Sigfred
Nalulungkot ako para sa kanya. Troy seems like he’s a tough guy inside pero, but he could crumble anytime without him noticing it. Gaya na lang kanina, he was just asking something habang naroon kami sa waiting shed at nang sinagot ko na nga ang tanong niya’y napansin ko na lang na bigla siyang naiyak. He was not sobbing though. In fact, hindi niya napansin na naiyak na pala siya. Kusa na lang tumakas ang mga luhang iyon mula sa mga mata niya nang hindi niya namamalayan. I felt bad about him, that’s why, inalok ko na lang siyang yakapin ko siya. He was hesitating at first pero sa huli ay tinanggap din naman iyon. It felt awkward after that. Well, kahit hanggang ngayon. Medyo nakakailang pa rin sa pakiramdam. Pero sana . . . sana naging daan iyon para gumaan ang pakiramdam niya. Hindi birong mawalan ng magulang. Lalo pa’t Mama niya ‘yong nawala sa kanya. I’m not saying na ayos lang kung Papa niya na lang ‘yong nawala sa kanya. Its just that, mothers always have a special place in our hearts. Even our strong fathers are aware of that thing. Iba ang nanay. Ibang-iba.
“Sigfred, ayos ka lang?” tanong sa akin ni Mika habang nakahawak sa aking braso nang madatnan niyang tulala ako sa upuan ko.
Kasalukuyang nagdi-discuss ang Prof namin para huli naming subject na College Algebra. Hindi na umuulan sa labas at medyo madilim na rin ang paligid. Naging malalim ang iniisip ko habang nakatanaw doon at hindi ko iyon namalayan hanggang sa ginawa nga ni Mika sa akin ‘yon.
“Ayos lang . . .” sagot ko sa kanya.
Nginitian niya ako. Gano’n lang din ang ginawa ko sa kanya. Nasa gitna kami nakaupo at katulad sa English Communication class, nasa kaparehong hanay lang din namin si Leng at Fe.
Gaya ni Mika, occupied pa rin sila sa naging meet-up nila kay Troy kaninang hapon. That was their very first time na makita nila ito ng sobrang lapit.
Hindi lang iyon dahil nakausap at nayakap din nila ito. At nang magawa nga nila iyon ay agad nilang kinain ang mga nauna nilang sinabi rito.
No’ng hindi pa nila ito nakikila ng lubos, Troy was a total jerk for them. Na womanizer ito at airhead.
Pero naging anghel itong bigla sa isipan nila matapos ang encounter nilang iyon with him na hindi naman talaga tumagal ng isang oras.They’re being bias, but I totally understand them.
Troy’s just too gorgeous for a guy that anyone can’t afford to think bad about him.
Minsan, naiinis din ako sa katotohanang iyon kasi sobrang unfair. Pero lately, na-realize ko na wala rin naman siyang kasalanan.
Nasa human nature natin ang magkaroon ng iba’t ibang biases. At nagkataon lang na minalas si Troy at nasalo niya ang kataingang nag-a-attract ng sobrang daming biases na iyon. The biases that makes everything superficial.
Luckily, nababawi niya rin naman iyon kahit papaano.
Hindi ko alam kung paano ko ba ito sasabihin pero, sa kabila ng mala-anghel niyang mukha at pangagatawan, Troy seems to have more substance kumpara sa ibang lalaki diyang katulad niyang mala-demi God sa mga mata ng babae. Natanto ko iyon sa mga naging paguusap namin. He’s a bit rude pero laging on point at may sense ang mga sinasabi niya.
“Hindi naman kasi totoo ‘yong first impression don’t last,” ani Leng nang matapos ang subjects namin. Yakap-yakap niya pa rin iyong notebook niyang may pirma ni Troy. At sa higpit ng yakap niya rito ngayon ay mukhang may mabalak siyang itabi iyon hanggang sa pagtulog niya ngayong gabi.
“True! Sabi naman sa inyo e. Gano’n talaga ang mga lalaking malalakas ang appeal. Alam nilang habulin sila kaya kailangan nilang magmukhang masama minsan para mabawasan ‘yong mga baliw na baliw sa kanila,” paliwanag naman ni Fe na siyang pinaka-affected kay Troy. Dagat lang ‘yong wallpaper niya sa mga nakalipas na araw pero ngayon ay ‘yong picture na nilang dalawa ni Troy na kuha ko kanina sa café ang pinangpalit niya. In-edit niya pa iyon at nilagyan pa ng mga puso sa paligid.
BINABASA MO ANG
Drunk In Shinjuku
RomanceSome get lost, some are found. But most of the time, people get drunk in Shinjuku. *** Moving into the university's dormitory as a first-year marine engineering student, Sigfred Renz Ronquillo stumbled upon a familiar guy whom he awkwardly met last...