Chapter 12

769 53 8
                                    

Troy

“Bakit may mga nagaabang sa kanyang mga babae?” Iyon lang ang naitanong niya kay Kris nang makitang may mga babaeng naghihintay kay Sig sa labas ng hall. He’s standing next to him sa gilid ng stage. May speech kasing gagawin si Kris habang siya naman ang pinakaisapan nito na mag-operate ng hinanda nitong powerpoint presentation.

“Sino?” tanong sa kanya ni Kris na naghihintay na lang na matapos magsalita ang professor na kasalukuyang nasa stage. The hall was filled with 300+ first year marine engineering students. Mukhang madami pero paniguardong pagdating ng second sem ay mababawasan din ang ito. The general subjects are easy, ngunit pagdating core subjects pati na sa basic swimming ay doon na nagkakatalo. Wilson University is famous for its strict stand with academic excellence. Kapag pasado ka, pasado ka. Pero kung bagsak ay talagang bagsak. Mapa-anak ka man ng CEO ng isang malaking kompanya o payak na anak lang ng isang hamak na manggagawa. Iyon na rin ang dahilan kung bakit nag-o-offer ang university ng sangkatutak na scholarship. Madalas kasi sa mga estudyanteng nandito na anak mayaman ay kulelat talaga pagdating sa academics.

“That Kid.” Ngumuso siya at gamit ang mapupulang pares ng mga labi ay tinuro niya si Sig. Naka-upo ito sa left row na nasa pinakaharapan. May window sa pinaka-gilid niyon kung saan naroong kumakaway-kaway rito ang tatlong babae. Sig’s trying to entertain them too kahit na labis na distraction ang dinudulot ng mga ito.

“Why?” Nginisihan siya ni Kris. “Are you jealous?” dagdag nito.

Kumunot lang ang noo niya. “It’s just that it’s very irritating to see.”

Muli siyang napatingin doon. May kaklase si Troy na sumita sa mga ito kaya panandaliang natahimik ang mga babaeng iyon.

“Ah, nagseselos ka nga.” Tumawa ito. “Sig’s gaining attention with girls at nasanay kang nasa iyo lang lagi ang atensiyon ng mga babae, at ngayon na may kahati ka na, nakakaramdam ka bigla ng inis. At ang inis na ‘yon, first stage pa lang ng jealousy. Lalala pa ‘yan kapag nakita mong mas dadami pa ang hahanga kay Sig.”

“That’s nonsense,” sagot niya habang nakatitig lang kay Sig. Kahit kailan ay hindi naging uhaw si Troy sa atensiyon ng mga babae. Infact, they disturbed the hell out of him. Lalong-lalo na iyong mga baliw na baliw sa kanya na kapag nakikita siya ay parang nasasapian. Troy can’t understand them too kung bakit parang santo na lang ang turing ng mga ito sa kanya kung gayong hindi lang naman siya ang guwapo sa mundo. It’s actually a double edge sword dahil ito rin ang mga sumusuporta sa kanya on line. Yet at the same time, nakakawala rin ng privacy minsan. Kumain lang siya dito o diyan, pini-picture-ran na siya agad. He can’t even clean his nose every time that he wants to.

That’s why in regards with what Kris had told him that he’s jealous that Sig’s already gaining attention from his former fans is just a pure nonsense. Kahit pa mapunta kay Sig ang lahat ng nababaliw sa kanya ay ayos lang.

It’s just that he hates the fact that Sig is giving them the attention he thinks those girls doesn’t deserve. Ang gusto niya lang kasi, nasa kanya lang ang atensiyon nito. Troy knows that it doesn’t make any sense too but maybe its from the fact that Sig is his photographer and that he’s paying him, therefore he owns some piece of its time, in which in some ways, and in some words, he owns a part of him. And since he’s the type of guy who is very possessive ay gusto niya na sa kanya lagi ang mga pagmamay-ari niya.

But Sig’s a human being. Humihinga ito at buhay na buhay. At kahit bayaran niya man ito ng milyones ay kahit kailan, hinding-hindi ito magiging kanya. Not unless if Sig will submit its own self to him. Gaya ng mga babaeng kumagat sa pain niya.

But again, mas lalo iyong imposible. Sig will never submit its own self to him. Una at huling rason, pareho silang lalaki. Liban na lang din kung siya ang gagawa ng pagaalay ng sarili kay Sig. Pero bakit niya naman gagawin iyon? Babae ang tipo niya at batang lalaki na gaya ni Sig.

Drunk In ShinjukuTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon