglaon ay naghiwalay din naman kami.

"Pisti!" pagmumura ko ng makainum ako ng tubig ulan. He splashed some rain on me at napunta nga ang lahat ng iyon sa bibig ko.

Tawang-tawa lang si Troy sa sa ginawa niya sa akin kaya sinubukan ko agad na bumawi sa kanya.

"Catch me if you can!"

Tumakbo siya kaya hinabol ko siya agad. "Huy! Hintay!"

Napakabilis niya tumakbo kaya binilisan ko rin ang mga paa ko.

Takang-taka lang iyong mga tao sa mga bahay rito sa subdivision namin. For sure, most of them had already thought that Troy and I had already gone mad. Na sa edad at sa tangkad naming ito ay hindi na dapat namin ito ginagawa. But aren't we all children way back then? And does growing old really means abandoning what we are before? Or is that we remained children inside pero dahil tumatanda na ay natututo lang tayong itago ang parteng iyon ng pagkatao natin dahil iyon ang hinihingi ng lipunan? Of course, we need to grow up too pero hindi ibig sabihin niyon na kailangan na rin nating abandunahin ang kung sino man tayo dati. Life is tough, and the only way to cope up with its hardship is to constantly remind ourselves that we were once and we will always remain as kids. That we can only take things one at a time. And that on the days that we feel like the world is falling on our feet, we shouldn't feel guilty breaking down. Minsan ay kailangan din nating mabasag para muli tayong mabuo ng paulit-ulit.

Tawa lang ako nang tawa kay Troy nang mapakain ko siya ng alulod nang hindi sinasadya. Nakahawak lang ako sa tiyan ko habang pinagtatawan siya. Iyon nga lang, natigilan ako nang biglang may yumakap sa akin nang biglang kumulog ng walang kasing lakas.

Pagkurap ko ng mga mata ko, nadatanan ko na lang ang si Troy na nakayakap na sa akin. We're still in the middle of the streets. Kabahayan lang ang nasa paligid namin at kung hindi mga poste sa paligid at mga buhol-buhol na kable ang kasama niyon ay mga garbage can, mga naka-park na sasakyan at mga pananim lang din na nasa paso ang makikita roon. Each gate of the house there our close kaya tila solo lang namin ni Troy ang lugar na iyon.

"Sig. . ." he murmured my name. Bakas sa mahina niyang pagbigkas ng pangalan ko at takot ang pangamba. He's trembling a bit too.

"Bakit?" tanong ko na hindi ko alam kung tama ba. I can really feel that the thunder really scares the hell out of him at wala akong ideya kung paano maiibsan ang takot niyang iyon. That's why I immidiately went to my last resort which is asking the reason kung bakit siya nagkakaganoon. Maikling tanong lang bakit pero malayo ang nararating ng mga tanong na iyon.

"I-I'm scared, Sig." This is the very first time that Troy had opened something to me about a certain weakness of him. Palagi ko siyang nakikitang palaban at hindi natitinag sa kung ano. And him, doing this to me, telling me he's scared, makes me want to protect him too.

"I'm just here. Don't worry. Nandito lang ako," I told him habang nakayakap pa rin siya sa akin. Nandito lang ako. Palagi. Gaya ng palagi niyang ginagawa sa akin. I will never let him go.

***

Drunk In ShinjukuTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon