Chapter 75

174 16 0
                                    

Sigfred

“Now, chose your leaders . . .” Pinagtuturo agad ako ng mga kaklase ko nang inanunsyo iyon ni Sir Boompa. We had already grouped ourselves into three at ang magiging ang activity nga namin ay patungkol sa pagkuha ng pictures sa labas gamit ang mga camera na ibinigay niya per group and afterwards, making an essay about it.

Pinagkaluno na ako ng mga kaklase ko kaya wala na rin akong nagawa. Mga group leaders lang sana ang gustong palabasin ni Sir Boompa para kumuha ng mga pictures pero nagmakaawa rin naman ang mga kaklase ko kaya sabay-sabay na lang din kaming lumabas doon.

Nagdaldalan lang din naman ang mga ka-grupo ko kaya sineryoso ko na lang din ang pagkuha ng pictures. Nag-enjoy din naman ako sa ginagawa ko dahil sa gamit kong camera. The one that was handed to me was a Canon EOS 80D. Same model nang nasira kong camera. Medyo upgraded nga lang ‘yong exterior kaya ang bigat at ang premium bitbitin.

“Oh? What’s this?” Bigla akong napatigil sa pagkuha ng picture nang maituon ko ang camera ko sa may field. Sa camera ako nakatingin at tila may kakaibang bagay na nagaganap doon. Sa gitna ng field, tila may kung anong umiilaw doon kaso nga lang tinatakpan.

“Guys! Tingnan niyo oh!” Hindi nagtagal, napansin na rin iyon ng mga kaklase ko. Dahan-dahan silang nagpunta roon kaya naki-usyoso na rin ako. Habang naglalakad, tinutuon ko pa rin ang camera ko doon in case na magbago ang anyo ng kung ano man ang bagay na naroon.

“Ano ‘yon?” tanong ng isang kaklase ko nang tila may narinig itong kung ano coming from that place.s

Narinig din iyon ng iba kong kaklse ko at hindi nagtagal, napagtanto naming galing pala iyon sa piano. Nagitla rin ako nang naging pamilyar sa akin ang mga unang mga notes. It’s an acoustic version of Rain on Me. The same song na nagpi-play noong nag-confess ng feeling sa akin si Troy sa Shinjuku.

Gayon pa man, pinirmi ko pa rin ang focus ng camera ko roon. I want to capture that thing out there the moment it’ll reveal itself.

“OH MY!” Biglang nagsitilian ang mga kaklase ko at pati na ang iba pang mga estudyanteng papunta roon nang biglang bumaba iyong malaking tilon na nakaharan doon. I immediately captured it with my camera at laking gulat ko na lang nang rumehistro bigla sa mga mata ko at pati na sa lente ng camera na hawak ko ang isang lalaking sobrang pamilyar sa akin.

He’s in all white habang ang tanging cream niya lang na suit ang naiiba ang kulay. Nasa loob siya ng isang heart shape na nagkahugis lang dahil sa mga kandilang nakapalibot dito. He’s sitting on a chair while playing a grand piano. Hindi nagtagal ay kumanta na rin siya. Hindi ko na alam kung ilang shot na ba ang nakuhako  o kung nakakuha paba  talaga ako ng mga litrato dahil noong binaba ko na ang camera na tangan-tangan ko ay naiyak lang ako nang makita ko siya.

Nang magkatagpo ang mga tingin namin nagsimula na rin siyang kumanta.

So, ito ang dahilan kung bakit iniwisan at hindi niya ako kinausap ng dalawang araw? Because he wants to surprise me with this thing? At bakit ngayon ko lang nalaman na marunong pala siyang mag-piano? Did he learn it for me?

May mga key at note siyang nalalagpasan kaya baka ganoon na. Despite of that, sobrang ganda pa rin ng performance niya. At sobrang lamig din ng boeses niya.

Most of the students there already knows what’s going on between me and Troy kaya tinulak-tulak nila ako papunta roon hanggang at nang makarating nga ako sa loob ng heart shape kung saan naroon siya ay tili lang ang inabot naming dalawa. Jackson, Kris and Kieser’s was outside the heart shape at nang makita ko nga sila ay nag-peace sign lang sila sa akin.

“Shit!” Napamura ako habang natatawa at naiiyak at the same time. Troy just smiled at me while he’s singing and playing the grand piano. Madilim sa field at tanging iyong mga kandila lang na nasa paligid namin ang nagbibigay liwanag sa amin, giving us yellowish but somewhat orange-like natural lighting.

Drunk In ShinjukuTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon