Chapter 31

403 20 0
                                    

Sigfred

Mabilis lumipas ang mga araw. It was just July 17 the other day and the next thing I knew, first week na ng August. Troy was right too. Mahigit isang linggo nga bago nag-fade ng tuluyan ang mga kiss marks niya sa akin. Hiding it was a real hassle. Kahit mainit ay kailangan kong magsuot ng scarf o hindi kaya'y turtle neck. Nagawa ko iyong itago sa maraming tao pero hindi kay Jackson, Kris at Kieser.

They're the first people to know about Troy and I's relationship too. Noong una, akala ko, mahuhusgahan pa nila kami at hindi agad-agad matatanggap, but fuck, mabilis pa sa alas kuwatro ay buong puso na nila kaming niyakap.

It happened on that same morning na nadatanan ko ang sarili kong leeg na tadtad ng kiss marks na galing kay Troy. Paglabas ko ng comfort room, naroon na ang tatlo niyang kaibigan. Troy and I we're about to sneak out that time papunta sa unit niya pero hindi na namin nagawa kasi nahuli na nila kami.

Kris, Kieser and Jackson saw all my marks. At first, natulala pa sila nang makita iyon pero noong lumipat na ang tingin nila kay Troy ay tinukso na lang nila ito ng tinukso. Para lang akong tuod sa pagkakataong iyon na pinagmamasdan sila ngunit nang inulan nila kami ng 'congratulations', natawa na lang ako at naiyak at the same time.

"What's your plan?" tanong sa akin ni Troy. Kakatapos lang ng exam ko sa P.E., hinintay ako niya sa may hallway at ngayon at naglalakad na nga kami paalis dito.

Hinarap ko siya. Hawak-hawak ko ang sling ng bag ko. Maraming dumadaang estudyante sa paligid namin kaya medyo napalapit ako sa kanya. We're both wearing the same peach sleeves uniforms. Ang kaibihan lang, bukas 'yong dalawang upper buttons ng kanya habang isa lang 'yong sa akin. Mainit daw kasi kaya sinadya niyang gano'n.

Magsasalita pa sana ako nang bigla niyang itinaas ang kamay niya. Iiwas pa sana ako kaso hindi ko na nagawa nang dumapo iyon sa pawisang noo ko. Napahinga ako ng malalim. Hindi man lang siya gumamit ng panyo, lagi niya na lang itong ginagawa sa akin. Dati, nahihiya pa ako kasi pawis ko 'yon pero mapilit siya kaya hindi ko na rin siya sinisita kalaunan.

"Uuwi ako sa amin," sagot ko sa naging tanong niya. Ilang araw na lang kasi, semestral break na. And yes, uuwi ako sa amin kasi iyon ang pinangako ko sa Mama ko.

Natigil siya sa pagpupunas ng pawis ko. Napatitig sa akin ng derecho.

"Bakit?" tanong ko.

Mabilis siyang umiling. "Nothing. It's just that I'll miss you."

Natawa ako. "Dalawang linggo lang 'yon."

Marahan niyang kinurap ang mapupungay niyang mga mata. "Kahit na."

May pagtatampo sa boses niya. Mas natawa pa ako. Lalo na nang nag-pout siya.

"Tara na nga. Gutom na ako." Hinablot ko na siya at tuluyan na nga kaming umalis doon. Instead of going to the cafeteria, sa unit niya kami tutungo. Troy and I had been living under the same roof for more than two weeks already at sa loob ng sobrang ikling panahong iyon, masasabi ko sa sarili kong sobrang dami ko ng nalaman at natutunang bagay patungkol sa kanya.

Una, he's not only clean freak. Kundi sobrang clean freak talaga. May makita lang siyang kaonting dumi sa unit niya, nagfi-freak out na siya at lilinisin niya na agad iyon. E sa sobrang makalat ko? Kaya ayon, palagi niya akong napapagalitan. Pangalawa, he's exaggeratedly organized. Not only with his stuffs pero pati na rin sa mga kailangan niyang gawin sa susunod na araw o linggo. Nakalagay sa notepad ng phone niya ang eksaktong lokasyon, petsa at oras ng mga kailangan niyang puntahan, documents na kailangang ilakad, at iba pang bagay na kailangan niyang paglaanan ng atensiyon. Pangatlo, he's extremely touchy. May tao man o wala, gusto na gusto niya akong pisil-pisilin, hawak-hawakan, akbay-akbayan, yakap-yakapin at halik-halikan. There are times that he can't control his own self kaya ako lagi ang nagpipigil sa kanya.

Drunk In ShinjukuTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon